Chapter 12

90 9 0
                                    

Happy reading ariennejenella11 🧡

Chapter 12

KITANG-KITA sa mukha ni Fury ang pagkamangha sa lugar na nakapaligid sa kanya ngayon at kahit pa nga nagsuka siya sa biyahe dahil sa pagkahilo sa kulay dilaw na air freshener sa loob ng sasakyan ay nagawa niya pa ring magpabaling-baling nang tingin sa paligid. 'Yun nga lamang ay nakahawak siya sa isa niyang sentido dahil bahagya 'yung kumikirot habang iginagalaw niya ang kanyang mga mata.

"Ang ganda," sambit niya at natigil lamang siya sa pagsa-sightseeing nang tumunog ang cellphone niyang nasa harapang bulsa ng pantalon niya. Kaagad niya 'yung kinuha upang tingnan kung sino ang nag-message.

From: Tutoy Pietro ✴️
Ate, ingat ka raw diyan sabi ni nanay saka pasalubong ko, ha? 😙

Napangiti siya sa nabasa niyang iyon. Kaagad din naman siyang nagtipa sa keyboard nang i-re-reply niya rito.

To: Tutoy Pietro ✴️
Salamat. Ingat din kayo diyan ha? Nandito na ako sa Tagaytay, sabihin mo kay nanay at tatay.

Pagkatapos niyang mag-reply ay ibinalik na niya muli sa kanyang bulsa ang cellphone niya saka muling iginala ang kanyang paningin. Masayang-masaya siya sa mga nakikita niya at pakiramdam niya'y nabawasan ang bigat na nakadagan sa dibdib niya dahil hindi niya nakikita ang boyfriend niya ngayon.

Hindi siya nito pinayagan na ituloy ang kanyang pagtatrabaho pero buo na ang loob niya na magtrabaho kahit pa nga bina-blackmail siya nito. Hindi niya naiwasan ang humingang malalim nang maisip iyon. napapikit pa siya nang ilang beses para tanggalin ang nerbyos na naramdaman niya.

"Ineng, ikaw pala ang bago naming makakasama rito?"

Napalingon siya sa kanyang likuran at isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay asul na manipis na longsleeves. May hawak din itong salakot habang nakangiti sa kanya.

"P-po? Ako nga po, kumusta po?" nahihiya niyang sabi rito.

"Ayos lang naman, ineng. Ako nga pala si Mang Agosto." Inilahad nito ang kanang kamay na agad niya rin namang tinanggap.

"A-ako naman po si Fury," nahihiya pa rin siya rito kahit mukha naman itong mabait.

"Tara sa loob, Fury. Naroroon sa loob ang aking anak na si Telma. Katiwala rin si dito sa Farm," pag-imbita nito sa kanya tapos ay kinuha ang bitbit niyang isang bag upang ito ang magdala papasok sa loob ng isang magandang bahay.

Sinundan niya ito sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa may salas ng bahay.

"Ang lamig naman," komento niya habang nakasilip sa labas ng sliding window na medyo nanlalabo dulot ng hamog sa labas.

"Malamig talaga rito, ineng. Sandali lamang ha? Tatawagin ko lang ang aking anak at magpapahanda rin muna ako ng pagkain," anito sa kanya.

Saglit niya itong tinignan saka nginitian. "Salamat po."

"Feel at home, ineng," dagdag nito bago naglakad papaalis sa may salas.

Nang wala na ito roon ay pabagsak siyang umupo sa sofa sa tapat ng bintana. Inihilig niya pa ang kanyang ulo sa may sandalan. Feel na feel niya ang ambiance ng bahay, ng lugar at ngayon pa lamang niya naranasan ang gano'n. Hindi naman siya natatakot na mag-chillax dahil habang nasa biyahe at ikinuwento sa kanya ng driver na minsan lamang umuwi ang may ari ng bahay saka mabait naman daw ito kaya wala raw dapat siyang ipangamba.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon