•Kaguluhan 23•

359 30 2
                                    

Josrael Likan

***

Kumunot ang noo ko nang isang maliit na babae ang nagbukas ng pinto. Kumunot rin ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Sino ho kayo?" tanong niya.

"Sino ka rin?" tanong ko pabalik.

"Eh ikaw nga ang tinatanong ko kuya eh, sino kayo at anong ginagawa niyo sa bahay ni Lola Zen?" tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip sa tapat ng pintuan.

"Wala akong pangalan at wala kang karapatan na malaman kung bakit ako nandito," tinaasan ko rin siya ng kilay at inangasan.

"Aba't ang kapal naman ng mukha mo, kuya. Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko," nagbabanta niyang sabi.

Umingos ako at tiningnan ang maikli niyang binti at braso. Matapang 'tong pandak na 'to.

"Kuya Jos!"

Mula sa loob ay patakbong lumapit si Ziya sa'kin. Yumakap siya sa binti ko kaya mabilis kong siyang kinarga. Tinulak ko yung noo ng babae dahilan para makadaan ako sa pintuan.

"Aba't, walang modo!" matinis siyang sumigaw.

Sakto at lumabas si Zenon na nakabihis ng pangbasketball. Bagong ligo pa si gago.

"Ano ba 'yan, Joy! Ang ingay-ingay ng bunganga mo ang aga-aga. Tsaka, bakit ka ba nandito na naman?" Inis na sabi niya. Ngumisi ako sa babae na umirap lang sa akin.

"Nagdala akong lutong champorado ni Mama. Para sa inyong tatlo lang 'to. Bawal 'to sa mga bisitang walang modo," pasiring niya akong sinulyapan.

Napataas ang kilay ko at tumikhim ng malakas.

"Zenon, bakit ka ba nag-aampon na shitzu dito?"

Nagtaka si Zenon sa tanong ko habang tumitingin sa buong sala.

"Wala naman kaming alagang aso, gago. Kung ano-anung sinasabi mo dyan, gutom lang 'yan. Tara kain muna tayo," sinenyasan niya akong sumunod sa kusina pero kaagad akong hinarangan nung babaeng shitzu.

"Bawal kang kumain ng champorado ko," taas kilay niyang sabi. Muli kong tinulak ang noo niya. Bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kusina nina Zenon.

"Nasaan si Lola Zen?" untag ko kay Zenon na inaayos ang buhok ng kapatid. Binuhat niya rin ito at pinaupo sa katabing upuan.

Umupo ako sa tapat nilang magkapatid at padabog na umupob 'yung babaeng shitzuo sa tabi ko.

"Maagang namalengke, alam mo naman na early bird ang lola ko," natatawa niyang sabi.

Kukuha na sana ako ng champorado nang agawin iyon nung babaeng katabi ko. Masama ko siyang tiningnan pero hindi niya ako pinansin at siya mismo ang naglagay sa plato ko.

"Hindi ako nagda-diet," komento ko nang makitang dalawang kutsara lang ang nilagay niya.

"Pasalamat ka nga binigyan pa kita eh," ismir niyang sagot.

"Aba, matindi," bulong ko. Tumingin ako kay Zenon na nagtatakang nakatingin sa aming dalawa.

"Sino ba 'tong shitzuo na 'to?" umingos ako sa katabi ko.

"Sinong shitzuo? Si Joy ba?" takang tanong ni Zenon habang naglalagay ng gatas sa pagkain.

"Hoy! Ang ganda ko para maging aso, kapal ng mukha mo!" Sinuntok niya ako sa braso. Hindi ako makapaniwalang napahawak doon dahil feeling masakit ang suntok niya.

"Ganda? Ipakita mo naman sa'kin, 'wag puro paa," ngumisi ako habang tumatalim ang tingin niya sa akin.

Nagulat ako, pati si Zenon nang hablutin nung babae ang platong may laman na champorado at bigla na lang ibinuhos sa ulo ko.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now