Chapter 13

82 7 1
                                    

Na-miss ko itong isulat 😭 pasensya na at naging busy lang talaga. Nag-prepare po kasi ako ng demonstration for my future job. Hopefully, matanggap na ako. Anyways, happy reading and keep safe!

Guys add ninyo po ang story ko sa Novelcat. Just search my username there which is PicaaXa at lalabas na ang story ko. Godbless!

Chapter 13

ILANG araw din na naka-blocked sa cellphone niya ang numero ng boyfriend niya upang hindi siya nito matawagan at kahit sa social media account niya ay naka-blocked din ito. And she really admit that life without her asshole boyfriend is way better than she's with him.

Pero may pangamba siya ngayon sa kanyang dibdib dahil uuwi muna siya sa kanila. Ang dami nang kinatatakutan niya. . . alam niyang hinahanap siya nito at alam niyang kapag umuwi siya, magkikita muli silang dalawa.

"Fury, ayos ka lang ba?" pukaw ni Telma sa kanya. Hindi na siya tinatawag nito na 'ate' dahil na-realize daw nito na magkasing-edad lamang silang dalawa.

"O-oo naman. Kinakabahan lang ako pauwi dahil sasakay ako sa air conditioned bus. Baka mahilo ako," palusot niya habang inaayos ang sintas ng kaliwa niyang rubber shoes.

Mahina itong tumawa. "Magdala ka na lang ng plastik para pag-uwi mo, may lugaw kang dala," biro nito.

"Baliw ka!" tanging nasabi niya at pagkatapos niyang ayusin ang sintas ng kanyang sapatos ay kinuha na niya ang bag niyang puno ng pasalubong. Mayroon 'yung buko pie na niluto ni Telma, mayroon ding maliit na pinya na reject nila sa farm. Ipinadala na iyon sa kanya ni Mang Agosto dahil kahit maliit daw ang mga iyon, ubod naman daw sa tamis.

"Mag-iingat ka pauwi sa inyo ha? Babalik ka naman agad, kakaawa ako rito," natatawang ika nito sa kanya.

Kung marunong lamang sana ang magulang niya na kumuha ng pera sa remittance center, hindi na muna siya uuwi. Pero natatakot ang mga itong sumubok sa mga makabagong pamamaraan. Ang kapatid naman niya tutok sa pag-aaral kahit na mayroong barkada kaya hindi niya ito magawang gambalain.

"Aalis na ako, babalik din ako agad," paalam niya rito bago siya naglakad papalabas sa mansiyon.

Eksakto namang pagkalabas niya sa mansiyon at makapaglakad-lakad nang kaunti ay mayroon nang dumaan na bus. Kaagad niya iyong pinara saka sumakay. Sa may pinakaunahang upuan siya sumakay upang makita niya ang kanilang mga dadaanan. Ito kasi ang unang beses niya na bumiyahe nang malayo at para 'di siya sumuka ay ipo-focus niya ang kaniyang paningin sa may harapan.

Habang nasa biyahe ay nakatulala siya sa may unahan at akala niya'y sa ginagawa niyang iyon ay hindi niya maaalala ang kaniyang boyfriend. Pero hindi e, bigla na lamang ito na sumulpot sa isipan niya hanggang sa lumawak na nga ang kanyang imahinasyon tungkol sa maaaring mangyari pagkauwi niya. . . .

Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang tumigil na pala ang bus sa bababaan niya. Mabuti na lamang at tumayo ang kanyang nasa tabihan kaya napukaw siya saka bumaba na rin.

From: Tutoy Pietro ✴️
Ate, nasaan na ba u?

Iyon ang unang bumungad na message ng kapatid niya pagkakuha niya ng kaniyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Alam kasi nitong uuwi siya at sigurado siyang excited na ito sa mga pasalubong niya.

To: Tutoy Pietro ✴️
Lapit na, waiting lang nang masasakyan pauwi.

Pagka-send niya rito ng kaniyang reply ay ibinalik na niya muli sa kaniyang bulsa ang cellphone niya saka tumunganga sa may highway habang naghihintay nang dadaan na jeep o tricycle.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon