Chapter 4

99 5 2
                                    

I hear your whisper and I must obey,
blindly I follow where you'll be
Knowing tomorrow brings only sorrow
Where can I go to find a place to hide away?

-Hideaway (Carpenters)


Chapter 4

NAKAUPO sa bakanteng upuan sa may lobby area si Fury habang tinitingnan ang kanilang lesson sa Natural Science, sa teacher nilang buntis na palaging mainit ang ulo. Isang buwan na ang lumipas simula nang mag-umpisa ang klase nila at isang buwan na rin siyang nagtitiis sa piling ng kanyang kasintahan...

Kung malalaman lamang ng ibang tao ang dinaranas niya, maaaring sabihan siya ng mga ito na hiwalayan na ang lalaki.

Lalo na kapag nalaman ng mga ito kung gaano kasakit magsalita ang boyfriend niya.

Alam niyang mali na talaga ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Pero masisisi ba siya ng ibang tao? Gayong nagmamahal lamang naman siya?

"Fury, ang guwapo ni Sir Desiderio, 'no? Kahit twenty six na siya, papatulan ko 'yan," saad ni Rina, ang kaklase na naging kaibigan niya ngayong college. Isa itong maliit na babae pero ubod naman nang daldal.

Napatingin siya sa tinitingnan nito. Napag-alaman niya na Thunder Desiderio pala ang pangalan ng lalaking may problema sa PDA nila ng boyfriend niya noong enrollment. Napatitig din siya sa binatang professor na may kinakausap sa cellphone at ngayon niya lamang napansin na mayro'n pala itong nose piercing.

Hindi ba bawal 'yon? Tanong ng isang bahagi ng isipan niya.

Ah, baka may exemption of the rules. Tugon naman ng isang bahagi niyon.

Napayuko lamang siya nang tumingin ito sa dako nila. Nakakailang kasi na titigan ito, lalo na't may pa-mysterious type at powerful ang aura nito.

"Suwerte ng magiging girlfriend ni sir, 'no? Guwapo na, mayaman pa," komento ni Rina at umiling-iling pa ito bago muling tumingin sa professor.

Totoong napakapalad ng magiging kasintahan nito, sabi kasi ni Rina sa kanya ay hindi lang ito basta isang professor, isa rin daw itong attorney at businessman. Kung paano nito napagsasabay-sabay iyon, 'yun ang hindi niya alam.

"Be, parang pinagsisisihan kong nag-education ako," malungkot na saad ng katabi niya.

Nakaangat ang isa niyang kilay nang tingnan ito. "Bakit naman? Maganda kaya ang course natin, tayo ang pangalawang magulang ng mga magiging estudyante natin."

"Nge? Sa tingin mo ba katulad pa rati ang mga estudyante ngayon? Fury, hindi na. Minsan nga 'di na sila nakikinig sa teachers and worst is binabastos pa nila ang mga ito. Tapos 'pag dinisiplina natin sila, sasabihin nananakit tayo. Hindi na tulad dati na may power tayong i-discipline ang bata. Ngayon, mapagsabihan mo lang, magsusumbong na sa magulang na sinigawan. Ito namang si magulang, susugod agad sa school at kagagalitan 'yung teacher. Hays, kaimbyerna!"

"Bakit parang gigil na gigil ka?"

Humingang malalim ito. "Eh kasi si tita, sinugod ng magulang ng estudyante niya sa bahay at dinuro-duro dahil daw napagsabihan ni tita 'yung bata na 'wag kukuha ng gamit ng iba. Ang siste, iba ang sumbong ng bata, sinabi nito na sinaktan ni tita."

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon