Chapter 22

75 7 0
                                    

Chapter 22

SIMULA na ng pasukan sa unibersidad ngunit walang kasiyahan na nararamdaman si Fury ngayon. Oo nga't makapag-aaral na muli siya, pero ang mga tao namang inspirasyon niya upang mag-aral muli at matupad ang kaniyang pangarap ay galit naman sa kaniya.

"Class, write your name on index card then pass it to me," ani professor nila at saglit na nawala sa isipan niya ang iniisip.

English 102 ang subject nila ngayong umaga at thankful siya na hindi nabago ang curriculum sa unibersidad kaya 'yung mga unit na nakuha niya na dati ay hindi na niya kailangang pag-aralan muli.

'Yun nga lamang, irregular student siya ngayon.

Nang matapos ang klase nila ay kaagad siyang lumabas sa kanilang room nang mag-isa. Namimiss niya ang kaibigang si Rina. Tulad ng dati na kasama niya ito palagi.

Kumusta na kaya siya?

Pagkalabas niya'y naglakad-lakad siya patungo sa cafeteria at pakiwari niya sa bawat paghakbang ay ibinabalik siya ng eskwelahang iyon sa nakaraan ilang taon na ang nakalipas.

"Hindi ba, siya 'yong babae na may nude photos?"

Tumigil siya sa paghakbang nang makarinig nang bulung-bulungan sa isang gilid.

"Hindi naman siguro. She looks so innocent kaya."

"Looks can be deceiving kaya. Maybe it's her talaga."

Mapait siyang napangiti habang pinakikinggan ang usapan na siya ang pinatutungkulan. Wala na si James sa buhay niya, pero ang pasakit nito ay nanatiling nasa kan'ya.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa Cafeteria at nang makarating doon ay um-order siya ng pagkain saka naupo sa isang bakanteng table at kumain doon ng tahimik.

Pagkatapos niyang kumain ay naglakad-lakad muli siya at hindi naman siya nangangamba na ma-le-late sa next class niya dahil mamaya pa naman 'yung tanghali.

Sa paglalakad niya'y napadpad siya sa may faculty room at tila mayroong sariling utak ang kaniyang mga kamay dahil kumatok ito sa may pinto.

Bumukas naman iyon, at talagang si Thunder pa ang nagbukas niyon.

"Fury. . ."

Tipid niya itong nginitian. "Kalat din pala ang nudes ko rito, 'no?" May sarkasmo sa tinig niya.

Hindi nagsalita ang propesor na kaniya ring amo. Sa halip ay bigla na lamang siya nitong niyakap.

"P-pagod na ako, gusto ko nang mamatay," aniya saka humagulhol sa dibdib nito.

Pilitin man niyang hindi magpaapekto sa naririnig sa paligid niya, hindi niya magawa. Kusang dumating sa punto na mag-be-breakdown siya.

Hinagod nito ang likuran niya. "Ssh, Fury, death is not the answer. Akala ko ba, gusto mong mag-aral?"

Hindi siya nagsalita. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Tell me, bakit bigla kang nagkaganyan? Mayroon bang bumabastos sa 'yo rito? Give me their names. Ipakukulong ko sila."

Umiling-iling siya habang umiiyak. "G-gusto ko nang umuwi."

Hinigpitan nito ang yakap sa kaniya. "I'll accompany you. Let's go."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito saka tumango-tango. Hilam pa ng luha ang kaniyang mata nang maglakad sila sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

"Grabe! Ang tindi naman lumandi niyan, pati professor 'di pinalampas!"

Sabay nilang nilingon ng lalaki ang nagsalita at papatulan na sana niya ito ngunit naunahan siya ni Thunder magsalita.

"Do you know the Article 26 Civil Code of the Philippines?"

Umiling-iling ang babaeng kolehiyala na punong-puno ng kolorete ang mukha.

"How about, the Article 354 and 358 of Revised Penal Code?"

Muli itong umiling-iling.

"You'll know it in the court tomorrow." Ngumisi ang lalaki na siya namang ikinaputla ng babae.

Natulala siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng batas na iyon, ngunit kinabahan siya para sa babae.

"H-hindi mo naman 'yon kailangang gawin. . . ."

Sumulyap ito sa kaniya bago binuksan ang pinto ng kotse. "It's already an oral defamation, Fury."

"Pero - "

Humingang malalim ito. "Alright, I'll just report her on Office of Students Affair tomorrow."

"Salamat," aniya saka ito nginitian.

He patted her head. "You're too fragile, I wanna take care of you, always."

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito at mukhang napansin iyon ng binata.

"Hop in, Fury. We're going home."

"Sa Tagaytay?" kunot noo niyang tanong dito.

"On your home. It's time, Fury. Go back home and forgive yourself and family."

Magtatangka sana siyang bumaba sa sasakyan ngunit naka-lock iyon. "Buksan mo ang pinto. . . please."

Umiling-iling ito.

"Pakiusap. Ayoko pa."

"I'm sorry. I'm doing this for you," pagkawika nito'y pinainit na nito ang makina ng sasakyan saka iyon pinausad. Ngunit nang pagtapat nila sa gate ay pinahinto sila ng guwardiya.

"Sir Thunder, ipinapatawag daw po kayo sa Dean's office."

Kumunot ang noo ng binata. "Bakit?"

Kumamot ang matangkad na guwardiya sa sariling batok. "Hindi ko po alam, e. Itinawag po sa 'kin sa radyo, e."

Tumingin ito sa kaniya. " Wait me here."

Wala sa sariling tumango-tango na lamang siya at nang lumabas ito sa kotse ay napatulala siya habang iniisip kung ano ang sasabihin niya sa magulang kapag nagkita-kita na muli sila.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang makita at makausap niya ang mga ito. At sana, sa pagkikita nila ngayon ay maging maayos na ang lahat. . . sana.

Mayamaya lamang ay bumalik na si Thunder saka pumasok sa loob ng sasakyan. Tiningnan siya nito saka nginitian. "Tapusin mo pag-aaral mo ha?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ha? a, oo naman syempre."

"Good." Nginitian siya nito muli bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Puno ng kaba ang dibdib niya nang makarating na sila sa kanila. Tila sinisilihan siya sa kanyang kinauupuan habang nakatingin sa kan'yang ina na nagwawalis sa kanilang maliit na bakuran.

Namimiss niya ito. Aminado siyang namiss niya ito. Ngunit napakaraming 'What if's' sa isipan niya kapag nagkaharap na silang mag-ina.

"Ready?"

Napapitlag siya at pagkawika nito'y lumabas ito upang pagbuksan siya ng pinto ng kotse. At para bang may sariling isipan ang kan'yang mga paa dahil kusa itong humakbang papalabas at umabante papalapit sa ina niya. Babalik na sana siya sa sasakyan pero huli na dahil nakita na siya ng kan'yang ina.

"Anak . . ." wika nito saka patakbong lumapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"N-nanay," aniya at niyakap niya ito pabalik. Napangiti siya nang halos umabot sa tainga niya habang nakatingin kay Thunder saka siya pabulong na nagpasalamat dito.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon