Chapter 7
MAGAAN ang pakiramdam ni Fury pagtapak pa lamang ng kanyang mga paa sa harapan ng university. Ibang-iba ang pakiramdam niya sa araw na ito. Masaya siya dahil may isang tao na hindi siya hinusgahan sa kanyang pagkakamali, nakahanap siya ng isang tao na makakaunawa sa sitwasyon niya.
"Naks! Mukhang ang saya natin ngayon, ah?" bungad ni Rina sa kanya pagpasok niya sa kanilang room.
"Lunes eh, iwas bad vibes," aniya bago naupo sa paborito niyang upuan.
"Sana all, ako kasi nababadtrip. Hays! Nagtataka talaga ako kung paano naging family friend namin ang pamilya ni Rico Calderon, e, poor naman kami," palatak nito.
"Wala naman kasi 'yun sa life status, saka mukha namang friendly si Sir Rico," aniya habang kinukuha sa kanyang bag ang almond nuts na bigay ng tiyahin niyang kararating lang mula sa California.
"Friendly, friendly sa mga babae! Buwisit na 'yon," gigil nitong sabi at inihampas pa ang kamay sa ibabaw ng desk.
"Bakit ba inis na inis ka kay sir? Ano ba'ng ginawa sa 'yo?" tanong niya rito saka ito inalok ng almond nuts. Kumuha naman ito, ang kaso nang isubo nito iyon ay bigla itong naduwal.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong dito.
Sinamaan siya nito nang tingin. "Ang pangit naman ng lasa niyan!"
"Ha?" Tinikman niya iyon upang masigurong masama nga ang lasa. "Hindi naman, ah, ang sarap nga."
"H-hindi pangit ang lasa?" Bigla itong namutla at namilog ang mga mata. "Oh my God!" bulalas nito.
"Huy, bakit?"
"B-buntis yata talaga ako. . . ." anas nito.
Napamulagat siya. "Ha? Wala ka namang boyfriend 'di ba? Paano nangyari na nabuntis ka?"
Napahilamos ito sa mukha. "Be, three weeks na akong 'di nireregla. . . . Tsk! Wala namang kuwenta ang ama nitong dinadala ko," himutok nito.
"Teka nga lang, sure ka na bang buntis ka? Nag-PT ka na ba? Saka sino bang naka-do mo?"
Inalis nito ang dalawang kamay na nakatakip sa mukha. "Nag-PT ako noong isang araw . . . . at nag-two lines iyon. Be, ano'ng gagawin ko? Mapapagalitan ako, baka hindi na rin ako makapag-aral, mawawala pa scholarship ko. Ano nang gagawin ko?" Mangiyak-ngiyak na ito habang nagkekuwento sa kanya.
Ito na nga ba ang kinatatakutan niyang mangyari sa kanya. Ang posibilidad na siya'y mabuntis at hindi na maipagpatuloy ang pag-aaral.
"Sino ba'ng tatay niyan? Bakit ka ba nakipag-gano'n?"
Tuluyan na itong umiyak at naagaw nito ang atensyon ng iba nilang kaklase. Mabuti na lamang at nakaisip siya ng alibi upang hindi magtaka ang mga ito kung bakit umiiyak ang kaibigan niya.
"Si R-rico. . . ." pag-amin nito sa kanya at hindi niya maiwasan na panlakihan ito ng mga mata.
"Ano?! Kailan nangyari?" Gulantang pa rin siya sa kanyang nalaman.
"Noong nagpunta tayo sa bar, nang gabing sinundo ka ng boyfriend mo kaya kami lang ang nakapag-party-party. Nalasing ako noon, hanggang sa gumising na lang ako noong umaga na iyon na magkatabi na kami sa kama." Wala pa rin itong tigil sa pag-iyak.
"Bakit hindi mo sabihin kay sir ang tungkol diyan?" suhestiyon niya.
"Para saan? Wala siyang kuwentang lalaki, babaero! Alam mo ba, noong isang araw lamang, nakita kong may nilalaplap na babae sa loob ng kotse niya sa parking lot. Tell me, Fury, how can I tell him the truth that we are having a baby? He's a womanizer and I'm sure na 'di niya aakuin ang bata."
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry (Published Under Paper ink)
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...