Chapter 17

72 7 0
                                    

Chapter 17

SAAN tayo pupunta? Nais niya sanang itanong iyon sa amo niyang nasa may driver seat pero hindi niya magawa dahil seryoso itong nagmamaneho sa kotse. Malayo-layo na rin kasi ang nararating nila pagkatapos ay hindi pa siya pamilyar sa kanilang mga dinaraanan.

"Are you okay?" Thunder finally break the ice while eyes are still on the road.

Bumuntong hininga siya. "A-ayos lang po ako," aniya habang pasimpleng nakatingin dito.

"Do you want to ask me something?" ika nito at mukhang nabasa ang nilalaman ng isipan niya.

"S-saan po tayo pupunta?" sa wakas ay naitanong niya na rito.

Tumingin ito sa kaniya saka siya kinindatan. "Just wait until we reach to that relaxing place," sabi nito at muli siyang kinindatan bago itinuon muli ang atensyon sa pagmamaneho.

Nanigas siya sa kinauupuan dahil sa ginawa nito at hindi niya rin maunawaan kung bakit bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Posible kayang naapektuhan siya sa ginawa nito?

Umiling-iling siya. Sa palagay niya ay imposible ang kaniyang iniisip lalo pa't alam niya na malalim ang pagmamahal niya para sa kanyang kasintahan.

"And by the way, Fury. Please drop the formality. I want you to call me Thunder, okay?"

"Ha? Ah, sige — Thunder," sabi niya habang panaka-naka itong tinitingnan.

"Naiilang ka ba sa 'kin?" Pinabagal ng binata ang pagpapatakbo saka siya tiningnan.

Tiningnan niya ito pabalik. "Naku! Hindi po sir. Ay! Thunder pala," tugon niya saka umiling-iling.

Tipid itong ngumiti. "That's good to know. If you wanna ask something, feel free to ask me. I won't bite you," pabiro nitong sabi saka mahinang tumawa na siya namang ikinaluwag ng kaniyang damdamin sa hindi niya malamang dahilan at wala siyang balak alamin kung bakit gano'n ang nararamdaman niya.

Ayaw niyang pangalanan ang emosyong iyon.

"M-may asawa ka na ba?" Bad thing hindi niya nagawang pigilan ang sarili na itanong iyon dito.

"Why are you asking me? Interested to become my wife?"

Magrereact na sana siya na against sa banat nito pero naunahan siya nitong magsalita.

"I'm just kidding. I don't have a wife. I'm still single," anito at wala pa ring tigil sa pagmamaneho.

"Bakit?"

Kumibit balikat ito. "Maybe love is not for me. Or maybe the woman for me has not been born yet."

"Baka naman nasa kinder pa lang at nagkukulay ng coloring book," natatawa niyang sabi rito.

Tumawa rin ito. "Or maybe the woman for me is still in a toxic relationship."

Natigil siya sa pagtawa. Ayaw niyang mag-assume pero pakiramdam niya ay siya ang pinahihimigan nito.

Huwag naman sana.

"Ah, malayo pa ba tayo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Malapit na. Fury, I have a question too."

"A-ano 'yun?"

"Kailan mo palalayain ang puso mo sa kalungkutan?"

Hindi siya nakasagot. Dahil kahit siya, hindi alam kung kailan mangyayari iyon. . .

"Forget about my question. Just enjoy the ride," anito nang mapansin na hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.

Maya-maya pa nga ay itinigil na nito ang sasakyan sa isang parking area pagkatapos ay nauna itong lumabas doon upang ipagbukas siya ng pinto ng sasakyan.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon