Dennise Michelle Lazaro
"So nandito na nga siya sa Pinas?"-Ella
"Yeah. With your Amy Ahomiro." I tease her.
"Gaga! Amy mo yang mukha mo. Tsk." Inis na sagot saakin ni Ella at inirapan pa ako. "So tama nga yung hinala ko?"
"Na ano?" Takang tanong ko sakanya bago i-off ang aking phone. I look at Ella and she's giving me a weird look. "Tsk! May nag tetxt kasing papansin eh, kaya ino-off ko." Pairap kong sagot.
"Oh! Siya pala si V?"-Ella
"Yes. And sobrang tanga ko talaga para hindi maisip ang Valdez sa 'V'"
"Me too besh. Pero tama nga yung hinala kong silang dalawa yung nasa bar. Sila yung nag uwi saatin. Slash si Aly yung lagi nating nakakasabay sa ellevator."-Ella
"Yeah right! Eh tangkad lang naman at kulay ang nagbago sakanya. Ugali yun pa rin." Sarcatic kong sagot.
"Pati katawan niya naging macho. My gosh! May abs pa kaya siya?" Nakangiting tanong nito saakin.
"Duh! Bakit mo sakin tinatanong?! Close kami?"
"Ito ang seryoso mo!"-Ella
"Ikaw kasi! Puro ka kahalayan jan eh!" Sabi ko at akma sana siyang babatukan ng bigla siyang tumayo at patakbong nagtungo sa pinto.
"Che! Bahala ka jan. Malilate na ako."-Ella
"Kfine. Bye besh! Paki sundo ako mamaya ah?"
"Ano ako? Hatid sundo mo?"-Ella
Sasagot pa sana ako ng biglang magbukas ang pinto. "Ako nalang, ako naman hatid sundo niya eh." Diretsong sabi nito kay Ella at inabutan ng chocolates. "Peace offering besh? Pabaon." Rinig kong sabi nito kay Ella.
Ella looked at me, next to the person infront of her and next to the chocolates. "Well, well well... Tell Amy first to be my body guard and driver." Nakangiting sabi nito.
Aly scratch the back of her head and look at her back. "Amy? Pwede ba?" Tanong pa nito at yumuko. Ang cute niya sana, kaso wala galit ako sakanya.
"Well, pwedeng pwede naman. Basta si Ella."-Amy
"Pwede na ba yun Ella?"-Aly
"Yeah. Pero dapat akin na yang chocolates." Sagot ni Ella at kaagad na hinablot ang hawak ni Alyssa na tobleron. "Bye besshh.. Txt moko pag may nangyaring masama sayo ah? Alam mo na!"
Tumango lang ako sakanya bago umupo sa ulit sa swivel chair at gumawa na ng mga paper works. Hindi ko pa rin alam kung bakit ayokong tignan si Alyssa pag kami lang dalawa.
Well yeah. 3 days had past at ngayon lang ulit siya nagpakita. Bukod kasi sa busy siya, eh wala akong pakialam sakanya.
"Baby..."-Aly
Hindi ko pinahalata ng paglunok ko at mas lalong tinakpan ang aking mukha sa pamamagitan ng papel na binabasa ko. "What are you doing here? Hindi ba't may trabaho ka?" Walang gana kong tanong.
"Nag skip muna ako ngayon eh." Sagot nito at napansin ko ang pamamaos ng boses niya. Sinilip ko siya sa pamamagitan ng pagbaba ng papel at nakita siyang nakatayo sa pintuan.
"Flowers for you." Nakangiting sabi nito bago lumapit saakin at iabot ang red roses na dala niya. "Naubos ko na kasi yung sunflower ni mommy sa garden niya, kaya bumili na ako ng roses. And chocolates." Dagdag pa nito habang nakatingin saakin.
"Ok, salamat." Tipid kong sagot bago ulit ibalik ang atensyon sa binabasa ko.
Habang nagbabasa ako ay naririnig ko ang paghinga nito. Para siyang nabibigatan na ewan. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang aking trabaho.