Klea Beven
***
Hindi ako natinag habang sinasabunutan ang babaeng tumulak kay Eyan. Sinuntok ni Jenny 'yung mukha niya habang si Elise naman ay malakas siyang sinikmuraan. Habang mabilis namang lumipad ang kamao ni Vicca sa panga niya.
Hindi pa nakuntento sa kinalalagyan ng babae ay agad na sumugod si Jia gamit ang malaking bato na pinulot niya kanina. Hinawakan ni Sofia at Hale ang magkabilang braso nung babae kaya hindi siya makatakas sa amin.
"Hoy!" Napatapon ang isang fishball na isusubo ko na sana dahil sa sigaw ni Nena sa harap ko.
"Ano ba?" Irita kong sagot.
Nagtaka siya pero hindi na rin iyon pinagtuonan dahil mabilis niya akong hinila papunta sa bilihan ng isaw.
Nawala tuloy sa isip ko ang eksenang gusto kong gawin sa malditang babae na 'yun. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong gumanti sa kaniya. Gusto ko rin siyang itulak sa taas ng mataas na building. Mygod! Muntik na kayang makunan si Eyan, mabuti na lang at malakas ang kapit ng baby niya. Jusko, 'di ko ma-imagine ang mararamdaman ni Eyan kung nagkataon na nawala ang baby niya.
Nagulat ako at napatingin kay Nena nang kuritin niya 'ko sa tagiliran.
"Tangina naman, Nena," bwesit kong sabi.
"Libre mo nga ako, Klea. Balita ko nanalo ka raw sa lotto," aniya habang naghahanap ng masarap-sarap na isaw.
"Pa'no ako mananalo, eh 'di naman ako tumataya. Bobo mo," nakasimangot kong sagot.
"At saka, bakit ba sa'kin ka nagpapalibre? Nandoon si sofia oh, over there!" ngumuso ako. Sinundan niya iyon ng tingin at ngumisi sa akin.
"Nakahingi na rin ako sa kaniya eh, alam mo naman kayo ni Sofia, yayamanin," komento niya at humigop ng suka.
Hindi ko siya pinansin at binigay nalang kay kuya tindero ang bayad. Kumuha na rin ako ng dalawang piraso at kumuha ng plastic cup para lagyan ng suka.
"Hindi talaga natin masisisi si Eyan kung bakit siya maagang nabuntis," bulong niya sa akin. Kumunot ang noo ko at umingos sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo?" mataray kong ani.
Tumawa siya at tinuro ang direksyon ni Eyan at ni Anton na nagpakita rin sa wakas.
Noong sinugod si Eyan sa ospital ay dumating si Anton Cuevas at halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Saksi rin kami kung paanong pinadugo ni Tito ang gwapo niyang mukha pero makalipas ang tatlong araw ay naging maayos na silang lahat. Sa pagkakaalam ko ay nag-usap silang apat sa loob ng kwarto ni Eyan ng masinsinan. Simula noon ay lagi ng hatid at sundo si Eyan sa school.
Naging maayos na si Eyan. Hindi na siya laging tulala at malungkot. Glowing nga si buntis eh.
"Nagpabuntis agad si Eyan para wala ng kawala si Pogi," walang kwentang sabi ni Nena.
"Bobo, kapag nakakita ka ng kasing gwapo niya, magpapabuntis ka agad?" Umirap ako sa kaniya habang ngumunguya.
"Hindi, 'no! Gagayumahin ko siya." humalakhak siya sa sariling sinabi.
"Mas maganda ang plano ko kesa kay Eyan," dugtong pa niya.
"Panget ka na nga, baliw ka pa," komento ko.
Umakto siyang na-offend sa sinabi ko. Pagkatapos ay dinuro niya ang mukha ko.
"Wow, Klea. Sino kaya ang lumalandi sa isang kalaban ng section niyo?" Nakataas kilay niyang aniya.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)