Dedicated to Jeany
Sinamahan ako ni Drake pumunta ng locker para kunin ang aking uniform. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako sinamahan dito. Liningon ko siya at tanging ngiti lamang ang aking nakukuha sa kanya.
"Uhhm Sy? Can I ask you something?" sabi ni Drake kaya nilingon ko naman siya.
"Oo naman, ano yun?" Sabi ko naman sa kanya.
"Bakit ka nga pala inaway ni Alyana? Kilala mo ba ang boyfriend niya?" hindi na niya siguro napigilan at tinanong niya na sa akin.
"Ewan ko sa kanya. Basta ang importante hindi ko naman inaahas yung boyfriend niya. Hindi ko nga yun kilala eh." Sabi ko sakanya at tinalikuran ko na siya para kunin ang aking uniform.
Sinamahan niya ako papuntang CR at hinintay niya ako sa labas. Wala ba tong pasok bakit niya pa ako sasamahan. Tapos na akong mag bihis kaya lumabas na ako at nagulat ako nang hindi ko nakita si Drake. Sabi niya sakin hihintayin niya ako dito ah. Aalis na sana ako nang may biglang humablot sa akin papasok ulit sa CR at nilock ang pinto. Shit!
"Hi Miss Sleeping Beauty." Damn! It was Cal. Ano naman ba ito? Agad akong ginapangan ng kaba ng unti unti siyang lumalapit. Umatras naman ako ng umatras hanggang sa wala na akong maatrasan.
"Anong ginagawa mo? Umalis ka nga sa harapan ko!" Tinulak ko siya pero hindi man lang siya gumalaw.
"What if I don't?" He said while smirking. Kairita na talaga siya!
"Please ayoko ng gulo. Stay away from me." I said habang tinutulak parin siya pero hindi talaga siya natitinag.
"I don't want to see you again with that man Synara." He's now in a serious mode.
"Sino ka ba para sabihan ako niyan? Hindi nga kita kilala eh! Puwede ba umalis kana? May pasok pa ako!" galit na sigaw ko sakanya. Sino ba siya para sabihan ako niyan? Ano nalang kaya ang gagawin ni Alyana sakin pag nalaman niya to?
Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. He moved closer to reach my ear and whisper.
"You are mine. And no one can get you away from me." Sabi niya at saka umalis.
What the hell is that? You are mine? As far as I know, no one owned me. Napaka mysterious talaga ng lalaking yun. Ni hindi ko nga siya kilala tapos aangkinin pa ako. May topak ba yun?
"Sy? Hindi ka ba jan tapos?" napatayo ako ng maayos ng maalala ko na may pasok pa pala ako at hinihintay na ako ni Drake sa labas. Wait? Bakit hindi siya nakita ni Drake na pumasok? Anyways bahala siya sa buhay na. Lumabas na ako ng CR at nadatnan ko si Drake na nakatayo sa labas at hininhintay ako.
"Uhmm Sorry, Let's go?" sabi ko at nauna nang maglakad.
Hinatid niya na ako sa room ko at nag paalam nadin siyang umalis dahil may pasok din.
As I enter our room everyone is staring at me. Maybe they knows what happened in cafeteria a while ago. I walk towards my chair. Nang makaupo na ako ay agad naman akong pinuntahan ni Kiara at kinulit na e kuwento ang nangyari kanina. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat ng nangyari except sa nangyari sa CR.
"Empakta talaga yang si Alyana! May araw din yan. Hintayin lang niya!" sabi ni Kia na gigil na gigil. Kala mo naman siya yung inaway e.
Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Cal. Bakit niya naman ako aangkinin eh may girlfriend na siya? Baka hindi pala sila talaga ni Alyana. Baka assumera lang talaga siya? Maaga natapos ang aming klase. Lumabas na ako ng room at ganon din si Kia. Hindi pa man ako nakakalayo sa room ay bigla na lang sumulpot so Drake sa aming harapan.
"Hello ladies! Uuwi na ba kayo?" Sabi ni Drake at sumabay na sa amin sa paglalakad.
"Oo Drake, pero may pupuntahan pa kami ni Sy eh." Agad naman na sagot ni Kiara.
"Where? Can I come with you ladies?" napa baling ako ng tingin sa kanya. Bakit naman siya sasama?
"Oo naman Drake! Diba Synara?" sabi ni Kia at pinanlakihan pa talaga ako ng mata. Wala naman akong nagawa kaya tumango nalang ako.
"I have my car, I can drive you there." Drake said. Nag paalam naman ako kay Kuya kaya ok lang. At parang gustong gusto naman ni Kia kaya kay Drake nalang kami sumabay.
Pagkarating sa parking ay ako na ang umupo sa unahan dahil agad pumasok si Kia sa likod. Nahiya naman kasi akong gawing driver si Drake kaya ako na ang umupo sa harap. Hindi naman nagtagal ang aming biyahe at nakarating din kami sa malapit na mall.
"Punta muna tayo sa bookstore, may bibilhin lang kami ni Sy doon." Kia said while dragging me inside the mall.
Wala namang nagawa si Drake at sumunod nadin siya samin. Kia and I are busy finding those new books that we want to read. When I glance to Drake he was also scanning some books. I think he also likes to read. Nang mahanap na namin ang libro ay agad din kaming pumunta sa counter para magbayad. Drake also brought a book for himself. Pagkatapos naming bumili ay napag desisyunan naming kumain ng pizza. Si Drake na ang omorder para samin.
"Alam mo Sy? Ang swerte siguro ng magiging girlfriend ni Drake ano? Kung ako lang talaga liligawan niyan? Sasagutin ko na agad! Akalain mo yun? Gwapo, mayaman, mabait, gentleman pa. Wala kana talagang hahanapin pa." sambit ni Kia habang hinihintay si Drake sa mesang napili namin malapit sa bintana.
Hindi naman tumagal ay nakabalik din si Drake kasama ang kanyang mga inorder. Libre niya pa talaga lahat.
"It's that okay? Do you still want anything guys?" Drake said while putting down those orders.
"Okay na yan Drake. Madami na yan baka nga hindi natin yan maubos." Sabi ko sakanya. Nakakahiya na nga at siya pa yung nanlibre samin eh.
"Uhm okay. May bibilhin pa ba kayo pagkatapos neto?" sabi ni Drake habang kumukuha ng slice ng Pizza.
"Wala na. Siguro uuwi nalang tayo pagkatapos neto." Sabi ko at sinimulan na ang pagkain.
Habang kumakain panay naman ang kuwento ni Kia kay Drake. Natapos na kaming kumain kaya napag desisyunan naming umuwi na. Tatayo na sana ako sa aking upuan na bigla nalang may sumigaw.
"Aaahhhhh! Bitiwan mo ako!" sigaw ng babae habang hawak siya ng isang lalaki.
"Wag kayong gagalaw! Papatayin ko to! Ibigay niyo sakin lahat ng pera at alahas niyo!" Damn! Isang magnanakaw. At hindi lang isa! Lima silang lahat dito! Kanina pa pala sila nagmamatyag at wala manlang naka pansin non. Pati ba naman dito ang lakas ng loob magnakaw. Wala na talagang pinipili na lugar ang nga magnanakaw ngayon.
Nataranta naman ang lahat ng tao sa loob kaya wala nang nagawa yung iba kung hindi ay ibigay sa mga yun ang lahat ng pera at alahas nila. Kukunin ko na sana ang aking Cellphone para humingi ng tulong nang bigla nalang may humawak sa aking buhok. Damn! Ang sakit ha!
"Wag mo nang gawin ang binabalak mo Miss kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ng lalaking may hawak sa akin. Goshhh! Ambaho ha! Hindi ba uso mouthwash sa kanila? O di kaya kahit mag toothbrush man lang?
Sige Synara yan pa talaga iniisip mo? Tssk! Nilingon ko sina Kia at Drake at kitang kita ang takot sa kanila. Nakayukom ang kamal ni Drake na parang ano mang oras ay manununtok na.
"Don't you dare touch her!" napalingon kami sa taong nagsabi nun. What the? Ano naman kaya ang ginagawa ng kabute na yan dito? Pasulpot sulpot nalang siya palagi. At may pa don't you dare pa siyang nalalaman.
"At sino ka naman para utusan ako?" sabi naman ng magnanakaw sa kanya.
"I said don't fvcking touch her or else you'll find your cold body sleeping peacefully inside a coffin." Cal said with those devilish smile.
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs