Ashen Rosalbe POV.
Uwian na ngayon, nandito ako sa loob ng teacher's office bale lima kaming teacher ang nasa loob. Ako, si hazel, si dexie, ang mukhang tutubi si Kyla at ang kaibigan ni kyla si Ley.
“Ashen, sumabay ka na kaya sa'min.” sabi ni dixie.
“Ah hindi na tatapusin ko pa 'to.” sabi ko nag che-check kasi ako ng quiz kanina.
“oh, sige una na kami ni dexie.” sabi naman ni Hazel , tumango lang ako bilang sagot at bumalik na sa pag che-check.
“Ashen, kanina pa 'ata nag hihitay 'to sa labas” rinig kong sabi ni Hazel kaya lumingon ako sa may pinto.
“Sino ba 'yan?” tanong ko nanalaki naman ang mata ko at napatayo nung sumilip si Aixel, oo Aixel!
Nag lakad naman ako papuntang pintuan.
“Alis na kami.” sabi ni dixie at ngumiti ng nakakaloko at hinila si hazel para umalis.
“Hoy ikaw ano bang ginagawa mo umuwi ka nalang.” sabi ko kay Aixel.
“Gusto ko sabay tayo eh, bawal ba?” tanong nito.
“Ano nalang sasabihin ng iba pag nakita nila na ang teacher at student ay mag kasama?” tanong ko dito.
“Mag asawa naman tayo ah! At alam na 'yun ng dad ko—na dean ng school.” sabi nito.
“hinaan mo nga 'yang boses mo! Ang lakas eh baka may makarinig at... Mag asawa lang tayo sa papel 'di natin mahal ang isa't- isa.” sabi ko pero mahina lang maissue pa naman ang taong nasa loob ng Teacher's Office tss.
“Bakit? 'di mo ba ako mahal?” tanong nito. Mahal kita enebe😉 kunwari ko namang 'di narinig
“umuwi ka na dahil marami pa akong aasikasuhin.” saad ko.
Tumaray naman s'ya sa kawalan at hinila ako papuntang upuan ko, hinila n'ya ang upuan ni Hazel at nilagay sa tabi ng upuan ko at umupo duon.
“upo.” utos n'ya tinarayan ko muna s'ya at padabog na umupo, napansin ko din na nakatingin pala sa amin si ley at kyla .
“S'ya ba ang misterious wife mo?” takang tanong ni ley kay aixel, 'wag kang sumagot Aixel, 'wag please!!
“She's my wife,” mabilis n'yang sabi kaya 'di ko natakpan bibig n'ya.
“S'ya? Haha.” natatawang sabi ni kyla .
“walang nakakatawa mahal namin ang isa't i—Awtch!” tinapakan ko lang naman ang paa ni Aixel.
“ang daldal mo!” bulong ko.
“sorry” nasasaktan n'yang sabi habang nakatingin sa paa n'ya.
“Tara na ley uwi na tayo, ang sakit sa mata.” sabi ni kyla, btw 'yung kapatid ni kyla ay ex ni Aixel pa'no ko nalaman? Dahil nung kinasal kami ni Aixel ay may jowa s'ya at si Frey 'yun kapatid ni kyla.
Pag ka alis ni kyla ay “umuwi na rin tayo.” sabi ko kay Aixel
“akala ko ba may gagawin ka pa dito? Tapusin mo muna 'yun gagawa na din ako dito ng fucking assignment mo.” sabi ni Aixel at kinuha ang notebook n'ya bumuga naman ako ng hangin dahil nakakainis 'tong katabi ko.
“nag ch-check ka pala dapat perfect 'yung akin.” sabi n'ya.
“mukha mo makapal!” anas ko at padabog na kinuha ang red ballpen para mag check.💜❤
BINABASA MO ANG
MY NEW STUDENT IS MY HUSBAND✔️
RandomThis story is more on humor and romance 💜 -Feb 6 (Posted) Don't Copy this story