Fille Saint Merced Cainglet
Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman ang mainit na pag titinginan nila Gretchen at Mika. Mas pinipili ko nalang na wag pansinin si Gretchen. I dont want too. Ayokong masira ang pag kakaibigan namin kung sakali.
Yes, sinagot ko si Mika. Hindi ko lang siya basta basta sinagot, i need her. I need her to forget my feelings for Gretchen. Alam kong nagiging unfair ako kay Mika, pero wla na akong magagawa dahil nandito na ako.
Every time na kasama ko si Mika siya ang nasa isip ko. Laging siya ang pumapasok sa utak ko. Ang hirap niya kalimutan. Nakakainis na nga siya eh, ang sarap niya ibaon sa lupa at ng makalimutan ko na siya.
Well, 4 years na akong inlove. Im inlove with my wrong path...
Flashback
"Come on Greta! We're rookies here. Dapat matutunan natin lahat to!" Sabi ko sa bago kong best friend na si Gretchen.
Nasa boracay kasi kami at nakikisali kami sa mga games. Rookie lang kami ni Gretchen pero close na kami, its been 2 weeks na naging mag best friend kami, para na nga kaming mag kakilala ng matagal eh.
Gretchen and me have a lot of similarities, pati sa favourites. Pero may iba rin kaming hindi pag kakapareho, not all people have similarities. Yung iba lang.
"Ayoko! Dami alam. Soul mate soul mate!"-Gretchen
"Ahh, sige na please. Upo ka na dun! Malay mo dito mo na mahahanap ang soul mate mo dba?" Masayang sabi ko dito habang tinutulak tulak siya sa upuan.
"Eh basta ba ikaw ang susunod pag katapos ko?"-Gretchen
"Yes besh, i promise" sagot ko dito at itinaas pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
Umupo na nga siya at kinindatan ko pa siya bago ako nag suot ng bandana. Sa final game, wla ng mag sasabi sayo ng direction. Paa mo na ang magdedesisyon kung saan ka pupunta.
Best friend lang ang tingin ko kay Gretchen, isang kapatid na babae. Pero nang matapos ang larong yun ay nag bago ang lahat.
Nang mahawakan ko na ang taong nasa harapan ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Mukha niya ang una kong pinakiramdaman at halos mag tatalon ako sa saya ng malamang siya nga iyon.
Alam kong wla lang saknya ang larong iyon, dahil nga sa laro, pero ako naniniwala akong siya ang soul mate ko.
"Waahhh! I love u na tlaga Greta! I told you! You're my soul mate!" Sigaw ko pa at niyakap siya ng mahigpit. Tawa lang kami ng tawa pag katapos nun. At para mapatunayang kami nga talaga ay ako naman ngayon ang umupo.
Habang nakatingin ako saknya ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. Lalo na ng mapansin kong sa direksyon ko ang punta niya.
Nang hawakan niya ako ay halos manigas ako ng sambitin niya ang mga salitang nag pawala sa sistema ko...
"Fille... You're my soul mate"-Gretchen
End of Flashback
Mas lalong lumala iyon ng maging sweet kami sa isat isa sa mga sumunod na araw. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong maling mali iyon. I mean, shes straight and im straight.
I told myself na baka pag hanga lang iyong nararamdaman ko, pero hindi pala. Everytime na may nag sstalk at nag papalicture skanya na fan niya ay halos gusto kong manampal. Lalo na pag may humahawak saknya.
Gretchen is one of the famous volleyball player in our season, hanggang ngayon nga ata eh.
"Babe, are you listening?"-Mika