Vincent Basdien
***
"Hi, Tala!" kinaway ko ang kamay ko at matamis na ngumiti sa kaniya. Kasalukuyan ko kasing hinihintay ang ID ko na itinext ko kay ate Vanice at sakto naman na dumaan si Tala sa harapan ko.
At katulad ng inaasahan, inarapan niya ako at dire-diretsong naglakad papasok sa school. Nagkibit balikat ako at sumipol-sipol habang tinitingnan ang mga estudyanteng papasok sa school.
"Uy, pre!" nakipag-fist bomb ako kay Tristan na ngumunguya pa ng bubble gum.
"Anong strand ka?"
"Humms. Ikaw, pre?"
"Humss din. Nice! Nice! Baka magkaklase tayo!"
Tumawa ako at nakipag-apiran sa kaniya. Ayos lang naman kung maging kaklase ko siya. Hindi naman ako maselan sa kaklase.
"Tara na!" tapik niya sa balikat ko.
"Wala akong ID. Hindi ako pinapapasok ni manong guard."
"May magdadala ba ng ID mo ngayon, pre?"
Tumango ako.
"Na-text ko na si ate Vanice, pre. Baka parating na rin 'yon."
Tumango din siya. "Sige, hanapin ko lang classroom ko."
"Pakitingnan din kung magkaklase tayo!" pahabol kong sigaw at kinaway lang niya ang kamay niya hang patakbong naglalakad papasok sa school.
Ilang minuto lang mula nang umalis si Tristan ay dumating na rin si ate Vanice. Pero siyempre, binatukan niya muna ako bago binigay yung ID. Ang galing. Parang nasira ata ang batok ko. Taena.
Sinuot ko na iyong id.
"Uy!" may biglang tumapik sa balikat ko. Muntik pa akong magkamali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa gulat. Anak ng?!
Marahas akong lumingon sa hangal na humawak sa macho kong balikat. Habang kunot na kunot ang noo.
"Tang— Sofia?" banggit ko.
"Kaklase mo sina Zenon ah. Nakausap ko sila kanina doon sa canteen." sabi niya. Sumabay na siya sa paglalakad ko.
"Ah. Saan ba banda ang classroom namin para 'di na 'ko mahirapan sa paghahanap?" nagbabakasali kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam. Nabanggit lang naman nila na kaklase ka nila eh. Eh kung puntahan mo na lang kaya sila sa canteen, baka nandoon pa rin ang mga 'yon."
Umiling-iling ako.
"'Wag na. Maghihintay na lang ako. Nakakatamad na bumaba eh." nakangiwi kong sabi.
Tumatango-tango siya at nagkibit balikat.
"Nga pala, nanliligaw ka pa rin ba hanggang ngayon kay Tala?"
"Oo. Kaso magpapahinga muna ako ngayong week, sobrang suplada eh." napakamot ako sa batok at bumalik lahat ng pagsusungit ni Tala na habang tumatagal ata ay lumalala. Imbis na mapaamo ko ay lalo lang nagiging galit.
Pero siyempre, hindi ako susuko. Gustong-gusto ko siya eh, kaya binabalewala ko lahat ng pagsusungit niya na minsan ay nakakakilig. Pasasaan ba at mapapaamo ko rin siya?
---
"Tala?!!" gulat kong usal nang makita siyang pumasok sa loob ng classroom.
Wait! Ibig sabihin, kaklase ko siya?!
Pwede ba 'kong kiligin ngayon? Hooooo, tangina. Hahahahaha!
Kumunot ang noo niya at inirapan ako. Okay. Masungit pa rin pero pesteng yawa, kinikilig ako. Woahhh.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)