Chapter 14

68 7 3
                                    

Sign you are in a toxic relationship; He is pushing you away, but still you want to stay. Don't be a blind, Red Flag is waving 🚩

Remember, if it is killing you inside. It's not love.

Happy 1.52k Followers! Salamat sa inyo, darlings!

Chapter 14

WALA siya sa kanyang sarili nang bumalik na siya sa kanilang bahay at kinailangan niya pang bumili ng hoodie jacket upang maitago lamang sa kanyang magulang ang tinamo niya mula sa boyfriend niyang kalahi ni Satanas. . . nagkulay ube ang kabila niyang pisngi at noo dahil sa ginawa nitong pag-umpog sa kanya sa kotse at mayroon din siyang pasa sa kanyang braso. Malakas siya nitong hinampas nang pumasok na sila sa loob ng kotse nito kaya nagkaroon siya ng pasa sa braso.

"Nasaan si James?" nagtatakang tanong ng nanay niya pagkapasok pa lamang niya sa loob ng kanilang bahay at lumilinga-linga pa ito sa kanyang likuran.

"Umuwi na muna po dahil may emergency po sa bahay nila," pagsisinungaling niya.

Ang totoo ay iniwan siya ng lalaki sa may gilid ng highway pauwi sa kanila dahil nababanas daw ito sa mukha niya at sa takot niyang madagdagan pa ang kanyang pasa ay kaagad siyang bumaba sa kotse nito. Sa sobrang takot niya nga ay hindi na niya naisip na sumakay pauwi, naglakad na lamang siya hanggang sa makarating na nga siya sa kanilang bahay.

"Sayang naman, naghanda pa naman ako ng masarap na hapunan." Nakangiti ito pagkatapos ay humawak sa isa niyang braso. "Magpalit ka na anak ng suot mo, lubog na ang araw tapos nakasuot ka pa ng jacket," natatawa nitong sabi sa kanya.

"Inay, ano kasi. . . ayaw ko lang po masira ang balat ko, babago pa lamang po ako pumuputi kaya po ganito ang suot ko." Good thing na hindi matingkad ang ilaw sa loob ng kanilang bahay kaya hindi nito napansin ang pasa sa isa niyang pisngi.

Kumunot ang noo nito. "Para namang ang OA mo anak. Wala naman dumi sa bahay natin at naglinis ako nang maayos."

"Huwag mo na akong intindihin, 'nay. Kanya-kanyang trip lang yan, eh," pabiro niyang wika saka mahinang tumawa.

"Hay naku! Tara na nga sa kusina at kumain na tayo at baka naubusan na tayo ng ama at kapatid mo ng ulam," sabi nito saka siya iginiya papunta sa kusina nila.

Tama nga ang sinabi ng kanyang ina. Dahil pagkarating nila sa may kusina ay nakita niyang prenteng nakataas ang paa ng kapatid niya sa upuang bangko at mukhang sarap na sarap ito sa kinakain nito.

"Ate, kain na!" alok nito sa kanya nang maramdaman ang kanyang presensya habang patuloy pa rin ito na kumakain.

Tumingin naman sa kanya ang ama niya. "Kain na, anak," nakangiti nitong sabi.

Naupo siya sa tabihan ng kanyang kapatid samantalang ang kanya namang ina sa tabihan ng kanyang ama.

"Nagluto ako ng tinolang manok at pritong hipon, anak. 'Di ba paborito mo ang hipon?" untag ng ina niya habang inaabutan siya ng plato at kutsara.

"Ako 'nay, hindi mo ba tatanungin paborito ko?" sabat ng kapatid niya.

Nilingon niya ito. "Tatanungin pa ba naman ikaw ni nanay ay lahat naman ng pagkain paborito mo," pambabara niya rito.

"Yabang mo naman. . ." Tumingin ito sa mukha niya saka nagsalubong ang dalawang kilay. "Ate, pasa ba 'yang nasa pisngi mo?"

Nahigit niya ang kanyang hininga at halos mabingi na rin siya dahil sa lakas nang pintig ng kanyang puso. "Ha? Blush on kaya 'to. May pambili na kasi ako ngayon ng make up kaya nakakapag-make up na ako!" palusot niya at todo dasal na siya sa kanyang isipan na sana ay maniwala ito sa sinabi niya.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon