Chapter 10

94 7 0
                                    

Happy reading annewading 🧡

Chapter 10

ILANG ORAS nang nakatayo si Fury sa may gilid ng kalsada ngunit wala pa ring dumaraan na sasakyan papunta sa karinderya na kanyang pagtatatrabahuhan. Problemado na tuloy siya lalo pa't ito ang unang araw niya roon.

Napatingin siya sa kanyang wristwatch na binili niya sa may palengke at hindi niya maiwasan ang mapasabunot sa kanyang buhok dahil malapit na siyang mag-isang oras na late sa trabaho niya. Sinabihan pa naman siya ng may ari na agahan niya. Pero 'di naman niya nagawang tuparin.

"Ineng, sasakay ka ba?"

Napalingon siya sa tricycle driver na nasa tapat niya. "Kuya, naghahatid po ba kayo hanggang sa looban ng palengke?" agad ay tanong niya rito.

"Oo, ineng. Dagdag ka na lamang ng sampung piso."

"Sige ho, kuya." Dahil wala naman siyang choice ay sumakay na siya sa tricycle kahit medyo mahal ang pamasahe. Ang mahalaga ay ang makarating na agad siya sa karinderya.

"Kuya, pakibilisan na lang po ang takbo. Late na po kasi ako," ika niya sa driver at hindi niya naiwasang mapabuga ng hangin habang binabaybay nila ang daan papunta sa pagtatrabahuhan niya.

"Dito lang ako, Ineng, hindi nga pala nakapapasok ang tricycle doon," sabi nito pagkarating nila malapit sa may daan papunta sa may karinderya.

Lumabas na siya mula sa loob niyon. "Okay lang po, Kuya." Iniabot lang niya ang bayad pagkatapos ay mabilis siyang naglakad patungo sa karinderya.

Eksakto namang pagkarating niya roon ay sumalubong agad sa kanya ang magiging boss niya.

"Sabi ko, agahan mo. Pero ang tanghali mo na kaya humanap na lang kami nang puwedeng pumalit sa 'yo at nakahanap agad kami. Kaya pasensya ka na, humanap ka na lang ng ibang trabaho," pagkasabi nito sa kanya ay tumalikod na ito.

Napanganga na lamang siya sa pagkadismaya dahil sa kanyang narinig. "Paano na ako ngayon?" hindi niya naiwasang tanungin ang sarili niya.

Hindi naman siya maaaring umuwi nang walang trabaho dahil tiyak niyang bubungangaan lamang siya ng nanay niya at nahihiya rin siya dahil makatutulong sana ang kikitaan niya. . . pero hindi na natuloy.

Nanghihina siyang naglakad papalayo roon at hinayaan na lamang niya ang kanyang mga paa na dalhin siya sa kung saan.

"Ate, gusto mo po?" tanong sa kanya ng isang batang lalaki habang may hawak-hawak itong icecream.

Nginitian niya ang bata. "Salamat pero sa 'yo na lang iyan," aniya bago naupo sa bench sa parke na pinagdalahan ng mga paa niya.

"Why do you look sad po, ate?"

"Nawalan kasi ako ng trabaho. Teka bakit wala kang kasama?" untag niya rito.

"Napahiwalay po kasi ako sa nanny ko, puwede po bang dito muna ako sa 'yo?"

Hinaplos niya ang buhok nito. "Sige. Hintayin na lang natin na may maghanap sa 'yo," aniya saka binuhat ang bata at iniupo sa tabihan niya.

Habang abala ito sa kinakaing icecream ay siya namang pagtulala niya sa malawak na  playground sa park. Na-re-relax siya kahit papaano sa ginagawa niyang iyon, pansamantala niyang nalilimutan ang mga problemang dinadala niya.

"Ate, may problem ka po ba? Sabi ng daddy ko, 'pag may problem daw eat lang ako ng icecream kasi it melts away the problem daw," pukaw nito sa kanya.

Nilingon niya ito. "Your daddy is right. Sa mga batang tulad mo kayang ipalimot ng icecream ang problema. Pero sa tulad ko, hindi kaya."

"Bakit po, ate?"

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon