CHAPTER 24:
Ashen Rosalbe POV.
“ok ka na ba?” tanong sa akin ni Dixie though video call.
“bakit mo naman natanong 'yan? Ok lang ako ano ka ba haha!” pagdadahilan ko.
“naku! Naku! Ashen 'wag mo na akong lokohin ok? Narinig ko kasing nag uusap sa cellphone si Jay at Aixel, wala na kayo! At 'to lang masasabi ko mahal ka ni Aixel!” sabi n'ya napatawa naman ako sa kawalan.
“sigurado ka? 'di iyan totoo 'di na n'ya ako mahal.” sagot ko at ngumiti ng pilit.
“Kung ako sa 'yo ashen 'di ako papayag na mapunta si Aixel sa iba, kung s'ya man ang unang lumayo ikaw naman ang unang lumapit!” sabi n'ya napaisip naman ako.
“sa tingin mo magagawa ko ba 'yun? Kasi mukhang mahirap 'yang pinapagawa mo.” sagot ko tumayo naman ako para tingnan ang oras. 4:34 Pm. Na.
“Lalapit ka lang naman mahirap ba 'yun?” nung narinig ko ang sagot n'ya napaupo ako bigla sa kama.
“Hoy! 'di ako nakikipagbiruan.” sagot ko.
“Hayst basta Ashen ipaglaban mo si Aixel kasi sa tingin ko lumalaban din s'ya para bumalik sa'yo.” nakangiti n'yang sabi napakunot naman ako ng noo.
“sinasabi mo?” tanong ko.
“Basta 'Yun, 'yun! Sige bye na hinahanap na ako ng anak ko.” sabi n'ya tumango naman ako at pinatay na ang tawag.
“Ma'am Ashen! *tok *tok!” tumayo naman ako at binuksan ang pinto.
“Abby? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko at sinenyasan s'yang pumasok sa kwarto ko. “pasens'ya na masyadong magulo.” sabi ko habang inaayos ang mga gamit.
“ok lang ma'am 'di naman po ako magtatagal gusto ko lang pong sabihin na—” pinutol ko ang sasabihin n'ya.
“Tungkol ba 'yan kay Aixel?” tanong ko.
“Ma'am ano kasi 'di naman n'ya mahal si Ma'am Frey nagsisi nga po s'ya nung nakipaghiwalay s'ya sa'yo nadala lang po talaga s'ya ng selos.” paliwanag n'ya. Ngumiti naman ako sa kaniya.
“sana totoo 'yang mga sinasabi mo.” sabi ko at kinamot ang ulo.
“Ma'am Totoo po ang sinasabi ko sana naman po maniwala kayo.” sagot n'ya at hinawakan ang kamay ko.
“Mabait kang bata pero sa tingin ko 'di muna ako maniniwala sa'yo.” saad ko. “pwede ka nang umalis, baka hinahanap ka na sa inyo.” dagdag ko pa.
“Pero ma—” pinutol ko ang sinasabi n'ya.
“Please.” sabi ko. Tumango naman s'ya at lumabas.
‘Pagsubok lang 'to Ashen may maganda ring mangyayari sa buhay mo.’ sabi ko sa sarili.
“Madam! Oras na po para puntahan ang ate n'yo este mag A-Apply na kayo bilang secretary n'ya.” sabi ni manang tumango naman ako.
—
💖
BINABASA MO ANG
MY NEW STUDENT IS MY HUSBAND✔️
RandomThis story is more on humor and romance 💜 -Feb 6 (Posted) Don't Copy this story