Dedicated to Jewel Aubrey
"Aray! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa lalaking may hawak sakin. Punyeta siya! Sinasabi ko talaga! Pag yung buhok ko nasira kakalbuhin ko siya!
"Manahimik ka nga diyan. Kung ayaw mong masaktan!" tssk! As if naman hindi na niya ako sinasaktan ngayon.
Tatadyakan ko na sana siya pero nagulat nalang ako na bigla na lang siyang tumilapon. Nilingon ko kung sino ang may gawa nun. Nilapitan siya ni Cal at bigla niya nalang itong sinuntok. Shit! Bakit parang kakaiba ang lakas niya? Nilingon ko ang aking kaibigan at si Drake. Nakikipag away naman si Drake sa isa pang magnanakaw. Hindi naman nag tagal ay dumating na ang mga pulis at agad naman silang dinampot. Agad namang tumakbo si Kia at Drake sa akin.
"Oh my god Synara! Are you okay?" Kia said while hugging me.
"Nasaktan ka ba?" si Drake naman ngayon ang nag tanong.
Nilingon ko si Cal at nakita kong nakitingin ito sa akin. Agad naman siyang nag iwas at lumakad na palayo.
"I'm fine. Let's just go home." I said at kinuha ko na ang aking bag at ang aking mga pinamili. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya. Bahala na nga, bukas nalang siguro.
Unang hinatid ni Drake si Kia sa kanilang bahay at ako naman ang sunod niyang hinatid. Nakakabinging katahimikan ang siyang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan. Magsasalita na sana ako pero na unahan na niya ako.
"Are you sure you're okay?" he said and look at me.
"Yeah I'm fine. Don't worry. Ikaw okay kalang ba? Nakipag away ka din kanina ah?" tanong ko naman sa kanya. At ngayon ko lang napag masdan ang kanyang mukha.
Gwapo naman talaga si Drake. Halos lahat siguro ng babae ma iinlove pag napag masdan mo ng maigi ang kanyang mala anghel na mukha. Pero nakita ko na may sugat ito malapit sa kanyang labi, nakuha niya siguro kanina sa pakikipag away. Hindi naman tumagal ay dumating na kami sa bahay.
"Uhm Drake pasok ka muna sa loob gagamutin muna natin ang sugat mo." Sabi ko sakanya.
"Wag na, okay lang ako gagaling din naman to eh." Sabi niya pero hindi ako papayag dun.
"I insist. Whether you like it or not gagamutin natin yang sugat mo. Kaya halikana!" wala naman siyang nagawa kaya sumama nalang siya sakin sa loob ng bahay.
"Ate pakikuha nga po ng First aid natin." Sabi ko sa aming katulong nang makapasok kami sa bahay. Pinaupo ko muna siya sa sala habang kinukuha pa ni Ate ang first aid. Nakita ko naman na pababa si Kuya sa hagdan. Agad siyang lumapit sa amin.
"Oh Drake bakit ka nandito? Anong nangyari sayo?" Kuya asked. Hindi ko na hinintay na sumagot so Drake at kinuwento ko na kay Kuya ang nangyari.
"What the hell Synara! Sa susunod hindi na kita hahayaan pang lumabas na hindi ako kasama! Pano pag may nangyaring masama sayo kanina?" sabi ni Kuya na para bang may magagawa pa sa nangyari.
Dumating naman si Ate dala ang first aid kaya hindi ko na siya nasagot at sinimulan ko nang gamutin ang sugat ni Drake.
"Mabuti nalang at yan lang ang nakuha niyo." Kuya said
Nang natapos ko nang gamutin ang sugat ni Drake ay nag paalam din naman ito na umuwi na. Hinatid ko naman siya sa labas. Babahain na naman ako neto sa mga tanong ni Kuya mamaya.
"Drake salamat nga pala ah. Kundi dahil samin hindi kapa sana napahamak." Paghihingi ko naman ng paumanhin sa kanya. Kundi siguro niya kami sinamahan baka hindi pa siya napahamak.
"Nah It's okay Sy. Baka mas lalo pa kayong napahamak kung hindi ako sumama." Sabi niya naman sakin. Bakit ba ang bait bait ng taong to?
"Sigurado kaba na okay kana?" sabi ko naman sa kanya at tumango naman siya
"Okay lang ako. Don't worry. So I have to go, see you tomorrow Sy." He said and smile. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at umalis na siya.
Pag pasok ko sa bahay agad naman ako sinalubong ni Kuya ng tanong.
"Is he courting you lil sis?" parang nasamid naman ako sa tanong niya.
"Pano mo nasabi? Sinamahan lang kami at ginamot ko lang ang sugat niya nililigawan agad?" sabi ko naman sa kanya. Eto talagang Kuya ko daming iniisip.
"Hmm okay. Just tell me if he's already your boyfriend." Sabi niya at iniwan na ako dito sa sala. What the hell is he thinking? Bakit ko naman siya maging boyfriend? Hindi niya namn siguro ako gusto, dami kayang magagandang babae sa school.
Maaga ako ngayon nagising at pumasok sa school. Sabay na kami ni Kuya pumasok. Mabuti nalang at hindi niya ako iniwan. Nagulat nalang ako na hindi na naman ngayon sinundo ni Kuya si Clair. Madalas din kasi niya itong sinusundo.
"Kuya? Hindi ba natin susunduin si Clair?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na." tipid na sagot niya sakin. Hmm parang may problema sila ah.
Nang maka park na si Kuya ay bumaba na ako at naglakad na papuntang room. Malapit na sana ako sa room ng mahagip ng mata ko si Cal na umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya para makapag pasalamat ako sa ginawa niya kahapon. Kung hindi dahil sa kanya baka ano nang nangyari sa amin. Papunta pala siyang rooftop. Ano kayang gagawin niya dun?
"Why are you following me?" nagulat naman ako sa bigla niyang pagsalita. Ganon ba katalas ang senses niya para malaman na may sumusunod sa kanya?
"Uhm gusto ko lang sanang mag pasalamat sa nangyari kahapon." Sabi ko naman sa kanya. Nilingon niya ako. I don't know but the moment he turned around I felt butterflies in my stomach. Those captivating eyes that always makes my heart beats so fast.
"Tssk. Next time don't do anything stupid." He said. Ay ako pa ngayon ang stupid?
"Duh I'm not stupid okay?" I said and look away.
"Do you think what you did yesterday isn't stupidity?" Bakit ba parang kasalanan ko pa?
"Bahala ka diyan sa buhay mo! Kaya nga nag papasalamat ako diba?" sabi ko at bababa na sana pero nagkamali ang pag apak ko sa baitang ng hagdan. Shit! Mahuhulog ako neto.
Bago pa ako mahulog sa hagdan ay may humawak na sa aking bewang. What the fuvck? How did Cal grab me so fast? Ang layo namin sa isa't isa ah? At nang tingnan ko siya para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Am I hallucinating or something? Bakit pula ang kanyang mga mata?
Who the fvck are you Cal Jacob Linton
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs