8

118 12 0
                                    

Kabanata 8

Kung kanina sa labas ay lubos na nasasaktan ako ngayon naman dito ay lubos na naguguluhan ako.

Galit na galit ako ngayon sa babaing nasa harapan ko. I wanted to slap her para mahimasmasan sya.

Hindi pa nito nasasagot ang tanong na ibinato sa kanya ng magsimulang magsalita ulit si Anna.

"Oh wait wag mo na palang sagutin dahil alam naman nating lahat ang mga kasagutan. Samantha didn't do you any wrong, she never even talked to you, you just simply hate her existence because she's getting the attention you are dying to have. Dahil gusto mo ikaw naman ang puruhin ng mga tao but sadly hindi ka makita dahil lahat sila nakatingin kay Samantha." Ngumisi sya at tinignan si Alyanna direkta sa mata. Sobrang pula nya ngayon at nanlilisik ang mata sa galit at inis dahil batid kong natatamaan sya sa sinasabi ng kaibagan ko.

"Bitch, let's face it, kahit anong gawin mo, kahit anong masasakit na salitang ibato mo sa kanya at kahit umiyak kapa ng dugo, it will never change the fact that Samantha dela Vega is the face of Middleton University while you are still a nobody. Isasaksak mo yan sa ulo mong walang laman." Dagdag pa nito habang dinuduro- duro.

Napaawang ang bibig ko dahil sa mga sinabi nya. Oh my god.

Tinignan ko ang reaksyon ni Alyanna at isang kalabit na lang ay susugod na sya. She looks insulted pero pilit nya itong itinatago. At nakita kong nagsisimula ng magtubig ang kanyang mata.

Ibinaba ni Anna ang kanyang kamay at kinuha ang nahulog kong lipstick kanina.

Gusto kong maawa sa pinapakitang reaksyon ni Alyanna dahil panigurado akong nasaktan ito pero hindi ko magawa dahil hindi parin humuhupa ang inis ko sa kanya at mas nasaktan ako sa sinabi nya.

Hinigit ako ni Anna palabas pero bago tuluyang makalabas ay may sinabi pa ito.

"Nabakalubha ng sakit mo, nakakamatay ang inggit nawa'y mamayapa kana."

Iniwan namin itong nakangaga at dali dali kong hinarap si Anna na ngayon ay tawang tawa.

"Did you see her face? My god! Priceless!" Ani nito.
Binitawan nya ang kamay ko at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"Bakit mo naman ginawa iyon? Napasobra naman ata?"

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"What? After what she said to you? Kulang pa nga iyon." Umiiling iling ito at tinigil ang ginagawa.

"Sana hinayaan nalang natin." Mahinang sabi ko.

Medyo sumama ang loob ko ng makita ko na naiiyak sya kanina.

"Bagay lang iyon para mahimasmasan sya."

I never thought na naiingit sa akin si Alyanna. Hindi ako aware na may tao pala akong nasasaktan kahit hindi ko naman kagustuhan.

I feel bad for her. Sana marealize nya na hindi naman ako dapat kaiingitan at wala syang dahilan para mainggit.

"But thank you for always defending me. I appreciate it." Ngumiti ako sa kanya at nakita kong nabura ang pagka kunot ng noo nya at unti unting sumilay ang ngiti sa labi.

"Pero ayaw mo pa ba talagang umuwi?"

Bumalik ako sa realidad ng tanungin nya ulit ako. Oo nga pala may mas malaking problema akong dapat harapin.

Napawi ang ngiti ko at umiling.

"Maybe I should face him now dahil baka pag sa ibang lugar ko pa sya makita ay hindi ko makayanan."

Nagpipigil lang ako kanina dahil maraming tao at birthday ng girlfriend nya pero baka pag sa ibang pagkakataon ay sumabog nalang ako bigla.

I feel like I'm about to break down but I keep reminding myself na hindi nya pwedeng malaman na hanggang ngayon ay nasasaktan parin nya ako.

He Ain't For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon