Chapter 2

17 2 0
                                    

Dedicated to Kiara Laurente

Padabog akong pumasok sa loob ng library. Hayop siya! Pagsirhan ba naman ako ng pinto? Mabuti nalang at hindi tumama ang pinto sa mukha ko kung hindi? Babalatan ko talaga siya ng buhay. Badtrip tuloy akong pumasok sa library. Makakabasa paba ako nito nang maayos dahil sa letcheng lalaki na yon? Sana nalang talaga hindi na mag krus ang landas namin dito sa loob kung hindi? Ackkkkk! Kairita siya!

Kaysa isipin ang walang kwentang lalaki na yon, nag hanap nalang ako ng libro na puwede kong basahin habang wala pang klase. I love reading books. Especially those books about mysteries and adventures. Nang makapili na ako ng aking babasahin ay pumunta na ako sa lamesa na palagi kong inaakupa kapag pumupunta dito sa library. Habang nagbabasa. Hindi ko napigilan ang paghikab. Hindi naman siguro masama ang matulog dito. Well, palagi ko naman yung ginagawa pag inaantok na talaga ako. Kaya hinayaan ko na ang aking sarili na matulog.

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog. I slowly open my eyes when I felt someone is watching me while I'm sleeping. Napakurap ako ng ilang beses ng mapagtanto ko kung sinong hangal ang nanonood sakin habang natutulog ako. Siya na naman!

"Good Afternoon sleeping beauty." He said while smirking.

Problema neto? May pa sleeping beauty pa siyang nalalaman. Tssk! Hindi ko siya pinansin at inayos ko na lamang ang aking mga gamit. Baka makita pa kami ni Alyana dito na kasama ko ang boyfriend niya. Ayoko ng gulo kaya aalis nalang ako. I checked my watch and its already 4 in the afternoon. Tatayo na sana ako nang bigla na lang siyang nagsalita.

"Oh? Are you leaving already sleeping beauty?" bakit ba hindi maalis alis yang smirk niya?

"Can you please leave me alone? I don't want a trouble."I said at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Dali dali akong lumabasa ng library at hinanap ko na agad si Kia.

Nakita ko siyang papunta din sa direksyon ko. Pag nawawala ako alam na alam na niya kung saan ako hahanapin. Kung hindi sa rooftop ay dito ako sa library tumatambay.

"Hoy! Babae! Where have you been? Kanina pa kita hinahanap! Nanggaling nako sa rooftop kakahanap sayo bruha ka!"sabi niya na paramg ano mang oras ay bubuga na siya ng apoy.

"Library. Wala naman tayong klase e. Sayang oras." Sabi ko at nauna nang mag lakad sa kanya. Kasabay ng aking paglalakad ay ang pag daan ng demonyo sa aking tabi.

"Bye Miss Sleeping beauty!" sabi niya sabay kaway sakin. Aghhhh ang sarap niya talaga batuhin ng sapatos!

"Empakta ka! Ano yun ha? Bakit may pa Miss Sleeping beauty? At bakit pareho kayong nanggaling sa library?" takang tanong ni Kia

"Bakit? Para lang ba sakin yung library? Bawal na ba ibang tao dun?" I said while rolling my eyes to her.

"Hoy? Ano na? Mag kwento ka nga!" para matapos na siya sa kaka dada niya kinuwento ko nalang sakanya ang nangyari.

"Omg! Totoo ba yan Sy? My gosh! Add to cart ko na talaga tong si Papa Cal! Ang hot at gwapo niya talaga!" may samang pagtili niya pang sabi sakin. Kakairita din tong isa na to e! Sarap nilang pag umpugin ni Demonyo. Pumunta na ako ng gate para hintayin si kuya. Si Kia naman ay nauna na sakin kasi sinundo nadin siya. Hindi naman tumagal ay dumating na si kuya.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa harap nang ibinaba niya ang bintana at nakita ko kung sinong walang hiya ang naka upo. It was Clair. Kuya's girlfriend. Clair is a cheerleader in our school. Basketball player kasi si Kuya kaya baka doon sila nagka kilala. Ewan ko ba at hanggang ngayon sila parin. Ganyan ba siya talaga ka mahal ni kuya? Dami na akong narinig tungkol sa kanya na ang dami niyang kasamang lalake araw-araw. Anyways bahala sila sa buhay nila. Wala akong choice kaya umupo nalang ako sa likuran.

