CHAPTER 26:
3rd Person's POV.
Habang nag aabang ng taxi si Ashen ay pinapanood lang s'ya ni Kyla natutuwa si kyla kasi konting oras nalang mawawala na sa landas nila si Ashen.
“kating-kati na kami ng kapatid kong mawala ka Ashen.” nakangising sabi ni Kyla sa Hangin at hinawakan ang manebela ng kotse.
“Bwisit naman oh, nasaan na ba ang taxi malalate na ako.” reklamo ni Ashen habang nakatingin sa langit.
“Ashen.” napalingon si ashen sa tumawag sa kaniya.
“Aixel?” patanong na sabi nito.
“im glad naabutan kita. Pwede ba tayong mag usap?” tanong ni Aixel.
“Wala akong panahon para makipag usap.” sabi ni Ashen at tinalikuran si Aixel gusto man n'yang kausapin si Aixel pero pinipigilan n'ya lang ito.
“Ashen Please.” sabi n'ya at hinawakan si ashen sa braso.
“Ayaw ko nga diba?” sabi ni Ashen at inagaw ang braso.
Sa kabilang side naman ay dumating si Frey at nakita ang nangyayari kaya nainis s'ya.
“ako na ang papatay sa'yo ashen bwisit ka!” inis n'yang sabi at napangisi s'ya ng makitang tatawid si Ashen para layuan si Aixel.
Pinaharurut naman n'ya ang kotse n'ya nagtaka naman si kyla kasi dapat s'yang ang babangga kay Ashen.
Nakita ni Aixel ang papalapit na kotse ni Frey na parang walang balak huminto bigla n'yang nakita si Ashen na malapit na niyong mahagip si Ashen.
“ASHEN!! MABABANGGA KA!!” sigaw ni Aixel pero parang walang narinig si Ashen kaya no choice si Aixel Tumakbo s'ya at tinulak si Ashen kaya s'ya ang nabangga.
“WHAT THE HEACK!!!” Sigaw ni Frey sa loobng kotse n'ya at tinigil iyon.
Napalakas ang pagtulak ni Aixel kay Ashen kaya napaupo si Ashen. Dahan dahan naman n'yang nilingon ang mukha ng makita n'ya maraming tao ang nag kukumpulan at agad s'yang kinabahan.
“What the f*ck palpak si Frey!” pasigaw namanna sabi ni Kyla at minaneho ang kotse papalayo para 'di s'ya madamay.
Ashen Rosalbe POV.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at pumunta sa mga tao na nag kukumpulan, kinakabahan talaga ako.
“Kawawa naman!”
“Jusko!”
“Niligtas n'ya 'yung babae.” rinig kong bulungan pinilit ko namang tingnan kong sino ang taong tumulak sa akin kaya s'ya nabangga.
Napatakip ako ng bibig ng makita ko si Aixel na nakahandusay at duguan ang ulo. Agad naman akong nag histerical dahil sa nangyari.
“S-sorry A-aixel sht!” pamilyar na boses ang aking narinig.
“frey? Ikaw ang may gawa neto? Hayop kang babae ka.” galit kong ani at lumapit sa kaniya at pinag sasampal s'ya at sinabunutan.
“gusto kitang patayin!” buong lakas kong sabi at tinulak s'ya.
“ 'wag n'yong hahayaang makatakas ang babaeng 'yan pinapangako ko sa'yo pag may nang yaring masama kay Aixel! Sa kulungan ka na mamatay!!” sigaw ko hinawakan naman s'ya ng dalawang traffic inforser.
“huwag n'yo kong hawakan, bitawan n'yo ako!” pagpupumiglas ni Frey.
“punta po tayo sa prisinto ma'am.” pag kasabi nung isang traffic inforser ay kinaladkad nila si Frey papalayo, agad naman akong tumakbo kay Aixel na nakahandusay hinawakan ko ang pisngi n'ya at 'di ko mapigilang 'di maiyak.
“Aixel Sorry, gumising ka please.” umiiyak kong ani.
“Miss padating na ang ambulansya.” sabi nung isang lalaki pagkadating nung ambulansya agad nilang sinakay si Aixel sumama naman ako at umupo saka hinawakan ang kamay ni aixel.
“ 'wag kayong mag alala miss ok pa naman ang vitals n'ya.” sabi nung nurse na nasa kabilang upuan.
Tumango lang ako habang umiiyak.×AT THE HOSPITAL.×
“Mag hintay nalang po kayo sa labas.” sabi nung doctor kaya tumango ako at umupo sa waiting area.
“Aixel!” mahina kong sabi habang hawak ang hita, naiwan ko 'yung mga forms ko sa kalsada pero wala na akong pake ang mahalaga kasama ko si Aixel.
Bigla namang tumunog ang phone ko at si Ate tumatawag.
[“nasaan ka na ba shen? Kanina pa kita hinihintay!”] sabi n'ya sa kabilang linya.
“A-ate—”
[“Anong nangyari bakit ganyan ang boses mo?”] putol n'ya.
“S-si aixel na aksidente nandito kami sa Save Lifes Hospital.” ani ko
[“pupunta ako d'yan ok!”] sabi n'ya at pinutol ang tawag. Naisipan ko namang tawagan ang mama ni Aixel para sabihin sa kaniya ang nangyari.
—
💘
BINABASA MO ANG
MY NEW STUDENT IS MY HUSBAND✔️
RandomThis story is more on humor and romance 💜 -Feb 6 (Posted) Don't Copy this story