He catch me with his captivating eyes.
I fall inlove with his precious smiles.
He made me feel those butterflies.
But I was wrong, vampires and humans aren't meant to be. I hope it was just a dream, I can't handle the pain at same time. God knows how hurt I am right now.
Does he really love me? Or its just me who's in love with him.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ako umiiyak sa bisig ni Drake. Nakakahiya na sobrang basa na yung t-shirt nya dahil sa luha ko kaya humiwalay na ako sa kanya. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko.
"Are you feeling better now?" tanong nya sakin.
Tumango nalang ako sa sinabi nya.
"Mas mabuti pang ihatid na kita sa inyo." Tumango nalang ulit ako sa kanya.
Parang nawala na rin yung boses ko dahil sa kakaiyak. Nararamdaman ko yung tingin nya sakin habang pauwi na kami pero wala akong lakas para pansinin ito. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang sakit at pagod. Gusto ko na agad makarating sa bahay at magkulong sa kwarto ko.
Huminto na ang kotse nya kaya inayos ko na yung sarili ko. Nagpasalamat lang ako sa kanya bago bumaba. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagkulong. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya bumangon na ako para maligo dahil naka school uniform pa din ako.
Hindi na ako nagulat ng makitang mugto ang mata ko. Hinayaan ko nalang yun at naligo na. Bumaba na din ako pagkatapos dahil nakaramdam ako ng gutom. Habang pababa ng hagdan ay narinig ko ang boses ni Mommy at Kuya na parang nag-aaway.
"Mom matanda na si Synara! Maiintindihan na nya ang mga nangyayari!" sabi ni Kuya.
Anong maiintindihan? May hindi ba sila sinasabi sakin?
"No Lief! Wag na natin idamay si Synara dito!" galit na sigaw ni Mommy kay Kuya.
What the hell? Anong wag idamay?
Hindi ko na sila pinatapos at bumaba na ako. Bakas sa mukha ni mommy ang pagkagulat habang wala namang reaksyon si Kuya.
"Anong wag ako idamay mom? May dapat ba akong malaman?" tanong ko kay Mommy.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon. Paano kung meron pala akong hindi alam? Ano kaya ang tinatago nila sa akin na hindi ko dapat malaman pa.
Agad lumapit si Mommy sakin. "No baby may pinag-uusapan lang kami ng kuya mo."
"Mom sabihin nyo na po." Sabi naman ni Kuya.
Tiningnan ko si mommy nang nagmamakaawa. Hindi habang buhay ay wala akong alam sa pamilyang to at bakit kailangan pa nila akong pagtaguan eh anakal din naman nila ako.
"Please baby promise me na wag kang magagalit samin." hindi ko man alam kung ano ang nangyayari pero tumango nalang ako.
Huminga ng malalim si Mommy. "We're Vampire Hunters." Fuck!
Bigla akong napaatras sa sinabi ni Mommy. What? We? Vampire Hunters? How?"No mom, youre kidding right?" Tanong ko sa kanya.
"No Sy, Mom is right were Vampire Hunters. It's on our blood and Grandpa is the leader." Parang sasabog ang ulo ko dahil sa mga nalalaman ko.
"Grandpa? I thought he was dead?" nagtataka kong tanong sakanila
"Sa puso't isip namin anak patay na sya. Hindi gusto ng daddy mo ang pagiging hunter dahil naniniwala syang mababait pa rin ang mga bampira. Pero dahil hindi gusto ng lolo mo ang desisyon ng daddy mo ay pinalayas nya ito. Hindi ko alam na buhay pa pala sya. Buong akala ko ay patay na sya dahil mula noong nagsama kami ng daddy mo ay hindi ko pa sya nakikita."
"Ngayon na alam na nyang may pamilya si daddy ay gusto nya tayong kunin para gawing katulad nya." Sabi ni Kuya.
"No Mom! Hindi ako papayag! Ayokong maging katulad nya! nang dahil sa ginagawa nya ay madaming nadadamay na inosenteng nilalang."
"Yes baby. Me and your Kuya will do everything para hindi nila tayo makuha." Sabi ni mommy sabay halik sa noo ko.
Hindi ko alam kung pano natapos ang pag uusap na yun. Hanggang ngayon ay hindi parin maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko. At hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam kung sino ang pumatay kay daddy.
Ito ba ang dahilan kung bakit lumayo sakin si Cal? Kung bakit niya ako iniwan dahil alam niya na ang mismong lolo ko ang gusto pumatay sa angkan niya?
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang daming nangyayari na hindi ko kayang pag sabay sabayin.
May kinalaman kaya dito si Grandpa? Hindi ko sya mapapatawad kung meron man.
The next day ay pumasok na ako. Inihatid pa ako ni Kuya sa room. Dumiretso na ako sa upuan ko at mabuti nalang andoon na si Kiara kaya may makakausap ako habang wala pa ang guro namin. Hindi ko din sinabi sa kanya ang nalalaman ko dahil ayokong madamay sya.
Our morning classes end well. Wala namang quiz na binigay si maam na syang ipinasalamat ko dahil wala pa atang laman ang utak ko ngayon. Pumunta na kami sa cafeteria para kumain. As usual, dumiretso na ako sa puwesto namin palagi dahil si Kia na ang omorder ng pagkain namin.
"Ang tagal mo naman." Sabi ko sa kanya pagdating nya bitbit ang inorder.
"Aba? Ako lang ba bumibili dun?" mataray na sabi neto sakin. Natawa nalang ako kumain na kami.
Hindi naman namin maiwasan mag kwentuhan habang kumakain. Hindi talaga nawawalan ng chismis ang babaeng to. May source ba ata kaya hindi nauubusan ng ekwe-kwento. Pero natigil ang chismis namin dahil sa grupong pumasok sa Cafeteria.
Si Cal, ang mga kaibigan nya at si Alyana.
"Okay ka lang ba sis?" tanong ni Kia
"Oo naman! Hayaan mo na sila. Ubusin na natin to at bumalik na sa room baka mamaya dadating na si Sir." Pinilit kong maging masigla ang boses ko.
Hindi ko mapigilan na tingnan si Cal. Mukhang masaya naman sya kay Alyana.
Mabuti naman.
Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming
umalis ni Kia dun."Hayaan mo na sila sis. Andito naman ako eh! Hindi kita iiwan gaya ng ginawa ng pesteng lalaking yun sayo." Sabi neto sabay akbay sakin.
Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. "Bruha ka kasi! Bumigay ka agad kaya yan tuloy kawawa ka!" sabi neto sabay tawa sakin.
"Ang gaga mo alam mo ba yun?" Kaibigan ko ba talaga to?
"Sana nasilip mo manlang bago ka iwan!" natatawang sabi neto habang tumatakbo.
"Humanda ka sakin potangina ka!" hinabol ko na din sya. Patay ka talaga sakin mamaya!
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs