Chapter 5

13 0 0
                                    


Agad niya naman akong binitawan nang makatayo na ako ng maayos. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sakanya. Hindi pala talaga ako namamalikmata noong nakita ko siya sa cafeteria na nakatingin sa amin ni Drake na pumula ang mata niya. Ang mga mabibilis niyang kilos kahapon. Hindi ko na siya naka usap dahil tumunog na ang school bell hudyat na mag sisimula na ang klase. Nauna na siyang bumaba sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang bumaba din. Tulala akong pumasok sa room. Hindi maalis sa isip ko ang aking nakita. I want to confirm it. I'll talk to him later. But how? What if he's with Alyana? I just can't appear in front of them and grab him to have some chitchat? I'm sure Alyana won't allow that! Habang iniisip ko kung ano ang gagawin bigla naman akong kinalabit ni Kia.

"Hoy Synara! Kanina kapa tinatawag ni Ma'am." She said at bigla naman akong humarap sa teacher namin.

"Are you listening Miss Lacosta?" Ma'am said while looking at me. No she's not the only one who's looking at me but everyone inside this room.

"Yes Ma'am, I'm sorry." I said. Geez I'm so preoccupied

Pinagpatuloy na ng aming guro ang kanyang klase. This time I focused myself listening in her discussion. Natapos din sa wakas ang aming klase. Agad naman akong nilapitan ni Kia.

"Hoy babae! Anong nangyayari sayo? Bakit ka tulala kanina?" sabi niya sabay lakad namin palabas ng room. We're going to cafeteria to grab some snacks.

"Nah nothing. Let's go I'm hungry na." I said

Nang makapasok kami sa Cafeteria, si Kia na ang nag volunteer na mag order para saming dalawa. Pumunta naman ako sa lamesa na palagi naming ginagamit tuwing kakain kami dito. I was busy checking out my social media account when someone stood in front of me.

Tiningnan ko kung sino iyon, si Drake lang pala "Good morning Sy! Can I sit here?" he said while holding his tray.

"Sure but I'm with Kia. She's just ordering our food." I said and keep my cellphone inside my bag.

"Yeah she pointed this table to me." He said while smiling. I just nod and let him sit.

Hindi naman tumagal ay dumating din si Kia. Nilapag niya ang tray at nag simula na akong kumain. Kia and Drake are busy talking with each other. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang nakita ko kanina. Like? What the fvck? Is he really a vampire? Pero kasi dalawang beses ko na nakita na pumula ang mata niya! At hindi lang yun! Kakaiba ang kanyang bilis. Paano niya ako kaagad nilapitan kanina eh ang layo layo niya sa'kin? I really need to talk to him. But how? I'll just find a way to know the truth.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala kaka isip sa nangyayari ng bigla nalang akong kinalabit ni Kia. "Oh Synara? Dito ka lang? Ayaw mo nang pumasok? Kanina kapa tulala ah?" walang prenong tanong ni Kia.

"Wala may iniisip lang. Let's go?" sabi ko at nakitang titig na titig si Drake sakin na para bang may nagawa akong karumal dumal na krimen.

Ihahatid daw muna kami ni Drake sa room namin bago siya babalik sa room niya. Habang naglalakad, nakita kong nakaupo sa isang bench si Cal at nakatingin ng masama sa amin. Palagi niya nalang kami tinitingnan ng masama! May nagawa ba kami sa kanya? I rolled my eyes to him. Bahala siya sa buhay niya! Kala mo kong sinong bampira! Ang sungit naman!

Sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na uwian na pala. Ang bilis talaga ng oras. Inayos ko na ang aking mga gamit at inaya ko na si Kia na umuwi. Lalabas na sana kami ng room nang makita ko si Kuya na hinihintay ako sa labas ng room! Himala? Sinundo ako dito. LQ ba sila ni Clair ngayon? Kinuha ko na ang aking gamit at lumabas na ng room.

"Oh? Bakit ka nandito? Himala sinundo mo ako?" Sabi ko sa kanya.

He tapped my head "Namiss kitang sunduin eh." Wow? Namiss? Talaga ba? Ano kaya nakain ne'to? Pano ako hindi ma miss e puro nalang siya Clair! Minsan nakaka selos din ang girlfriend niyang yun.

