Chapter 17

1 0 0
                                    

Nagsimula na kami kumain. "So, alam mo naman na siguro na hindi kami tao hija." Panimula ng nanay ni Cal. Nag angat ako ng tingin sa kanya at tumango.

"Cal will be the next leader of our Clan. Ayoko lang na may sagabal sa pagiging susunod na leader nya." Sabi naman ng tatay nya.

And that words hit me. Ayoko ko maging sagabal sa pagiging leader nya. Isa lang naman akong hamak na tao. Wala akong kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko. Paano kung mangyari ulit yung nangyari noon at wala si Cal sa tabi ko? Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko.

Pinanghinaan ako ng loob. Cal hold my hand and squeeze it gently.

"Ma, Pa! Ilang ulit ko ba sasabihin sa inyo na ayoko maging leader ng Clan natin. Kuya is there. He can manage." pagrereklamo neto sa magulang.

"I have other plan for Calix." Tiningnan ko ang Kuya nya at parang wala naman itong naririnig.

Are they good?

Hindi na ulit nagsalita si Cal. "Can we finish our dinner first?" tanong ng mama ni Cal. Kaya ayun ang ginawa namin.

I don't know why but I feel like his family don't like me. I mean, I'm just a human. Magiging sagabal lang ako sa kanya o sa pamilya nya at ayokong mangyari yun. But I love him! Ano ba kasi ginawa neto sa akin at minahal ko sya.

I didn't expect that I'd fall to this vampire!

Our dinner ended. At nag uusap na ngayon ang parents niya.

Bigla naman akong tinanong ng mama ni Cal. "Aren't you afraid with us hija?"

"To be honest, yes po. But that doesn't mean that I'll stop loving your son po Ma'am." I said at Nakita kong lumingon sakin si Cal. Baka kinikilig sa sinabi ko. Gosh ako lang ito Cal.

Hindi naman na na sundan ang tanong ng mama niya kaya I decided to bid my goodbyes cause its getting late.

"Uhm, I'll go ahead na po. Nice meeting you po Ma'am, Sir." Paalam ko sa mga magulang nya.

"Cut the formality hija. You can call us Tita and Tito. Nice meeting you too." Sabi ng mama nya at nag beso na ito sa akin.

Tumango lang sa akin ang papa nya. "Hija, one more thing. The moment you step outside this house, make sure you'll keep this as a secret." Paalala sakin ng papa nya.

Tumango ako. "Yes po Tito. Mauna na po kami." Magpapaalam na sana ako sa Kuya nya pero hindi ko na ito nakita pa. Kaya umalis na kami ni Cal.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti at buhay pa ako ngayon. Hindi na kami pa nag usap ni Cal dahil gisto ko nang umuwi dahil baka andoon na sila mommy at daddy at nag aalala na ito sa akin.

Nakarating na kami sa bahay at akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng sasakyan ni Cal ng bigla nya akong hilahin at yakapin.

"Please don't listen to them baby. You'll never be a hindrance to me." Nagulat ako sa ginawa nya.

"And wait? Did I heard it right? You'll never stop loving me?" I rolled my eyes.

"So?" Lumuwag ang yakap nya at hinarap  ako. "I don't want this to take so long baby. Lets make this official and be mine." sabi nito. Hindi nya pa rin inaalis ang tingin sa akin nilalabanan ko din ito. Hindi ko alam pero tumango ako sa sinabi nya. He smiled and yes! I know it made my heart melt! Ang gwapo nya lalo pag nakangiti!

"I love you Louise." He said at hinalikan ang noo ko. Lumabas na ako pagkatapos nun. I'm literally out of words to say! Balak ko naman syang sagutin pero di ko alam na mapapaaga ng ganun! Goodness gracious! I'm now taken by a hot vampire! Pumasok ako sa loob ng bahay. Pero nagulat ako ng makitang nakaupo si Mommy sa couch na umiiyak at pinapatahan ito ni Kuya.

What the hell is happening?!

Agad akong lumapit sa kanila. "Mommy anong nangyari? Bakit kayo umiiyak? Asan si Daddy?" tanong ko agad sa kanya.

Nag angat ito ng tingin sakin at tumakbo para yakapin ako. "Oh my god! Mabuti at ligtas ka baby." Umiiyak na sabi nito. Ano bang nangyayari! Tiningnan ko si Kuya.

"Someone texted us that they kidnapped you." Hinahanap ka ngayon ni Daddy. Fuck! Pano nangyari yun? Magkasama kami ni Cal!

"Anong kidnap? Magkasama kami ni Cal kuya. Diba I already informed you?" sabi ko sa kanya.

"Wag na kayo mag talo. The important thing here is you're safe. Call your Dad Lief." Sabi ni Mommy. Ginawa naman ito ni Kuya.

Umupo ulit kami ni mommy sa couch. I gave her another glass of water.

"Cannot be reached Mom." Sabi ni Kuya. Kinabahan ako sa sinabi nya. Bakit hindi sya makontak?

"Saan ba sya pumunta Kuya?"

"I don't know." Bigla nalang syang umalis.

Saan naman pwedeng pumunta si Daddy? Did the kidnapper texted him? Baka set up lang lahat ng to! Agad pumasok sa isip ko yung mga hunters. Damn! Maybe they planned all of this! Pero bakit nila idadamay ang pamilya ko? Wala namang kasalanan si Daddy sa kanila.

Should I call Cal? I need his help. Alam kong matutulungan nya akong hanapin si Daddy.

"We need to report this to the police Kuya, Mom?"

"Anak, hindi pa 24 hours nawawala ang dadddy mo. Tawagan mo ulit Lief baka wala lang signal sa pinuntahan nya." Sabi ni mommy. Parang maiiyak na naman ito.

I don't want her to cry. Makakasama ito sa kanya. Daddy saan ka ba pumunta? Umuwi kana please. Naghintay kami na makontak ni Kuya si Daddy pero hindi pa rin ito makontakumalis na si Kuya para e-report ito sa mga pulis. Tinawagan na din ni Mommy ang mga tao nila para utusan itong hanapin si Daddy.

Umakyat muna ako at nagbihis. Siguro kailangan ko na ding tawagan si Cal. Mabuti at hindi ko na delete yung number nya noon.

Nakailang ring muna ito bago nya nasagot.

[ "Yes baby? Is there something wrong?" ]

"Cal? Can you help us find Daddy?" tanong ko dito at pinipigilan kong maiiyak.

[ "Wait, Pupuntahan kita." ]

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad nyang pinatay ang tawag.

Umupo ako sa kama at napahilamos ng mukha ko. Kasalanan ko to eh! Kung hindi lang sana ako humiling kay Cal na ipakilala ako sa mga magulang nya edi sana hindi nangyari to! Sana anduto ngayon si Daddy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala man lang akong maitulong.

Tumulo ang luha ko.

Ayokong may mangyaring masama kay daddy. Hindi ko kakayanin. Sana ligtas sya ngayon. Saan ba kasi sya pumunta? May nag text ba sakanya? Sana mahanap sya  ng mga tao nya at ng mga pulis. I know naman na they have a lot of connection. Mahahanap nila si Daddy.

Lahat talaga ng saya ay may kapalit na lungkot. Minsan triple pa ang balik nito satin.

His Venomous Fangs (On-Going)Where stories live. Discover now