Kabanata 23
If there's one thing I'm sure about Blaze is what he says he does. .
"Hayyy Evans." Iling na sabi ni Andrew.
I looked at Ana nervously. Hinagod lang nya yung likod ko.
Alam ko alam ng tatlong ito ang mga kinikilos ni Blaze. They know him so well dahil elementary pa lang sila ay magkakaibigan na. Kaya malabong hindi nila alam kung anong nangyayari sa amin. Swerte ko nalang dahil hindi nila sinasabi kay Van.
"Napakagulo ng pinasok nya." Dagdag pa ni Xander.
I wanna say sorry to them. I wanna say sorry dahil ginulo ko buhay ng kaibigan nila.
Wala namang imik si Francis sa tabi ko.
Maya't maya pa ay sabay silang dumating. Dan is holding two trays, so as Thon. Habang asa likod nila si Blaze na may dala din.
I looked at the food habang isa-isa nilang binababa.
Wow. Boys and their stomach.
Inilahad sa akin ni Blaze ang isang plato na may kanin at chop suey and butter shrimp.
"Now eat." He said. At umupo na.
Tinignan ko sya at umiling. Habang nag kibit balikat lang ito.
What the hell is he doing? At sa harap pa talaga ng mga kaibigan nya.
I pressed my lips in a thin line.
"Busog ako diba? I can't eat all of these. Kung gusto mo ikaw nalang kumain." Ani ko at ibinigay sa kanya ang plato. Kinuha ko ang spaghetti na pina order ko kay Anna at yun ang sinimulang kainin.
"You look thin, you should eat more." Kontra nito at ibinalik sa akin ang plato.
Naiirita ako. Ano bang paki nya kung ganito lang kainin ko.
"Will you please stop Blaze?!" Napalakas ang pagkakasabi ko dahilan para tumigil silang kumain.
"What are you trying to do? I said I'm not hungry, bakit ba pinipilit mo mga bagay? Kailan ka ba makakaintindi huh? Why are you always invalidating my feelings?! I asked angrily at ibinalik ang plato.
Nakita kong puminta ang sakit sa mukha nya.
"Shhh Sab. It's okay pinapakain ka lang nya no need to get mad." Pagpapakalma sa akin ni Anna.
Nakita ko ang mga tulalang mukha ng mga kaibigan nya. I guess they didn't expect this scene.
I'm trying to hold my tears dahil naiiyak na ako. I get it, I get na concern lang naman sya pero ayoko. Ayokong maramdaman ang pag aalala nya. Ayoko lalong maguilty. Ayoko ng saktan pa si Van. I'm mad at him for everything. But when he acts like this, when he acts like I'm important lalo akong nagagalit. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang na magulo na ang lahat? Bakit hindi dati?
"Fuck it!" Ani nya at tumayo.
Nagulat sila sa naging reaksyon nya. Pero hindi ako.
"Where you going bro? Hindi mo pa nagagalaw pagkain mo." Saad ni Lawrence.
Hindi pa sya sumusubo. Dahil inuna nya ako. But I didn't ask for it.
"Fuck the food!" Kinuha nya ang payong sa gilid at agarang umalis.
Yan. Ganyan nga. Magalit ka. Mas gusto ko pa ang mga ganyang reaksyon para hindi ako naguguilty.
I mean I shouldn't be guilty at all. Sya naman yung naunang nanakit. Binabalik ko lang para tumahimik na.
BINABASA MO ANG
He Ain't For Me
Teen FictionUnhealed by the breakup with her boyfriend, the 20 year-old Samantha returned to the Philippines to finish her studies after moving to California for 2 years to start over. As she makes every attempt to go through the challenging experiences in th...