Chapter 18

74 5 2
                                    

Share ko lang, ang lungkot ko rin habang sinusulat ito. Naaawa na ako kay Fury eh 🤧😭

Chapter 18

DUMATING na nga sa buhay niya ang pangyayaring kinatatakutan niya nang lubos. Ang malaman ng buong pamilya niya ang mga bagay na ayaw niyang malaman ng mga ito. Iyak pa rin siya nang iyak habang nakayakap siya sa binata at sinabi niya ritong uuwi muna siya sa kanila pero mapilit ito, dahil sasamahan daw siya nitong umuwi.

"Everything will be alright," pagpapagaan nito sa kalooban niya bago ito kumalas ng yakap saka siya hinarap. "Fury, you'll get through of this." Hinagkan nito ang noo niya saka ito nagpaalam na kukuhanin lamang ang mga gamit nila na nasa loob ng cottage. Maya-maya naman ay bumalik na ito at niyaya na siya papunta sa pinagparadahan ng sasakyan nito.

Nang makapasok sila roon ay hinawakan nito ang isang kamay niya saka siya tipid na nginitian na naging dahilan upang kahit papaano ay mabawasan ang takot, pangamba at galit na kanyang nararamdaman.

Bumitaw lang ito sa kanya nang mag-umpisa na itong magmaneho. Samantalang siya naman ay ibinaling na ang paningin sa labas ng bintana upang kalimutan panandalian ang problemang kakaharapin niya ngunit kahit ang magagandang tanawin sa kanilang dinadaanan ay walang magawa upang makalimot siya.

"You know why I brought you there rather than in Boracay?" Patuloy pa rin ito sa pagmamaneho.

Tiningnan niya ito. "Bakit?"

"Because it's my favorite place, and I want it to be your favorite place too."

"Sorry. Pero kahit ang lugar na 'yon, hindi ako magawang pasiyahin nang sobra. . . pakiramdam ko kasi, palagi akong hinahabol ni James. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko." Yumuko siya at hindi naiwasan na maiyak na naman siya.

"Leave him," matigas nitong sabi.

"M-mahal ko siya," pumiyok-piyok siya.

Hindi ito nagsalita. Marahil ay pagod nang makipaggiitan pa sa kaniya. Umiling-iling lamang ito habang patuloy pa ring nagmamaneho.

"Itigil mo diyan sa tabi, a-ako na lang ang pupunta sa bahay," aniya ng nasa may daan na sila malapit sa kanila.

Itinigil naman nito ang sasakyan nang hindi siya kinikibo. Ipinagkibit-balikat na lamang niya muna iyon saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan pero hindi niya iyon mabuksan.

"P-pakibukas naman," aniya pero nginitian lamang siya nito saka muling pinaandar ang sasakyan papunta sa kanila.

"Thunder, ano ba?!" asik niya.

"I'll go with you, Fury." Itinigil muli nito ang sasakyan pagkatapos ay lumabas ito roon upang ipagbukas siya ng pinto ng sasakyan.

"Aba! 'Yan siguro ang ipinalit niya kay James!"

"Mukhang mapera ah? Matalinong bata!"

"Katawan ang pinuhunan niyan sigurado."

Dinig na dinig niya ang usap-usapan ng kanilang mga tsismosang kapitbahay pagkalabas pa lamang niya sa sasakyan pero sa halip na patulan ang mga walang kuwentang komento ng mga ito sa buhay niya ay mas pinili niyang umuwi sa kanila upang magpaliwanag sa mga nangyari sa kanya at syempre, kasama niya ngayon si Thunder sa pagharap sa pamilya niya.

"N-nanay. . ." kandautal siya habang nakatingin sa ina niyang halatang kanina pang naghihintay sa kanya.

"Kasama mo pala gago na 'yan, ah?"

Kapwa sila napalingon ni Thunder nang may magsalita sa gawing kanan nila at walang iba kundi ang anak ni Satanas na si James.

"Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin matapos lahat ng mga pinaggagawa mo!" bulyaw niya habang dinuduro-duro niya ito dahil sa lubos na galit.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon