I woke up in the morning without Aly on my side. I immidiately got up and look around the room. Nandun naman yung phone niya, nandun din yung wallet niya, at nandun din yung susi ng sasakyan niya. Saan na naman kaya yun pumunta?
"Ella did you see Aly?" I asked my best friend when i got down on the ground floor of the hotel. "Wala na kasi siya sa kwarto pag kagising ko eh." Kunot noo kong sabi. Hindi ito sumagot at hinila ako palabas ng Hotel.
"Alyssa na naman hinahanap mo eh! Pwede bang ibang tao naman?"-Ella
"Hindi naman pwede yun besh!"
"Oh! Magkasama na nga kayo kagabi eh."-Ella
"I know, pero bakit nga siya wala sa kwarto? Hindi mo ba siya nakita?"
Hindi sumagot si besh at sumandal lang saakin. "Sa tingin ko mahihirapan ka talaga." Bulong nito at ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Kumunot ang noo ko at humarap sakanya.
"Anong sinabi mo?"
"Wala wala. Tara na! May game ulit!"-Ella
Hindi na ako nakapagsalita ng mabilis niya akong hinila papunta sa stage kung saan nagsasagawa na naman ng palaro sila Kiefer. "Oh! Nandito na pala si Dennise eh!" Sabi nito sa mic at ngiting-ngiti ito saakin.
Nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Aly pero wala ito doon. Nakita ko si Louis na nakatingin saakin, seryoso ito at makikita mo ang kungkot sa mga mata niya. Napansin siguro nitong nakatingin ako sakanya, kaya mabilis ito nag-iwas ng tingin at tumingin kila Kiefer.
"Besh, bakit wala si Aly dito?" Nakasimangot kong tanong kay Ella.
"I dont know. Baka mamaya nandito na yun. Saka hindi ba siya nag paalam or nag-iwan man lang ng note?"-Ella
I shook my head. Umupo ako sa isnag upuan at sa kabila naman ay si Ella. "Sasali ba kayo?" Takang tanong saamin ni Mika.
"Saan?"-Ella
"The right path."-Mika
"Ngayon na ba yun?" Takang tanong ko sakanya.
"Yes."-Mika
"Akala ko ba sa last day?"
"Last day na nga natin ngayon."-Mika
"Thursday palang ah?"
"Yeah! Last day." Mabilis na sagot nito at naramdaman ko ang pag-iiba ng boses niya. Mabilis itong nag-iwas ng tingin saakin. "Sasali ba kayo? Gonna write your names."
Luminga-linga muna ako sa paligid, maraming tao. "Kayo ng bahala." Tipid kong sagot at sinuot na ang eye glasses ko. Matirik na rin kasi ang sikat ng araw, kaya naman ramdam na ang init sa buong bora.
Habang naghihintay na mag-umpisa ang game ay kanina ko pa dinadial ang phone number niya sa phone ko. Pero hindi niya sinasagot.
"Baby please, answer your phone." Nag-aalalang bulong ko.
Tumayo ulit ako sa upuan ko at pilit na sinilip ang likuran ng mga tao, pero wala pa rin siya. Umupo nalang ako ulit at nakasimangot na naghintay.
"Now let the game beggin!" Sigaw ni Mika sa mic.
Tumingin kaming lahat sa stage at kasalukuyan silang naghahanda ng upuan. May mga names na rin iyon. "Wala si Aly!" Sigaw ko ng makita ang upuang may pangalan ni Alyssa.
"Wala? Nag pa register siya kahapon ah?" Takang tanong ni Mika.
Hindi ako sumagot at tinignan pa ang ibang names na nakalagay sa upuan. Kumabog ng husto ang puso ko ng makita ang names nila Myco at L.a doon. Nasa pagitan naman nila ang pangalan ni Alyssa. Nananadya ba sila?! Nakakainis.