Wakas

104 5 0
                                    

CHAPTER 25

Nakangiti siya habang nakatingin sa harapan ng isang bahay na may roof top at may malawak na garahe. Hindi niya maiwasan na titigan ito ng sobra, higit lalo ang mga rosas na nakatanim sa bakuran na hitik sa pamumulaklak.

"Ate, ang ganda ng bahay natin 'no?"

Binalingan niya si Pietro na ngayon ay nasa kolehiyo na at kumukuha ng kursong medisina. "Pangarap ko lang 'to para sa atin, e. Ngayon natupad ko na," aniya saka humingang malalim.

Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang nag-graduate siya at nag-umpisang tuparin ang kaniyang mga pangarap. Nangunguna na roon ay ang pagiging lisensyadong guro niya na agad din namang nangyari. Unang sabak pa lang niya sa board exam ay nakapasa na siya at sadyang mabuti talaga ang Diyos, dahil noong taon na iyon ay nakapagturo rin agad siya sa public school.

Pero hindi lang iyon ang achievement niya, isa rin siyang business woman ngayon. Nagtayo siya ng isang Cafe sa bayan nila at dahil pasukan ng mga estudyante ay patok na patok iyon.

Pero hindi niya iyon magagawa ng mag-isa lamang, katulong niya ang kaniyang pamilya sa pagtupad sa kan'yang pangarap. At syempre, hindi mawawala sa tabi niya ang ka'yang nobyo, si Thunder.

Ito ang nag-pondo sa pagtatayo ng Cafe niya dahil ayaw nitong magkaroon siya agad ng loan at ito rin ang nag-disenyo ng ipinatayo niyang bahay para sa kan'yang pamilya. Kaya sobrang bless niya na naging kasintahan niya ito.

"Mag-aral kang mabuti, Pietro, ha? Saka 'wag ka munang mag-gi-girlfriend."

Umiling-iling ito saka tumawa. "Ate naman! Hindi ako mag-so-syota muna. Stress na nga ako university, e." Sumeryoso ang mukha nito. "Paano kung may mababa akong grades, ate?"

"Hindi naman mahalaga kung mataas o mababa, ang mahalaga ay pumasa ka." Pagpapagaan niya sa loob nito.

"Your sister is right," 

Kapwa sila lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "L-love. . ." kahit matagal na silang magkasintahan ay may epekto pa rin ito sa kaniya. Sa t'wing nasa harapan niya ito ay palagi siyang napipipi, parang isang fan na nakita ang idol niya na hindi agad makakilos sa kinatatayuan.

Nilapitan siya nito saka marahang hinaplos ang ibabaw ng kaniyang buhok. "I have something for you," anito saka may kinuha sa likuran nito. 

Isang pirasong puting rosas.

Sumipol ang kapatid niya. "Moment muna kayo diyan, ate at kuya." Humagikhik pa ito saka naglakad papalayo sa kanilang dalawa. Napailing-iling na lang siya.

Ngumuso siya saka kinuha ang rosas na dala nito. "Bakit naman palaging iisa ang bulaklak na ibinibigay mo sa'kin?" naghihinampo niyang sabi.

"Hindi mo man lamang ba ako na-miss, love?" ayan na, ito naman ang may himig ng pagtatampo sa tinig.

Kauuwi lamang nito mula sa isang business trip sa Malaysia at kahapon lamang ito nakabalik sa Pilipinas.Nagpupumilit nga itong dumiretsyo sa kaniya pag-uwi pero kinontra niya. Hindi dahil sa hindi niya ito na-mi-miss, kung hindi dahil gusto niya itong makapahinga muna.

Nagpa-cute siya rito. "Syempre na-miss kita, 'no!"

He pinched her nose. "Ako rin, na-miss kita sobra." Inabot nito ang isa niyang kamay saka iyon pinagsalikop. "Ang ganda mo palagi." 

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. "E-ewan ko sa'yo! Bolero ka talaga!"

He chuckled. "Kinikilig ka na naman."

She looked away. "Hindi kaya, pasok na nga muna tayo sa bahay," aniya at nagpatianod naman ito sa kaniya. "Hindi mo pa sinasagot angf tanong ko, bakit laging isang rosas lamang ang ibinibigay mo sa'kin?"

Tumigil ito sa paglalakad. "I will give you a bouquet when we get married."

Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Oo nga pala, bakit naman niya malilimutan na ikakasal na nga pala sila next month? 

"Malapit na tayong ikasal," aniya at napangiti siya sa ideyang magiging isa na siyang Desiderio. 

"Malapit na kitang mahalikan, malapit na kitang maging misis." Kumagat ito sa labi, animo'y may kapilyuhang naisip.

Hinampas niya ito sa isang balikat. "Hoy! Ano ang iniisip mo, ha?"

Sinupil nito ang ngiti sa labi. "Us, having kids."

Natigilan siya sa sinabi nitong iyon. Naisip niya na rin iyon pero hindi niya ine-expect na maririnig niya iyon mula sa bibig nito.

"Why? Ayaw mo bang magka-anak tayo?"

Umiiling-iling siya. "Gusto ko siyempre. Lalo pa't tumatanda ka na, baka humina na 'yan." Humagikhik siya. She's becoming playful when he's around dahil alam niyang hindi naman nito papatulan ang ganoon niyang patutsada.

Simula nang maging sila ay never pa siya nitong hinalikan sa labi na ipinagpapasalamat naman niya. Puno ng paggalang sa kaniya ang kabiyak at natutuwa siya talaga rito. Pero minsan, hindi maiiwasang mainis ito sa kaniya kapag inaakit niya ito.

Mukhang tinatablan, pero nagpipigil dahil sa pagmamahal nito sa kaniya.

"Ikaw talaga, love. Puro ka kalokohan," anito saka umiling-iling.

"Talaga naman e!" she teased her.

Lumamlam ang mga nito. "Just wait until we get married and you'll see how good I am on bed." 

Napanganga siya sa sinabi nito. Ito ang unang beses na pinatulan nito ang panlalandi niya. 

Iwinasiwas niya ang kamay sa ere. "Hay, tara na sa loob talaga!" Pinigilan siya nito.

"Don't move." Niyakap siya nito bigla habang marahan na hinahagpos ang kanyang buhok. "Ayts, you're a seductress huh? You know how I really want to kiss your lips, I am just resisting because I respect you and your family."

Natunaw ang puso niya sa narinig na iyon. "Ang green flag mo naman, sir," aniya at sabay silang tumawa habang magkayakap sa may tapat ng gate sa bahay nila.

"Dati, pangarap ko lang maging malaya at masaya. Tinatanong ko sa sarili ko kung mangyayari pa ba 'yon tapos ngayon." Humingang malalim siya. "Pareho ko nang nararanasan at dahil sa'yo, iyon, love."

"You deserve it after all. And I'm happy, na ako ang kasama mo ngayon."

Humiwalay siya mula sa yakap nito. "Baka maubusan na tayo ng wedding vows nito?" Humagikhik siya.

"Marami pa akong gustong sabihin sa 'yo, pero sa kasal na lang natin ko sasabihin," sabi ni Thunder habang hawak ang isa niyang kamay.

"E 'di, puwedeng kiss muna ang mauna?" ngumuso siya.

Kumamot ito sa batok. "Ikaw talaga." Umiling-iling din.

Sumimangot siya. "Ang tagal na natin pero hindi mo man lang ako hinahalikan. Sa kamay lang, tapos sa pisngi at sa noo. Hindi ba puwedeng sa lips din?" she teased him again.

"Fury, stop teasing me, love, okay?"

Sa halip na tigilan ang pang-aasar dito ay lalo niya pa itong inasar. Siguro kaya siya ganito ay dahil hindi niya naman nararanasan ang ganitong kulitan before, kaya ngayon niya nailalabas ang kulit niya. 

"Siguro may iba kang ---" 

He carefully grabbed her waist. . . looked at her with full of love then slowly pressed his lips to her.

"Ini-advance ko na, makulit ka, e," anito at sa halip na mailang siya sa ginawa nito ay napangiti pa siya. 

Nasa ganoong posisyon pa rin sila habang magkatitigan. "I love you, Fury."

"I love you too, mahal ko." Ikinawit niya ang mga kamay sa batok nito at sa pagkakataong iyon ay muling naglapat ang kanilang mga labi. 

Kasabay niyon ay ang biglang pagpatak ng ulan. They enjoyed their kisses while raining. "I'm glad you heard me cried," aniya nang maghiwalay ang labi nila.

He caressed her face. "This time, you'll cry in happiness." Their lips touch again. She savour every moment they have while raining. And she's happy to be in his arms.

In the arms of her soon to be husband. 



Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon