Kabanata 26
She is smiling at me "Goodmorning Sab! Gosh di kami nakapasok kahapon kasi may pina-asikaso si Mommy. But we are here na."
Umupo ako at ngumiti pabalik.
Composure Sab. You need to compose yourself.
"Goodmorning Van. Kaya pala wala kayo." Ani ko.
"Musta naman kahapon? Diba nasususpend din?" Mandy is now facing us mula sa kanyang upuan. Isa din to sa nakakakaba kasi alam ko nagmamasid na sya dati pa.
"It was fine, after two subjects umuwi na kami dahil iyon yung inannounce." Saad ni Anna at umusog ng konti sa tabi ko.
"Oww di kayo nag bonding ng mga boys?" Curious na tanong ni Mandy. Kinuha nya pa ang suklay at binrush ang buhok habang nakatingin sa akin.
"Hindi naman nakisabay lang namin silang kumain ng lunch then umalis na kami after." Pinaglaruan ko ang strap ng bag ko para hindi nila mahalata panginginig ng kamay ko.
"Ah I see. Yun lang?"
What is she implying? May alam ba sya? Or napa-paranoid lang ako.
"Yes, Mandy that's all. Bakit may iba pa ba dapat?" Balik na tanong ni Anna. She even smiled pero alam ko fake lang iyon. She then looked at me and tinaas baba nya mga kilay nya.
"I was planning to invite you guys pa naman sa house pero di kami nakapasok kahapon, kaya pwede ba mamaya, after class? Or may gagawin kayo?" Tanong ni Van.
Oh my God iniiwasan ko nga sya tapos iinvite pa nya ako sa house nya?
"Uhm ah eh kasi" Hindi alam ni Anna ang sasabihin maging ako ay hindi makasagot sa tanong nya.
"What? May ibang lakad ba kayo?" She said sounding kinda sad.
"We have a plan kasi nina tita mommy, uuwi sila ngayon. Right Sab?" Tumingin sa akin si Anna.
We don't have plans pero yes uuwi sila Mommy ngayon pero wala kaming usapan tungkol doon.
Tumango ako "Yes Van e. Later uwi nila." There I lied again. It was a white lie pero kahit na, pati si Anna nagsinungaling na para sa akin.
"Ah ganon ba. Okay sige next time nalang. Nakakalungkot kasi kami lang dalawa ni Mandy e." Bigkas nito. Ramdam mo yung lungkot sa boses nya.
"Why? Saan ba si Blaze, why don't you ask the boys to hang out I'm sure they would love to."
Sumangayon naman ako kay Anna.
"Well they are not on good terms. At ayaw naman nyang imbitahin ang mga boys kung wala si Blaze, I mean he's their friend and awkward naman kung ganon. Ewan ko ba kay Blaze parang may tinatago."
I don't know pero I can feel something the way Mandy speaks. Parang she's provoking.
"You still not okay? Ang tagal nyo nang ganyan diba?" Anna asked innocently.
You know why. And I know too.
"Let's stop talking about him. Nakakawala ng mood." Ani ni Van at kinuha ang phone sa bulsa.
Akala ko ba inayos na ni Blaze lahat pero bakit maytampuhan pa rin sila?
"I'm sorry." Nahihiyang bigkas ni Anna.
Binasa ko ang labi ko dahil nanunuyo ito sa tensyon.
"I'ts fine, just don't bring him up again next time." She said at may pinakita kay Mandy.
Humarap ako sa katabi ko at nagbuntong hininga na lang sya.
I really need to tell her baka maunahan pa ako. Mas gusto ko na sa akin mangaling kesa sa iba pa nya malaman.
BINABASA MO ANG
He Ain't For Me
Teen FictionUnhealed by the breakup with her boyfriend, the 20 year-old Samantha returned to the Philippines to finish her studies after moving to California for 2 years to start over. As she makes every attempt to go through the challenging experiences in th...