Kabanata 2
Have you ever wondered how something was just fine yesterday but suddenly it turned into something you least expected today? Because I do. I always do.
Samantha dela Vega or Sab dela Vega is the girl everybody wanted to be, she's pretty, she's smart, she's kind, she's rich and she got everything.
Those are the words I always hear when it comes to describing me.
I was famous here because I was an achiever. I was also held as Miss Middleton University last 2017. Hindi na bago sa akin yung may nakakakilala kahit hindi ko naman kilala just like the girl a while ago.
I am God's favorite, said the people who didn't know me at all.
But that's not true. I am blessed and lucky but not God's favorite. Lahat tayo favorite ni God so paanong ako lang? Hindi ko din maintindihan yung mga tao. My friends used to tease me as the chosen one, as the lucky one, kaya hindi na ako nakikipagtalo sa kanila because I realized they were somehow correct. Truth be told, I was super lucky. Pero hindi lahat nag tatagal, kaya kung gaano ako kaswerte noon sya namang ikinamalas ko sa mga nagdaang taon.
"Earth to Sab!" Halos mapatalon ako ng may sumigaw sa tenga ko.
"Gosh Anna! Pwede bang wag kang sumigaw?" Iritang sabi ko habang tinatakpan ang magkabilang tenga.
"Gosh Samantha, pwede bang wag kang nag dadaydream?" She mimicked me. Ugh ang sakit nya sa ulo. I rolled my eyes and signal her to continue.
"So as I was saying, kailangan nating makaganti sa babaeng yon kanina. Huh! Akala nya sino sya. Ni walang taong umapi sa atin dito, sya lang. Ang lakas ng loob, ang pangit naman!"
Nakasalubong ngayon ang kanyang kilay. Natawa naman ako sa huling linya nya."Just let it pass. Magsasawa din yon." Kumuha ako ng fries sa mesa at sinubo iyon.
Nasa cafeteria kami ngayon dahil break time at isa nalang subject bago uwian pero hindi nakami nakatiis kaya kumain nakami dito.
"Anong let it pass ka dyan. That's not gonna happen. Not until she suffers from calling us names!" Di talaga susuko ang isang to. Ininom ko yung iced tea at hinayaan sya mag sabi sabi.
Tinignan ko yung buong canteen, mukhang wala naman masyadong nagbago. Hindi naman dito yung canteen namin pero kumakain din ako dito pag minsan. Kase sa mga college lang naman talaga ito at kung high school ka kakailanganin mo pang maglakad ng pagkalayo layo para makaranting sa building na 'to.
Natawa ako sa naalala ko bigla.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Mataray na tanong nya.
Inubos ko muna yung fries at pinagpagan ang kamay bago nagsimulang mag kwento.
"Remember noong high school pa tayo, lagi mo kong niyayaya dito para lang makita crush mo?"
A smile formed into her lips. Umiling iling pa.
"Na halos araw arawin natin ang pag punta dito para lang masilip mo sya. Halos itaboy na tayo noon ng mga kaklasi nya kase sawang sawa na silang sagutin yong tanong mo."
"Asan si Matthew? Nakita mo ba si Matthew?" Panggagaya ko pa sa desperadong tono nya.
Mas lalo akong natawa ng makitang sumalubong ang kilay nya.
"Yah! Stop, nakakahiya na." Nakangusong reklamo nito.
Pero hindi ko sya pinakinggan at pinagpatuloy pa.
"One time, nagalit kapa sa akin kasi hindi kita sinamahan papunta sa kanya, kaya hindi ka na lang din pumunta sinabi ko naman na masakit yung paa ko kakapractice sa pageant pero hindi mo parin ako pinakinggan, hindi mo ko kinausap noon buong maghapon kasi sabi mo ng dahil sa akin kaya parang namatay yung puso mo noong araw na iyon dahil hindi nya nakita yung nagpapatibok nito." Ani ko at tumawa ng malakas. Napaka corny ng babaeng to noon and until now.
BINABASA MO ANG
He Ain't For Me
Teen FictionUnhealed by the breakup with her boyfriend, the 20 year-old Samantha returned to the Philippines to finish her studies after moving to California for 2 years to start over. As she makes every attempt to go through the challenging experiences in th...