Adam Reyes
***
Napatigil ako sa pagpupunas ng pisara dahil may tangang bumato sa ulo ko. Tumingin ako sa likuran ko at doon ay nakita ko ang mga gagong nagbabatuhan ng mga binilog na papel.
"Tangina niyo! Paano tayo makakauwi ng maaga kung hindi pa kayo naglilinis?!" sigaw ko at saka binato ang pambura sa mukha ni Vincent. Nasapul ang gago.
"Feeling president si Adam, ampota." komento ni Iguel kaya binato ko siya ng chalk na nadampot ko.
"Uwing-uwi na 'ko mga gago," tumalikod na 'ko at hinila ang telang pangtakip sa blackboard.
"Bahala kayo dyan. Basta tapos na ang na-assign sa'kin." pabulong-bulong kong sabi habang inaayos ang gamit.
"Huy, traydor! Wala munang uuwi!" hinablot ni Dino ang bag ko. Nagpumiglas ako at binatukan siya. Kanina pa ako reklamo ng reklamo na maglinis na sila tapos nung uuwi na ako ang kapal ng mukhang magreklamo.
"T*ngina niyo talaga," gigil kong bulong at padabog na umupo sa malapit na silya. Mabuti na lang at mabilis din silang kumilos dahil kung hindi ay aalis na talaga ako. Nadadamay akong gabihin umuwi dahil sa katamaran nila!
"Uy! Bili muna tayo ng siomai doon sa bagong nagtitinda narinig kong masarap daw ang alamang doon!" masayang sabi ni Dino at halos lahat sila ay sumang ayon. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama at bumili rin.
"Nga pala, may narinig na ba kayong balita tungkol kay Eyan? Halos ilang linggo nang 'di pumapasok yun ah?" biglang tanong ni Kian na ngayon ay napaso ng mainit na siomai.
Tanga-tanga, basta na lang sinusubo.
"Oo nga 'no. Ngayon ko lang ulit naalala si Eyan," tatango-tangong sabi ni Dino na pangalawang batch na ng siomai ang nilalantakan.
"Yuck, fake friend ka pala Dino," mapanghusgang tiningnan ni Iguel na siegundahan nina Sean at Rence.
"Nawala na kasi sa isip ko mga tanga. May problema rin akong iniisip lagi," pagdepensa sa sarili ni Dino at agad na bumwelta si Sean sa kaniya.
"Baka pinoproblema mo kung anong ulam niyo sa gabi palagi?" nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya.
Napasimagot si Dino at pabiro na malakas niyang sinuntok ang dibdib ni Sean.
"Gago, amputa."
"Eh kung puntahan natin sa kanila si Eyan?" isiningit ni Henry ang sarili niyang suhestiyon.
"Ngayon?"
"Bukas na lang, isama natin sima Sofia para masaya," sumingit sa gitna si Vincent kaya tinulak ko ang mukha niya dahil halos sumobsub na siya sa'kin.
"Oo nga, para sila na rin ang magdala ng dadalhing meryenda," dugtong pa ni Chris na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.
"So, saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Kian.
"Uuwi na 'ko, ginagabi ako dahil sa inyo mga gago." napalingon kaming lahat kay Zenon at naglalakad na siya paalis.
"Ako rin. Adios mga amigo!" sigaw ni Leo at saka mabilis na tumakbo.
"Aalis na rin ako mga madehfakeh!" nagdirty finger muna si Vincent bago kumaripas ng takbo.
Hanggang sa nagkaniya-kaniya na kami ng alis mula sa stall. Hindi ko nga alam kung nagbayad ba sila. Mga anak ata sila ni Lucifah.
---
"Anong nangyare?" napatigil ako sa pagnguya dahil sa biglaang pagkukumpulan ng mga gagu sa pwesto ko.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)