Chapter 6

87 7 1
                                    

Read at your own risk fellas. This story is intended for MATURED READERS ONLY. 18+ Vulgar words ahead.

Chapter 6

MUGTO ang mga mata ni Fury nang pumasok siya sa university. Kinailangan niya pang magsuot ng kulay itim na retro square upang maitago ang pamamaga niyon.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Rina sa kanya.

Tipid niya itong nginitian. "Oo naman. Kailan ba ako hindi naging okay?"

"Aysus! Walang tao na palaging masaya, Fury. Kaya kung may problema ka, 'wag kang mahihiyang mag-share sa 'kin."

Kung puwede nga lang, wika ng isang bahagi ng isipan niya. Naisin man niyang maglabas ng sama ng loob, hindi niya iyon magawa dahil sa namamahay na takot sa dibdib niya.

"Talaga bang ayos ka lang? Kasi sa 'yo ako kokopya ng sagot mamaya sa English."

"Ayos lang talaga ako." Muli na niyang binasa ang hawak niyang reviewer para sa long quiz nila sa English mamaya.

"Maiba nga ako, bakit bigla ka na lang nawala sa bar kagabi ha?" Intriga nito sa kanya kaya nawala na naman ang focus niya sa pagrereview.

Napahingang malalim siya nang maalala ang gabing iyon. Akala niya'y iyon na ang pinakamasaya niyang gabi dahil malaya siyang gawin ang bagay na gustuhin niya pero nagkamali siya. Dahil sinundan siya ni James upang kaladkarin pauwi at ipamukha sa kanya ang hindi niya pagsipot sa motel na ipina-book nito.

"Fury, parang hindi ka talaga okay," puna nito sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Dahil baka kapag nagsalita siya, hindi na okay ang maisagot niya. Which is true, lalo na kapag naaalala niya ang pamimilit sa kanya ni James na makipagtalik. Napakagat siya sa kanyang labi nang maalala iyon. Ang sapilitan nitong pagkaladkad sa kanya papunta sa isang bakanteng lote, at ang pamimilit nitong makipagtalik siya rito.

Nagtagumpay ito sa nais gawin sa kanya. Wala siyang nagawa, mahina siya. Tapos ay ilang beses nitong ipinamukha sa kanya na hindi na siya birhen, na wala nang tatanggap sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kung 'di ang magpaubaya na lamang...

Idagdag pa na sinabihan siya nito ng pokpok, na baka nagpapagalaw siya sa iba na lalong nakapagpahina sa kanya.

"H-hindi ako gano'n." Umagos ang luha sa kanyang pisngi kaya nataranta si Rina.

"Be, ano bang nangyayari sa 'yo? Magkuwento ka naman. Makikinig ako." Pinahid nito ng panyo ang luha niya.

Umiling-iling siya. "O-okay lang ako be, stress lang sa major subject," pagsisinungaling niya at ang lintik niyang mga mata, hindi marunong makisama! Lalo pa itong nagluha.

"Ano ba namang mata 'to, parang waterfalls," aniya habang umiiyak at saglit na tumawa.

"Fury, gusto mo bang kumain muna? Libre ko. Tumahan ka na please?"

Siguro kaya ako minalas sa love life, kasi suwerte ako sa kaibigan. Gusto niya sanang isatinig iyon pero pinili niyang 'wag na lang. Ayaw niyang magkaroon ito ng ideya sa kung ano talaga ang problema.

"Sige, sa labas na lang tayo? Gusto ko ng tinapay at softdrinks."

"Sige ba! Basta 'wag ka nang umiyak ha? Hindi ako sanay na ganyan ka," anito saka hinawakan ang kanyang braso upang kaladkarin papalabas sa university.

Hindi kasi nila afford ang mga pagkain sa cafeteria. Kaya kapag sila ang magkasama, sa labas sila kumakain kasi swak sa kanilang budget ang mga paninda roon.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon