27

28 1 0
                                    

Kabanata 27

Lumipas ang dalawang araw na hindi ko nasasabi kay Van ang gusto kong sabihin. She's so busy kaya hindi ako makatyempo.

It's Sunday ngayon kaya sinubukan ko ulit syang i-message pero hindi man ito na de-delivered.

Nang-aaya nga ngayon ang mga boys na mag hang out. Gusto daw nilang mag beach.

Sinabi ni Francis na sya na lang daw magsusundo sa akin. Si Anna naman ay susunduin ni Xander. Hindi ko din alam paano nya napapayag pero ganon nga.

I'm waiting ngayon sa sala dahil any minute ay darating na sya.

I am wearing a Zara ditsy floral slip dress and sandals.

They said we are going on Zambales. Pinayagan naman ako nina Daddy dahil friends ko naman sila and kasama ko si Anna.

It's 8 am and we gonna get there at 9:40 if there's no extended drive due to heavy traffic.

Sina Van at Mandy ay hindi daw makakasama. Mandy is not feeling well at busy naman si Vanessa.

Tumayo ako nang marinig ang busina galing sa labas.

Here he comes.

Pumanhik ako para kunin yung bag at nagpaalam kina Mommy.

Gising na sila pero hindi pa lumalabas sa kwarto. Nasagad ata sa trabaho kaya hanggang ngayon ay nakahilata pa rin.

Napangiti ako nang makita ko ang nakatayong Francis sa harap ng kotse.

"Hello, goodmorning." Bati ko at bineso.

Nagulat pa sya ng bahagya pero nakabawi din.

"Goodmorning Sab."

He's wearing a blue dakishi shirt and a beach shorts. May shades din na nakasabit sa harapan ng damit nya.

"You look gorgeous." Ani nito habang tinitignan ang kabuuan ko.

Namula naman ako sa hiya.

"And you look handsome." Bawi ko sa papuri nya. Pero totoo naman na ang gwapo nya.

Ngumiti sya sa akin at naglakad sa gilid upang pagbuksan nang pinto.

I mouthed thank you and entered the car.

Pagkapasok nya ay nagsalita ako.

"Nasaan yung mga iba? Hindi ba't sabay sabay tayo?"

"Naghihintay sila sa labas ng village nyo. Ayaw na nilang pumasok, ewan ko bakit." Saad nito at nagsimulang mag drive.

Weird naman nila bakit hindi pa pumasok.

Kinuha ko ang phone ko para i check kung may message pero wala pa.

At gaya nga ng sinabi ni Francis ay naghihintay ang apat na kotse sa harap.

"Bat ang daming sasakyan?"

Tumingin ako kay Francis.

"Gusto nina Andrew na magsolo kaya ganyan."

Tumango naman ako. Sabagay mayayaman sila kaya okay lang kahit magsayang sila ng gas.

Huminto muna kami dahil wala pa rin sina Anna ngayon.

He Ain't For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon