Chapter 3

111 4 1
                                    

So far, ito 'yung pinamalungkot at masakit na story na isusulat ko. This story is dedicated to my favorite reader na nasa ganitong sitwasyon. Sana makatulong sa 'yo ito and I am hoping na makawala ka na sa toxicity na nararanasan mo. Don't worry, I won't drop your username here.

Chapter 3

NAPATULALA na lamang si Fury sa bubong ng kaniyang kuwarto habang nakahiga sa kama. Pagkatapos nang mangyari sa kanila ng kasintahan niya ay hindi niya naiwasang makaramdam ng pandidiri sa kanilang ginawa. Nandidiri siya sa sarili niya dahil hindi na siya birhen sa bata niyang edad. Nandidiri siya sa sarili niya dahil hindi niya nagawang tuparin ang pangako niya sa mga magulang na ibibigay lang niya ang katawan niya sa magiging asawa niya.

Pagkatapos nilang mag 'do' nito ay nawala na ang galit nito sa kaniya at siya naman itong si tanga, nawala na rin sa isipan niya ang mga masasakit nitong sinabi sa kaniya.

Sa text messages lang 'yon, pero alam niyang hindi dapat nito iyon sinabi sa kaniya.

Mali 'yon, maling sabihan siya nito nang masasakit na salita lalo na't boyfriend niya lamang naman ito. Pero dahil nga mahal niya ang lalaki, pinilit niyang kalimutan ang masasakit nitong sinabi.

"Anak," untag ng ina niya na hindi niya namalayang nasa loob na pala ng kuwarto.

"P-po?" Nilingon niya ito at pilit siyang ngumiti upang hindi nito mapansin ang kalungkutan niya.

Naupo ito sa gilid ng kama. "Kung hindi pa sinabi sa 'kin ng tatay mo, hindi ko pa malalaman na nakakuha ka pala ng scholarship. Congrats anak, proud ako sa 'yo," nakangiti nitong bati sa kaniya.

Napangiti rin siya bago bumangon sa kama saka ito niyakap. "Salamat, nanay."

"Anak, gusto ko si James para sa 'yo, mukha siyang mabait at responsableng bata. Alam mo ba, binilhan niya ang tatay mo ng dalawang tsinelas," usal nito habang hinahaplos ang buhok niya.

Kumalas siya nang yakap dito. "Ha? Nanay bakit ninyo po tinanggap?"

Nangunot ang noo ng nanay niya. "Bakit naman hindi?"

Napahingang malalim siya. Ito kasi ang ayaw niyang mangyari, ang magbigay nang magbigay ang lalaki sa pamilya niya. Kasi pakiramdam niya, kapag marami na itong naibigay sa pamilya niya ay hindi na siya makakaalis sa bisig nito.

Naisip niya na hiwalayan ito. Pero iniisip niya ang nawala niyang virginity. Naisip niya wala nang tatanggap sa kaniya. Pinagsisisihan niya talaga ang naging desisyon niya. . . kung sana utak muna ang pinagana niya, maaaring hindi siya ngayon nalalagay sa ganoong sitwasyon.

Kung sana maibabalik niya lamang ang panahon, hindi siya papayag na may mangyari sa kanilang dalawa.

"Anak, kailan ka pupunta sa UW? Kailangan mo nang mag-enroll," pukaw ng nanay niya.

"Po? Mamaya po siguro, susunduin naman daw po ako rito ni James," sagot niya bago umalis sa kama. "Nanay, liligo na po ako. Baka mamaya po nandiyan na si J-james," sabi niya bago kinuha ang nakasampay na bath towel sa hanger na nakasabit sa pako sa dingding.

"O, sige, ako'y maghahanda na rin muna ng umagahan at dito mo na pag-almusalin ang batang iyon. Bilisan mo rin ang paliligo mo para 'di kayo tanghaliin," paalala nito bago lumabas sa kaniyang kuwarto.

Napahingang malalim siya bago lumabas sa kuwarto saka pumunta sa may banyo upang maligo.

Hindi niya napigilan na mapaluha habang kinukuskos niya ng habon ang leeg patungo sa dibdib niyang may mapupulang marka na ginawa ng kaniyang boyfriend.

Hear Me Cry (Published Under Paper ink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon