It took me month to update again. Sorry naman HAHA
Chapter 15
HE can't help but to smile after he finished his paper works on the university. At last, he can finally relax on his house after his busy week.
"Mukhang 'di ka stress ah?"
He almost jump on his swivel chair when he heard the annoying voice of his friend, Rico Calderon.
"Yeah, unlike you. Palaging mukhang stress," pabiro niyang sabi rito.
Napakamot ito sa batok. "Sino naman ang hindi mai-stress? May kasama akong losyang sa bahay ko," anito saka naupo sa ibabaw ng mesa niya.
"Kung puwede lang na sumama ako sa 'yo papuntang Tagaytay, sasama ako. Ang kaso, 'di ako papayagan ni mom na iwanan na ang anak ko at ang losyang na 'yon," may iritasyon sa tinig nito.
"Rico, you're becoming so rude. May I remind you, she's not just the mother of your kid. She is your wife," aniya saka umalis sa kaniyang inuupuan.
"On papers," anito at umibis na rin sa ibabaw ng mesa niya. "May pupuntahan pa pala ako, sa lugar kung saan may sasang-ayon naman sa 'kin," dagdag pa nito saka naglakad papalabas sa pintuan ng faculty room.
Napailing-iling na lamang siya saka sinasalansan ang mga folders at papel na nasa ibabaw ng mesa niya. Pagkatapos niyon ay isinukbit na niya sa isa niyang balikat ang kaniyang bag at naglakad na rin papalabas doon. Hindi niya maunawaan ang sarili niya kung bakit excited siyang bumalik sa farm niya sa Tagaytay gayong wala naman siyang dahilan kung bakit pupunta siya roon dahil sapat na naman ang mga reports na ipinapadala sa kaniya ng sekretarya niya.
Pero hindi niya maunawaan kung bakit may nag-uudyok sa kaniya na pumunta ngayon doon. Napakibit balikat na lamang siya hanggang sa makarating na siya sa pinagpaparadahan ng kaniyang sasakyan.
Maybe I just really need to relax? Naisip niya bago niya ini-start ang engine ng kotse niya ay nag-send muna siya ng message kay Telma na darating siya para naman makapagluto ito ng pagkain. Matapos niyang i-send ang message niya rito ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Higit dalawang oras ang naging biyahe niya bago siya nakarating sa bahay niya sa Tagaytay. Medyo natagalan siya sa biyahe dahil sa traffic na sinugapa niya sa may main road.
Pagkarating niya sa may harapan ng gate ay bumusina siya pero walang nagbukas niyon. Hindi niya rin naiwasang mangunot ang noo dahil tila wala ang kaniyang mga trabahador ngayon doon.
Imposible 'yon. Naisip niya.
Nagpapaalam naman kasi ang mga ito kapag may pupuntahan kaya imposible talaga ang iniisip niya.
Baka may ginagawa lang sa loob. Sumagi iyon sa isipan niya at dahil mukhang wala naman siyang aasahan na magbubukas ng gate ay bumaba siya sa sasakyan at siya na ang nagbukas saka siya bumalik sa loob ng sasakyan upang i-drive iyon papasok sa garahe ng kaniyang bahay.
Nang nasa garahe na ang sasakyan niya ay naglakad na siya papasok loob patungo sa may salas upang magpahinga pero natigil siya sa paglalakad nang may marinig na mga tinig.
"Anak, hindi mo dapat hinahayaang abusuhin ka niya. Walang karapatan ang boyfriend mo na saktan ka niya, pisikal man o mental. Hindi ka niya naging girlfriend upang gawing punching bag niya."
Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang tinig ni Mang Agosto. Sa tingin niya'y pinagsasabihan nito ang anak tungkol sa boyfriend nito.
"Tama si tatay, Fury. . . hiwalayan mo na ang boyfriend mo, maawa ka naman sa sarili mo at sa magiging future mo."
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry (Published Under Paper ink)
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...