Kabanata 9
Uupo na sana ako sa may gilid ng biglang may humigit sa kamay ko. Nagulat ako kaya mabilis akong humarap ngunit sa hindi inaasahan ay natapilok ako pagka ikot. Pero bago pa ako tuluyang bumagsak sa lupa ay may pumalupot na mga braso sa aking bewang.
Napatili naman si Anna dahil akala nya ay babagsak ako. Buti nalang talaga at may sumalo sa akin.
Itinaas ko ang aking paningin sa may ari ng mga braso at laking gulat ko na makitang si Francis iyon. Nagkatitigan muna kami bago sya mag salita.
"I'm sorry Sab, hindi ko akalaing magugulat ka." Mahigpit ang hawak nya sa akin na parang anytime ay babagsak ako.
"No, it's okay haha muntik na ako don." Pag papagaan ko sa atmospera dahil napaka seryoso nya na parang ang laki ng kanyang kasalanan.
"Ehem"
"Sweet!"
"Bagay!"
"Ship!"
Napa layo ako sa kanya ng marinig ang ibat ibang komento galing sa aming mga kaibigan. Namula naman ang mga pisngi ko dahil sa hiya. Gosh. Napatingin ako kina Van at nakitang may malapad na ngiti sa kanyang labi habang naka salubong naman ang kilay ni Blaze habang nakatingin sa akin. Mabilis pa sa kidlat na inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil nag sisimula nanamang humurenda ang tibok ng puso ko.
Hindi ko na natanong kung bakit hinigit ako ni Francis dahil nag simula na ang mga performances na hinanda ng banda.
Umupo ulit kami sa dati at pinakinggan sila.
It's an air supply medly. Napag alaman ko din na ito ang favorite band ni Vannessa.
Sumasabay sa kanta ang mga lalaki habang tumatawa naman ang mga girls dahil halos isigaw na nila ang lyircs.
Sobrang nag eenjoy sila. Sana ako din.
It's still astounds me how nobody in here has realized how sad I actually am.
Maybe Anna and Francis but then why do I feel like no one understands how sad I actually am. They just thought I'm sad pero wala silang ideya kung gaano ako kalungkot.
But then I appreciate them for always checking up on me.
Lumipas ang mga minuto na masayang nakikikantahan ang lahat habang ako ay nakatingin lang sa stage ni hindi ko nga ma absorb ang kinakanta nila. Kung dati siguro ay nakikisabay na din ako.
I wanted to be happy, I wanted to feel okay, dahil parang hindi ko na alam ang pakiramdaman ng mga iyon. For the past years all I was feeling is pain. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako ulit sumaya gaya ng dati.
My family made sure they were there when I needed them most and kahit papaano ay naibsan naman ang nararamdaman ko. Ginugol ko sa pag aaral ang mga oras noong nasa Cali pa kami. Ni hindi ko nga binuksan ang mga social media ko pagka dating namin doon. Tanging ginagamit ko lang ay face time upang makausap ang pamilya ko. Kaya wala akong naging balita sa kung anong nagyayari ngayon.
Napatalon ako ng may bumulong sa tenga ko.
Aatakihin ako dito bago pa matapos ang gabi.
Hinawakan ko ang dibdib ko at hinarap si Anna.
"What?" Masungit na sabi ko.
"Chill." Natatawang sabi pa nya. Narinig ko naman na natawa din ang isa ko pang katabi.
"Bakit kasi? Do you want me to die? Kanina ka pa e." I rolled my eyes at ibinaba ang kamay ko.
"FYI Sab, Van kept calling you pero parang wala kana mang naririnig that's why I did that."
BINABASA MO ANG
He Ain't For Me
Teen FictionUnhealed by the breakup with her boyfriend, the 20 year-old Samantha returned to the Philippines to finish her studies after moving to California for 2 years to start over. As she makes every attempt to go through the challenging experiences in th...