"Hindi sasabay girlfriend mo sa'tin?" sabi ko sa kanya habang nag lalakad kami. Nauna na kasing umuwi si Kia dahil may pupuntahan pa daw sila ng pamilya niya.

Tiningnan niya ako "Nopee, kaya solong solo mo ako ngayon." He said. Bakit naman kaya hindi sila sabay umuwi ng girlfriend niya?

Nag drive thru kami ni Kuya sa Jollibee kasi daw na miss niya ako kaya nilibre niya ko sa Jollibee. Umuwi naman kami agad pagkatapos nun. Pagpasok ko sa bahay ay bumungad sa'kin si Mommy. Kakauwi lang siguro nila galing business trip.

Agad niya naman ako sinalubong ng yakap. "Hi baby! I miss you. Kamusta kayo ng Kuya mo dito?" Mommy said pagkatapos ay si Kuya din ang niyakap niya.

"We're fine Mom. How bout you and Dad?" tanong ko naman sa kanya.

"We're also fine baby. Sige na mag bihis kayo." Mom said. Umakyat na kami ni Kuya sa taas.

Nang makapasok ako sa kwarto ko, agad ko namang nilagay ang mga gamit ko sa study table ko at pumasok na sa CR para maligo. Hindi naman ako tumagal at nag bihis na ako ng aking pajamas. Bumaba nadin ako para mag dinner. I saw Daddy sitting on his chair and I immediately go to him and give him a tight hug. Minsan lang kasi silang umuwi ni Mommy dito kasi busy sila sa business.

"I miss you Daddy!" sabi ko sa kanya at humiwalay sa pagyakap.

"I miss you more baby" he replied. I smiled at pumunta na sa aking upuan.

Habang kumakain hindi naman nawawala ang pag kukuwentuhan namin. Kahit naman na busy sila sa business hindi naman sila nawawalan ng time samin. Palagi silang nag kukuwento ni Kuya samin about business o kung ano ang nangyari sa business trip nila. Palagi din sila nag memessage samin ni Kuya. That's why I'm so thankful to have them as my parents, despite of being busy in business they never forget to give some time for us.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat nadin ako sa kwarto para mag aral dahil may quiz kami tomorrow sa isang subject namin. Habang nag aaral bigla nalang humangin at tinangay nito ang ang kurtina ng sliding door ng aking balcony. Pinuntahan ko iyon at isasarado na sana kaso may nakita akong nakatayo sa labas ng aking balcony! Bigla akong ginapangan ng kaba.

"Who are you?" I said at humarap sa aking ang lalaking nakatalikod.

What the fvck? "Hi Miss Sleeping Beauty." Cal said while smirking at me.

"Anong ginagawa mo dito?" Pano siya napunta. Wait? Bampira nga pala siya kaya naman kayang kaya niyang tumalon papunta dito.

"Yes I jump all the way here." Sabi naman niya. The fudge? Nababasa niya ba ang iniisip ko?

"Yes Milady. Nababasa ko ang iniisip mo." Bakit ba hindi mawala wala yang ngiti niya? I immediately closed my mind for him not to read my thoughts. Mahirap na baka ano pa ang mabasa niya sa iniisip ko.

"Pero totoo ba talaga na bampira ka? Nag e-exist pala kayo? Pano ka naging bampira?" tanong ko naman sa kanya.

Tiningnan niya ako. Agad naman akong umiwas dahil hindi ko kayang tapatan ang mga tingin niya. Bakit ba ang ganda ng mga mata ng bampirang to? At ang putla putla din ng skin nila. Para gusto ko ding maging bampira. Ang cool kaya nun! Ang gagandang nilalang!

"We do exist pero hindi namin pinapaalam sa mga tao na bampira kami dahil baka matakot sila samin." He said

"Eh bakit sakin pinaalam mo?" sabi ko namam sa kanya

Tiningnan niya lang ako. Yung tingin na parang pati kaluluwa ko makikita niya. Bigla siyang lumapit sakin ng dahan dahan. Umatras naman ako nang umatras hanggang sa sliding door nalang ang naramdaman ko sa aking likod.

"So? Bawal ba ipaalam sa taong gusto ko?." He said at bigla nalang nawala sa aking paningin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok neto.

His Venomous Fangs (On-Going)Where stories live. Discover now