Kabanata 7
Inalalayan nya si Van paakyat sa stage at patuloy parin ang tilian ng mga tao. They both look good together.
May naramdaman akong humaplos sa likod ko.
"Do you wanna go home?" Anyaya nya sa akin.
"It's okay Anna." Sabi ko
Kahit hindi naman talaga okay. I will never be okay with this situation. Sinong magiging ayos lang na makita ang taong sobrang minahal mo na may kasamang iba? And to make it even worse is yung bagong kaibigan mo pa ang pinalit sayo?
Damn it.
Nanginginig pa rin ako habang nakakapit kay Anna.
"I've run out of words to describe you tonight." Sabi ng host.
Namula naman si ito at kumapit sa bisig ng katabi.
"Can you give a message to everyone who's here?"
Binigay ng host ang mic sa kanya. Lumandas ang tingin nya sa bawat mesa na nandirito.
"I would like to say thank you to each and everyone of you for coming tonight. You already made my night by coming here, thank you so much and let's enjoy the night." Short but sweet ang mensahe nya.
Akala ko mag sisimula na ang party pero hindi pa pala dahil mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang magsimulang tanungin ng host si Van.
"And who's this handsome young man beside you? Mind sharing his name?"
Aniya at tumingin sa katabi ni Van na parang nagpipigil pa ng kilig.At doon ko sya tuluyang napansin. Mas lalong nadepina ang kanyang katawan, at mas tumangkad kumpara noon. His perfect face can make anyone drool.
Tinignan ko ang reaction nya.
I don't see anything. Blanko. Nakatingin lang sya ngayon sa dagat ng mga tao. That's the thing about him ang hirap basahin nang nasa isip nya, sobrang dalang lang nyang magpakita ng emosyon kaya hindi mo alam kung masaya ba sya o malungkot, galit, naiinis o nagseselos. you just don't know. Pero sa loob ng mahabang panahon na kasama ko sya ay namemoryado ko na ang bawat galaw nya. He's only showing his real emotions pag kaming dalawa na lang. At ngayon ay wala akong makita, ewan ko lang na baka sa mga oras na nawala ako ay ang pagbabago nya. Baka mali ako ng interpretasyon.
"Oh he's my boyfriend." Ani Van. She looks so proud and not even a second I saw her smile drops.
"Ayieeeeee" reaction ng mga nandirito.
Even my friends are smiling widely. They all look so happy. Am I bad if I don't feel the same? I can't even smile.
"It's your turn young man." Ani ng host.
Tumango lang sya at kinuha ang mic mula kay Vannessa.
"What's your name?" Tanong nito.
"Blaze Archer Evans." Sagot nya.
Napapikit ako ng bangitin nya ang kanyang pangalan. Gusto ng kumawala mga hikbi ko kaya sobrang kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang sarili kong humgulgol dito at pagpyestahan ng mga tao, nalalasahan ko na pagdugo nito.
Damn his name. That's the most beautiful name I've ever heard in my whole life. Kapag naririnig ko ang pangalang yan ay iba't ibang emosyon ang aking nararamdaman. Kung dati ay sobrang saya ko ngunit ngayon ay parang sinasaksak ako. Malungkot pero nagingibabaw ang sakit at may kaonting galit.
Pero kahit anong pagkagat ko sa labi ko ay tinatraydor ako ng mga luha ko.
Dali dali kong pinunasan bago pa nila makita.
BINABASA MO ANG
He Ain't For Me
Teen FictionUnhealed by the breakup with her boyfriend, the 20 year-old Samantha returned to the Philippines to finish her studies after moving to California for 2 years to start over. As she makes every attempt to go through the challenging experiences in th...