I was so nervous the moment I woke up. Today, Cal will introduce me to his parents. I don't know kung anong oras kami pupunta sa bahay nila. Papunta na akong school ngayon at kasabay ko si Kuya. Alam ko kanina n'ya pa ako tinitingnan. Hindi naman s'ya nagtatanong kaya hinayaan ko nalang. Hindi ko naman masabi sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Daddy at Mommy ang tungkol dito.
What will be their reaction if they find out that Cal isn't a human?
I brushed that thought away. Ayoko ko nang dagdagan muna ang iniisip ko ngayon. Nakarating na kami sa school.
"Bye Kuya! See you later." Paalam ko at agad nang bumaba.
Pagpasok ko sa room ay agad akong tiningnan ng mga kaklase ko. Alam ko naman na naiinggit lang sila sa'kin kasi ako ang gusto ni Cal. Bakit kasalanan ko ba na ako nagustuhan n'ya? Ano bang meron sa gagong bampira na 'yun at naakit n'ya din ako?!
Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa upuan ko. Late na naman ata ang maganda kong kaibigan.
Hindi naman nagtagal ay dumating na s'ya at kasunod n'ya lang yung guro namin! Goodness Kiara! Bakit ba hindi 'to marunong gumising ng maaga!
"Good morning class! As you can see malapit na ang exam n'yo. Kaya dapat mag review naman kayo para hindi mababa yung mga scores n'yo." Bungad ng guro namin.
Nagsimula na ang klase at ginawa ko ang lahat para makinig.
Natapos na ang klase at nagpapasalamat ako dahil hindi nag quiz si Ma'am. Hindi kasi ako nakinig sa kanya ng maayos dahil sa mga pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang pwedeng mangyari mamaya. Andoon naman si Cal. Alam kong hindi n'ya ako pababayaan.
Agad naputol ang pag iisip ko nang marinig ko ang tilian ng mga kaklase ko. Mukhang andito na naman ang kampon ni Cal. Lumabas na kami ni Kiara. At hindi nga ako nagkakamali ng makutang andoon nga sila at mukhang hinihintay kami.
"Hi Synara!" masiglang bati ni Aubrey at lumapit sa'kin para makipag beso. Ewan bat ang gaan ng loob sakin ng bampirang to e tao lang naman ako at malayo sakanila.
"Hello. Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
Agad naman akong siniko ni Kiara. "Akala ko ba matalino ka? Malamang sinusundo ka! At parang na late si prince charming ah!" bulong neto sa'kin. Palibhasa gustong gusto makita si Carson. Ang landi din talaga ng isang 'to!
Nakita ko naman si Cal na papunta na rin dito. Swear to god! He looks like a model when he walks! Kaya madaming nagkakagusto sa kanya eh! Sorry nalang sila kasi sa'kin s'ya bumagsak.
"Ayan na pala si Cal eh." Axel said
"Sis yung laway mo, punasan mo. Tumutulo eh." Tangina naman 'tong babaeng na 'to. Sinamaan ko na lng s'ya ng tingin.
"Dude ano ba yan? Nauna pa kaming sunduin nililigawan mo kaysa sayo?" natatawang sabi ni Carson.
"Shut up." malamig na sabi ni Cal
Bumulong agad sa kanya si Axel "Patay ka mamaya." natawa lang din kami sa sinabi ni Axel.
"Come on guys! I'm so hungry na talaga!" reklamo ni Aubrey.
Naglakad na kami at sumabay naman si Cal sa'kin. "Are you okay? You look tense." Tanong niya.
"Obvious ba? Kinakabahan kasi ako. Baka hindi ako magustuhan ng mga magulang mo."
"Don't stress yourself thinking about that Louise." Pero hindi ko talaga mapigilan na hindi isipin eh. Grabe na kaya yung kaba ko nung makilala ko yung lolo n'ya, mga magulang n'ya pa kaya?
Hanggang makarating kami sa cafeteria ay hindi na nawala ang tingin ng ilang estudyante sa amin. Ano naman kaya mga chinichismis nila sa'min ngayon? Yung iba talaga halatang pinag uusapan kami."Anong gusto n'yo? Ako na bibili." Sabi ni Carson.
"Samahan na kita." Sabat naman ni Kiara. Ay? Close na sila?
Silang dalawa na yung bumili ng pagkain namin kaya naiwan kami sa lamesa.
"Ready ka na ba mamaya Synara?" tanong ni Aubrey sa'kin. Kinabahan na naman ulit ako.
"Uhm, oo." Bakit n'ya pala nalaman? Baka sinabi ni Cal.
She just smiled after I said that. Weird.
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino sila sa buhay ni Cal. Maybe his friends? Hindi naman s'yanag kwekwento sa'kin. I think J really need to know more about him. Madami pa akong hindi alam sa buhay n'ya.
Dumating na sila Kiara at Carson kaya agad naman kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room. Mabilis lumipas ang oras at tapos na ang klase namin. Nagliligpit na kami ng gamit namin ni Kiara ng mahagip ng mata kong nakatayo na sila Cal sa labas ng room. As usual, tilian na naman mga kaklase ko. Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng lalaki?
Lumabas na kami ng room. "Ready? We'll have our dinner there." Bungad sa'kin ni Cal. Tumango nalang ako sa kanya at umalis na kami. Tinext ko si Kuya na lalabas kami ni Cal at hindi ako makakasabay sa kanya.
"Hey? Calm down. 'Di naman kita pababayaan dun eh." Sabi n'ya sakin at hinawakan n'ya ang kamay ko. Sumakay na kami sa sasakyan n'ya at nakita kong nakabuntot ang mga kaibigan n'ya sa'min. Tahimik lang syang nagmamaneho pero nakikita kong tumitingin s'ya sa'kin paminsan minsan.
Nakarating na kami sa mansion nila. Medyo mahaba ang byahe namin dahil malayo talaga 'to sa school. Bumaba na ako. Lumapit naman si Cal sakin at hinawakan ang bewang ko.
"Don't worry. I will never leave your side." Bulong neto sa'kin.
Pumasok na kami sa mansion nila. Nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan n'ya. Merong lumapit nakatulong sa amin. Nag bow muna ito sa amin bago magsalita.
"Sir hihintayin ka na po nila sa dinning area." Magalang na sabi nito. Required ba talaga maging formal sa pamilyang 'to? Parang mga royal family lang ah.
Pumunta na kami ni Cal doon. At pagpasok palang namin ay agad gumapang ang kaba sa buong sistema ko. Shit! Ano 'tong pinasok ko! Makakauwi pa kaya ako ng buhay mamaya?
They look so scary! Para na akong napako at hindi na makagalaw. Cal hold my hand. Lumapit kami sa mga magulang n'ya.
"Everyone, this is Synara Louise Lacosta. My future wife." Tangina! 'Di pa nga ako girlfriend future wife na?! Nakita kong nagpipigil ng tawa si Carson and Aubrey rolled her eyes.
I smiled to them "H-hi, Nice meeting you po." Sabi ko sakanila. Bakita ba ako nauutal!
Unang tumayo ang nanay ni Cal. Lumapit s'ya sakin at nagbeso.
"Welcome to our family Synara." Mukhang mabait naman yung Mommy n'ya. Nag smile naman sa'kin ang Daddy n'ya. Sunod na lumapit sa'kin ay yung lalaking kanina ko pa tinitingnan. Kinuha n'yaang kamay ko at nagulat ako ng halikan n'ya ito.
"Calix, Cal's older brother." What the heck? May kuya s'ya? Bakit ba hindi nag kwekwento sa'kin ang gagong bampira na 'to!
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs