Nagpalit na ako ng damit dahil hinihintay na daw ako ni Cal sa baba. Bumaba na ako at naabutan ko syang kinakausap ni Mommy sa couch. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila kung ano talaga ang lalaking mahal ko. Nagtama ang mga mata namin ni Cal ng maramdaman n'ya ang presensya ko. Tumingin naman si mommy sa tinitingnan ni Cal. Kinuwento na ata ni mommy ang nangyari.
Nang makarating ako sa couch ay agad akong niyakap ni Cal. Niyakap ko s'ya pabalik at tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masamang kay Daddy. Kung hindi dahil sa'kin sana ay nandito s'ya. Sana sa kanya ko nalang ako nagpaaalam.
"Sinabi ko na sa kanya ang nangyari anak." Sabi ni Mommy. Pinunasan ko na ang luha ko at humiwalay na kay Cal.
Tumango lang ako kay Mommy. Dumating na din ang mga tauhan ni Daddy. Sana may maganda silang balita.
But I think the universe isn't at my side right now.
Napaatras ako dahil sa narinig. "No! Hindi 'to magandang biro! Ibalik n'yo ang asawa ko!" sigaw ni Mommy.
"Nahuli po kami ng dating Ma'am. Pasensya na po." Sabi ng tauhan n'ya at lumabas na ito.
"Please ibalik n'yo ang asawa ko! Lief! Sabihin mong nagbibiro lang sila! Hindi pwedeng mawala ang Daddy n'yo. Hindi pwede!" walang tigil na sigaw ni Mommy. Niyakap na s'ya ni Kuya at pinatahan.
Agad naman nag unahan tumulo ang luha ko. No Dad hindi totoo 'to. Hindi mo kami iiwan. Hindi mo 'to gagawin sa'min. Kasalanan ko 'to eh! Kung sinabihan ko din sana sila na pupunta ako kay Cal. Sana 'di lang si Kuya yung sinabihan ko. Sino naman ang kikidnap sa'kin? Meron bang kagalitan si Daddy? Mabait naman s'ya pero bakit s'ya!
Niyakap ako ni Cal. Basang basa na yung t-shirt n'ya dahil sa luha ko. 'Di ko alam ang gagawin ko. Bakit nangyari 'to? Bakit sa lahat ng tao si Daddy pa?
"Hush, I'll be here. Di kita iiwan Louise." Cal said.
Lumapit na ako kay mommy at niyakap s'ya. I know that she is more affected than us. Daddy is her first love. They're been together since high school.
I don't know how that night ended. Nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. The news immediately spread like a virus. I didn't go to school. Kiara also visited me. Kuya told me that Daddy's body was found inside the abandoned building. Got a lot of gun shot in his body made him dead on the spot. Who the hell did that to him? Is there someone behind this?
And after that night, Cal didn't show up. He promised but he didn't make it. I don't know what the fuck is happening. I can't think. My mind was clouded with different thoughts. I've been locking myself inside my room. Crying all day.Lumabas na ako ng kwarto. Ngayon ililibing si Daddy. Nakasuot lang ako ng itim na dress at nag suot na din ako ng shades para matago ang mata kong walang tigil sa kakaiyak. Umupo ako sa tabi ni Mommy at hinawakan ko ang kamay n'ya. Tumingin s'ya sakin at bigla na namang tumulo ang mga luha ko.
"Mommy sorry. Kung 'di dahil sa'kin hindi nangyari kay daddy 'to." Iyak ko sa kanya. Agad naman s'yang lumapit sakin at niyakap ako.
"No, wala kang kasalanan anak. Kasalanan 'to ng mga taong gumawa sa kanya. Wag mo nang sisihin ang sarili mo dahil hindi 'yan magugustuhan ng daddy mo." Sabi ni mommy.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak hanggang matapos ang libing. Hindi ko magawang kausapin si Kiara. Wala din akong pinansin sa mga relatives namin. Hanggang ngayon 'di ko pa din matanggap ang pagkawala ni daddy. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na. Umuwi na kami sa bahay. Pumasok ulit ako sa kwarto para magkulong.
Nasaan kana ba.
Bakit kung kailan kailangang kailangang kita saka mo ako iiwan. Bakit 'di kana nagpapakita sa'kin. May nagawa ba ako para iwan mo'ko? Kung kailangan sigurado na ako sa nararamdaman ko sa'yo? Iyak lang ako ng iyak dahil sa mga nangyayari. Una namatay si Daddy, ngayon ilang araw na hindi nagpapakita sa'kin si Cal. Hindi ko na kakayanin pag isa na naman sa mga importanteng tao ang mawawala sa buhay ko.
Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang iyak at pag iisip ko.
Sinasabi ko na nga ba.
"Ano Synara? Hindi kana papasok? Dito ka nalang ba sa kwarto mo habang buhay?" bungad n'ya sa'kin.
Tinalikuran ko s'ya. "Wala pa akong gana pumasok."
"Gaga ka ba? Pano na 'yung pag aaral mo? Alam ko naman na hindi mo pa tanggap ang mga nangyayari pero Sy kailangan mong mag move forward. Hindi 'yan magugustuhan ng Daddy mo." Umupo ako sa kama.
"Kia masama ba akong tao? Bakit kasi sa'kin pa mangyari ang lahat ng 'to?" 'di ko na naman napigilan ang luha ko. Tanginang 'to! Hindi ba talaga 'to nauubos?
"No you're not Louise. God has a reason for all of this. Kaya 'wag kana mag kulong dito. Ilang weeks kanang absent sis. Hindi mo ba namiss kagandahan ko?" sabi n'ya sa'kin. Lakas din ng amats ng isang 'to.
I rolled my eyes. "Eww." Hindi na napigilan ng gaga at bigla n'ya akong niyakap.
'Wag kang mag alala, andito lang ako para sa'yo lagi. Kailan ba kita iniwan? Isipin mo na may mga tao paring nagmamahal sa'yo. Aasahan ko na papasok kana bukas. Namiss kita gago ka!" Sabi n'ya at humiwalay na sa'kin. 'Di ko naman napigilang tumawa sa sinabi n'ya.Madalas n'ya man akong tinutukso at iniinis pero alam kong mahal n'ya ako at hindi n'ya ako iiwan. Nagugulat pa nga ako pag bigla s'yang nagiging sweet sa'kin kasi knowing her? Hindi s'ya showy na tao. Madalas pa nga s'ya nasasangkot noon sa away ng mga lalaki naming kaklase eh. Ewan ko ba kung babae ba talaga 'to o lalaki. But then, I was so thankful to have her in my life. She's been there for me, always.
And I wont let anyone to hurt her.
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs