Late nakong nagising ngayon dahil late na din akong naihatid ni Cal kagabi. Mabuti nalang at hindi ako pinagalitan nila Mom and Dad pag uwi ko. Last night was really absurd. I can't believe that I was once surrounded by those vampires. After they introduced their selves they immediately disappear kaya inihatid na ako ni Cal.Cal told me that those persons who attacked us last night are Vampire Hunters. Sila yung mga taong may galit sa mga bampira. Gustong mawala ng mga taong yun ang mga bampira because they believed that vampires are just threat to humans. Kaya bumuo sila ng organisasyon para matalo ang mga bampira. Isa sa mga gusto nilang patayin ay Cal at ang pamilya nito. Cal families are the strongest vampires. Hindi ko akalain na ganon pala talaga sila ka lakas. Isa na siguro sa pinaka masuwerteng bagay na nangyari sa akin ay makilala ang pinakamalakas sa angkan nila at yung ay ang lolo ni Cal.
Naputol ang aking pag iisip ng may biglang kumatok sa kwarto ko.
"Sy? Andyan na si Cal sa baba inaantay ka." Kuya said. Kaya agad ko nang inayos ang mga gamit ko para makababa na.
Naabutan kong nakaupo si Cal sa couch. Nang nagtama ang paningin namin ay agad siyang ngumiti sa akin. God! Mas lalong akong na-iinlove sa bampirang to.
Tumayo na siya at agad lumapit sakin. "Lets go?" tumango ako at nag paalam na kami kay manang at Kuya. Himala, hindi ata maaga alis ni Kuya ngayon ah. Nauna na kami ni Cal sa kanya.
"Cal?" I called his name while he's driving. He turned to me.
"Hm?"
"Hindi na ba tayo babalikan ng mga kalaban niyo kagabi?" tanong ko sa kanya. Natatakot na kasi ako na baka balikan nila kami.
"If they did that again, I promise to turn them into ashes this time." Sabi niya habang dumidiin ang hawak niya sa manibela. Unti-unti na ding pumupula ang mata niya.
I reached for his hand and squeeze it. He looked at me.
"I'm sorry, I was just afraid that they might hurt you." Sabi niya sa akin at bumalik na sa normal ang kulay ng mata niya.
I smiled to him. "I'm fine Cal, don't worry about me. Baka naman sa ginawa niyo sa kanila hindi na nila kayo babalikan."
"I can't agree baby, but promise me that youll stick with me okay? Dahil kapag may nangyaring masama sayo hindi ko mapapatawad ang sarili ko." I nodded to him.
Pagdating naming sa school ay madami na agad nakatingin sa amin.
"Don't mind them." Cal whispered to my ears.
Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Hinatid niya ako sa room. Hindi ko namalayan na nakaabang na pala si Kiara sa pinto ng room na may kasama pang ngisi salabi. Alam ko na yang iniisip niya.
Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos niya akong ihatid. "Akala ko noon wala kang gusto sa kanya Synara? Ano na? Bakit ngayon magkasama kayo? Sudden change of mind?" tanong ni Kia.
"Tumabi ka nga dyan!" sabi ko sa kanya. Pano ba naman kasi sa harap pa talaga ng pintuan nagtatanong.
"Mag kwento ka kasi! Asan ang chika?" tumabi na siya kaya nakadaan na ako pero sinundan niya ako hanggang makaupo na kaming dalawa. "Ano na? May score na ba?" bakit ba ang daldal ng babaeng to.
"Alam mo? Ang dumi ng hutak mo! Kailangan nang linisin yan. Nanliligaw pa lang." nagulat ako ng bigla niya akong hampasin sa balikat. "Ano ba?! Masakit Kia ha! Wag ka ngang maingay dyan baka mamaya may makakarinig sayo" sabi ko sa kanya, baka mamaya marinig pa kami ng mga chismosa kong kaklase eh.
"Omg ka Synara ha! Dati ayaw mo sa kanya tapos papayagan mo din naman palang manligaw. Malandi ka din ano?" inirapan ko nalang siya.
Hindi na siya naka ingay ulit dahil dumating na yung teacher namin. Natapos din naman yung klase namin agad dahil mukang may pupuntahan din si maam kaya nag iwan lang siya ng Gawain. Natapos din naman agad naming ni Kiara yun kaya naka labas na kami ng room.
Pumunta na din kami agad ng cafeteria para kumain dahil hindi ako naka breakfast kaninang umaga dahil late na din naman ako nagising. Habang papunta kaming cafeteria ay nakasalubong namin si Kuya na parang galit na naman sa mundo. Kung hindi ko siya nilapitan ay hindi niya pa ako mapapansin.
"Hey? Whats wrong Kuya?" sabi ko sa kanya.
"Ano na naman problema mo Dahon? Bakit parang kalaban mo na naman buong mundo?" pang iinis na naman ni Kia kay Kuya. Pero parang wala itong balak sakyan ngayon.
Is it about Clair ba? Kaya ganto na naman siya.
"I'll talk to you later. I need to go." Tumalikod na siya sa amin at umalis. Problema nun? Kakausapin ko nalang siya mamaya sa bahay.
"Anong problema nun?" tanong ni Kia sa akin.
I shrugged Hindi ko din alam eh. "Hayaan mo na, kakausapin ko nalang siya mamaya sa bahay."
Pinagpatuloy na namin ang paglalakad papuntang Cafeteria.
"Synara tingin mo anong nangyayari dun?" tiningnan ko kung ano ang tinuturo ni Kia at nakita kong nagkakagulo ang mga babaeng estudyante.
"Alam mo girl dalawang bagay lang yan eh. Its either may pinapahiya na naman si Alyana o may bago na namang transferee na lalaki." Sabi ko sa kanya.
"Tara puntahan natin." Hindi na ako naka hindi sa kanya dahil bigla niya na nalang akong hinatak sa kumpulan ng mga estudyante.
Nang malapit na kami agad akong napahinto ng makita ko kung sino ang pinag kakaguluhan nila.
What the hell are they doing here? Dont tell me....
"Omg Hi Synara! You really gorgeous like me." Sigaw ni Aubrey sakin.
"Hi Nara! How are you?" sabi naman ni Carson. At kalian pa ako naging puno?
Habang nag wink lang sa akin si Axel at nag nod lang si Bryson. Asan na ba si Cal? Anong ginagawa nila dito.
"I'm here baby. You eat already?" nagulat ako ng bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko.
"What are they doing here? bulong ko sa kanya
Lumapit naman ang mga kaibigan niya sa amin. Tiningnan ko si Kia na litong-lito parin sa nangyayari.
"Grandpas idea. They will study here." Napatingin ako sa kanya.
"This is gonna be fun." Axel said.
Yes! Definitely fun!
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs