CHAPTER 09:

979 23 0
                                    

CHAPTER 09:

Jay Mariano POV.

Sabado ngayon syempre walang pasok whaaa.

Nasa waiting shed kami ngayon hinihintay namin sila Aixel kasama ko ang mga kaibigan kong mukhang balakubak kasi ako lang ang pogi sa kanila Joke. Kasama din namin si abby pinsan pala s'ya ni ken ngayon ko lang nalaman bakit ba? Joke.

Kaya namin hinihintay si Aixel kasi para Mag celebrate.

“Ang tagal naman ni Aixel ang lamig dito.” reklamo ni Evan pa'no ba naman kasi Ang lamig talaga lalo na tuwing umaga parang nasa loob ka ng frezer kulang nalang manigas ka. Pero gabi na ngayown!

“malamig?” tanong ni ken

“oo subra.” sagot ni evan habang kinuha ang jaket n'ya sa kotse. Katapat lang kasi namin 'yung kotse.

“Kasing lamig ng jowa mo bro.” natatawang sabi ni ken, natawa din ako dahil sa pekening mukha ni Evan ang pangit!

“Wala akong jowa bobo! kagwapuhan ko lang sapat na.” mahangin na sabi ni Evan.

“Saan banda?” tanong ni Abby.

“tss. Kung alam n'yo lang Maraming patay na patay sa akin nung 16 pa lang ako.” sabi ni Evan.

“pero ngayon hindi na dahil mukha ka nang gurang.” natatawa kong sabi “Aray!” reklamo ko kasi hinampas n'ya ako ng jaket tumama sa hita ko 'yung zipper.

“Mapapatay kita Evan!” sabi ko habang himas-himas ang hita, kahit naka jeans ako masakit parin dahil malakas ang pag kakahampas ng gago.

“Uwi na ako gabi na eh, hinahanap na ako ni Mama.” sabi ni abby tumango naman kami malapit lang naman ang bahay nila dito.

Ashen Rosalbe POV.

“Babe, alis lang ako ha!” paalam sa akin ni Aixel nakasuot s'ya ngayon ng Pantalon at white T-shirt na bumagay sa kaniya

“Saan ka ba pupunta ha?” tanong ko.

“Ewan ko babe, pero kasama ko naman sila Evan eh.” sagot n'ya, tiningnan ko nama s'ya ng nag tatakang tingin. Minsan lang naman 'to kaya payagan ko na

“Ahmmm... Sige basta umuwi ka agad.” sagot ko. Ngumiti naman s'ya at walang ano-ano ay yinakap ako at hinalikan sa pisngi.

“Bye babe! Mag ingat ka dito.” sabi n'ya habang nag lalakad palabas.

“oo na basta bilisan mo lang ipapakain ko 'tong buong sofa pag 'di ka bumalik agad hihintayin kita. ” sabi ko tumango naman s'ya bago umalis.

💣Kyla Rowes POV.🔪

“Oyy kyla kailan ba darating 'yang si Frey ha?” tanong sa akin ni Ley 'yung kaibigan ko.

“Nagusap na kami kanina matatagalan pa ang pag uwi n'ya dito, kaya hahayaan muna nating maging masaya sila Aixel at Ashen.” sagot ko magiging masaya lang ako pag masaya ang kapatid ko, nang dahil sa pakikipag hiwalay ni Aixel sa kapatid ko munti kan na s'yang mabaliw
(Author:Bakit 'di pa natuluyan? JOKe) kaya 'di ako papayag na maging masaya sila.

“Ok mag hintay nalang tayo hanggang sa masira ang relasyon ni Aixel at Ashen.” sabi ni ley tinanguan ko lang s'ya bilang sagot.

‘sisiguraduhin ko na kay frey parin ang bagsak ni Aixel, kasi nananalo ang mga nauuna.’

Hampas lupa ka gurl

\ò.ó)┛彡┻━┻

Sorry if bitin palagi huhu mahirap mag type 'you know sorry talaga😭

MY NEW STUDENT IS MY HUSBAND✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon