Chapter 24
NAPAMAANG na lamang siya mula sa narinig sa binata. Tila tumahimik ang buong paligid at para bang sila lamang dalawa ang naroon and she feels like she's daydreaming and at the same time, hoping what she heard was true.
"Fury, I know what I'm saying is shocking. But you know me, I am straight forward."
Nawindang ang isipan niya. "Ah, ah," tanging nasabi niya saka nagmamadaling bumaba sa entablado pagkakuha niya sa kan'yang diploma. Walang lingon-lingon nang umalis siya roon.
Balisa.
Nakahawak sa kaniyang dibdib habang naglalakad papunta sa puwesto niya kanina.
"Mamimiss ko kayong lahat!" sigaw ng isa niyang kaklase ngunit ang isipan niya'y wala roon.
Hindi niya malaman kung ano ang itutugon niya sa binata na nagtapat sa kaniya ng damdamin. Oo nga't gusto niya ito, correction. Mahal niya na rin pala ito. Pero hindi niya alam kung paano sasabihin ang nararamdaman niya para rito.
"Ate!"
Pumitlag siya nang marinig ang pagtawag ng ni Pietro sa kaniya. "Uuwi na ba tayo?" tanging nasabi niya rito. Tumatango naman ang binatilyo niyang kapatid. Pero bago niya ito sinundan ay nag-paalam muna siya sa kan'yang mga kaklase at nakipag-picture taking muna sa mga ito.
Nang makarating siya sa may entrada ng gate ay naroroon ang kaniyang mga magulang at iba pang kamag-anak. Ngunit may malaking katanungan sa isipan niya dahil hindi man lamang ang mga ito nagtanong tungkol kay Thunder.
Puro congratulations lamang ang narinig niya sa mga ito.
"May dadaanan muna nga pala tayo bago dumiretsyo sa bahay," anunsyo ng kaniyang ina at kahit seryoso ang pagkakasabi nito ay mababanaag naman ang excitement sa mga mata nito.
"Saan nanay?" kunot-noo niyang tanong dito.
"Dadaan muna tayo roon sa isang handaan ng kaklase mo. Nag-imbita 'yung nanay ng kaklase mo anak, e."
Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Huh? Sino po nanay?"
"Oo nga, nanay. Sinong kaklase ni ate?"
Umismid ang kanilang ina sabay kumpas ng kamay sa hangin. "H'wag na kayong maraming tanong. Basta pupunta tayo," matigas nitong sabi.
Nagkatinginan na lamang silang magkapatid sa tinuran ng kanilang ina. Mukhang wala rin namang pakialam ang mga kamag-anak nilang kasama sa pinag-uusapan nila dahil may kaniya-kaniyang tsismisan ang mga ito.
Napabuntong hininga na lamang siya sabay tingin sa labas ng bintana ng jeep na kanilang sinasakyan at naghugis bilog ang kan'yang bibig ng mapansin niya ang sasakyan ni Thunder na nakasunod sa kanila.
Hindi siya maaaring magkamali. . . tandang-tanda niya ang hitsura ng sasakyan nito.
Ano bang nangyayari? puno ng katanungan ang kaniyang isipan.
"Congratulations, hija! Natutuwa ako na naka-graduate ka kahit napakaraming pagsubok ang dumating sa iyo. Sana'y hindi na maulit ang nangyari sa iyo at ingatan mo talaga ang sarili mo, ha? Wag padadarang sa apoy,"
Nabaling ang atensyon niya sa sinabi ng Tiya Marie niya. Isa ito sa haters niya noong nakagawa siya ng mali sa buhay niya. Pero talagang bilog ang mundo, dahil kung dati ay halos isuka na siya nito pero ngayon, palagi na itong bumubuntot sa kanila.
"Opo naman, tiya. Salamat po sa paalala."
"Wala iyon, basta 'wag ka nang lalambot ang ---"
"Graduation day ito ng anak ko. 'wag naman natin sanang pasamain ang loob niya," sambit ng kaniyang ama.
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry (Published Under Paper ink)
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...