They're busy talking to each other when our car stop because of traffic. I accidentally look to the car beside us and to my surprise, Cal and Alyana is inside that car. It wasn't tinted so I clearly see what they are doing inside. I saw how Alyana grab him and plant him a long and wild kiss. I was about to look away when I saw that Cal is looking at me straight in my eyes, he smirked. I look away when our car is starting to move. Gosh! Can't they use a tinted one instead?

Pagkatapos naming ihatid si Clair sa kanilang bahay ay lumipat na ako sa front seat. Hindi naman tumagal ang aming biyahe ay agad rin kaming nakarating ni Kuya sa bahay. When I enter our house I was greeted with my dog. I carry him and bring him to my room. I immediately put my things on my study table and go to the bathroom to take a bath. Nang matapos na akong maligo kinuha ko na agad yung aso ko at bumaba na. Nakita ko si Kuya sa likod ng bahay,sa pool area. He was busy eating his miryenda.

"Kuya mahal mo ba talaga si Clair?" I asked him.

Kuya glance at me. I don't know why but I really felt something weird with that Clair. Mas lumapit pa ako sa kanya para mas marinig ko ang sasabihin niya.

"What do you think?" He said while smiling. Tanga ba to? Kaya nga tinatanong ko siya diba? Ako ba boyfriend ni Clair para malaman ko?

"Alam mo Kuya? Minsan? Tatanga tanga ka din! Tatanungin pa ba kita pag alam ko? Ha?" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hoy babae! Ayusin mo pananalita mo! Kuya mo parin ako."

"Ewan ko sayo Kuya, sabihin mo na kasi!" inis na sambit ko sa kanya.

"I love her so much lil sis." Tsssk bahala kayo sa buhay niyo.

Kaysa isipin ang relasyon ni Kuya at Clair. Pumasok nalang ulit ako sa loob nang bahay at binuksan ang aking Instagram. I was busy scrolling when someone follow me. I check it and to my surprise it was Cal! I didn't bother to follow him back.

The next day hindi ko inaasahan ang mangyayari. I was alone ordering my food in the cafeteria when Alyana and her friends enter the cafeteria and walk straight to me.

"Hoy Synara! Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko? Someone saw you yesterday at the library. You're flirting with him!" Alyana said na parang ano mang oras ay bubuga na ng apoy.

"I don't know what you're talking about." Sabi ko at aalis na sana pero tinulak niya ako kaya nabitawan ko ang tray na may laman ng aking pagkain at napaupo ako sa sahig.

"Serves you right bitch!" sabi niya sabay tawa sakin. Tatayo na sana ako ng may lalaking umupo sa aking harapan at tinulungan akong ayusin ang aking sarili.

"Stop it Alyana! Are you okay Miss?" he said while helping me to stand. I forgot his name. I know he's a basketball player.

"Oh come on Drake! Stop helping her!" Alyana said. Ohh! I remember him now. Drake Brinton. Nang nakatayo agad kong hinarap si Alyana.

"Stop accusing me Alyana. Hindi ko aagawin ang boyfriend mo sayo. Bakit ko naman yun gagawin kung siya na mismo ang lumalapit sakin? Anyways di ko naman siya type kaya isaksak mo siya sa baga mo!" sabi ko at kinuha ko na ang aking mga gamit.

Tangina! Mabuti nalang at may extrang uniform ako sa locker. Hindi ko alam pero sinundan padin ako ni Drake at siya pa ang humawak sa libro na dala ko na sana ibabalik ko sa library pagkatpos kong kumain. Lalabas na sana ako ng cafeteria nang makita ko si Cal na nakatitig sa akin at hindi ko alam pero nakita kong pulang pula ang kanyang mata. Kumurap ako ng ilang beses at nakitang normal naman ito. Baka namamalikmata lang ako. Pinagpatuloy nalang namin ni Drake ang paglalakad.

Nilingon ko siya ulit. Hindi na ito nakatingin sa akin kundi na kay Drake na ito nakatingin ng masama.

Weird!

His Venomous Fangs (On-Going)Where stories live. Discover now