•Kaguluhan 31•

408 28 1
                                    

Josrael Likan

***

Mabilis akong napatigil nang may humila sa laylayan ng damit ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa Henyeon Park para mag-isip isip ng kung ano-ano lang. Pero, ito't may biglang nambulabog sa maganda kong pagsesenti.

Pagharap ko sa taong may hawak ng laylayan ng damit ko ay bumungad sa akin ang mukha ng babaeng nakita ko kina Zenon.

Si pandak!

"Ikaw?" nanlalaki ang mata ko.

"Hehe, ako nga," natatawa niyang aniya at bahagya pang lumapit sa'kin kaya naman umatras ako ng isang hakbang sa kaniya.

"Anong katangahan 'to? Bakit nandito ka? Bakit mo 'ko nilalapitan? Close ba tayo, ha?" nakangiwi kong tanong at pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa damit ko.

Pvta, balak niya pa atang hingin ang bagong biling tshirt na 'to. Hindi pwede. Bigay sa'kin 'to ni Papa.

"Teka, dami mo naman tanong. Pwede bang sa tabi mo muna ako? Mga 10 minutes lang, pleasee!" at ang depungal, nagbeautiful eyes pa sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kaniya at malakas na tinabig ang kamay niya.

"Teka lang ha, sa pagkakaalam ko kasi hindi naman tayo close," sarkasmo kong aniya.

Agad na nanulis ang nguso niya at lumapit pa sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n.

"Ayan, close na tayo hehe. Pwede na ba magstay ng 10 minu—"

Biglang may dumating na lalaki at hinila ang kamay ni pandak. Muntik pa nga na sumubsob sa semento ang mukha niya.

"Nandito ka lang pala, love. Kung saan-saan ka pumupunta," ani nung lalaki at nagpakawala buntong hininga.

Napansin ko ang pagkagat labi ni Pandak at ang pangingig ng kamay niya. Nakayuko rin siya at hindi makatingin sa mata ko at kahit sa mata nung lalaki.

"Sorry sa abala, p're. May sakit lang talaga kasi ang girlfriend ko sa utak kaya palaging tumatakas sa akin," sinserong sabi nito sa'kin dahilan para mangunot ang noo ko.

Ano raw? Sakit sa utak? Gago ba 'to?

Mabilis na nag-angat ang tingin ni Joy at makahulugang tumingin sa'kin at bahagyang umiling.

Shit! Ang gusto ko ay tahimik na gabi lang. Bakit kailangang idawit ako rito? Dapat ililibre ako ng babaeng 'to mamaya sa motel.

Hinila nung lalaki sa braso si Joy patalikod sa'kin kaya mabilis kong hinawakan ang kabilang braso ni Pandak. Parehas silang natigilan at tumingin sa'kin.

Ang ekspresyon ni Joy ay gulat habang ang sa nobyo naman niya ay kumunot lamang ang noo.

"Bitawan mo ang girlfriend ko, p're."

"Bakit? Inutusan kasi ako ng nanay niya na ako dapat ang maghatid sa kaniya sa kanila," cool kong sabi habang tumitingin sa paligid.

Mabuti naman at walang masyadong tao. Walang magvivideo at mag-a-upload sa social media. Imbis na umawat kasi mas uunahin pang kuhanan ng picture o video. Hayst, mga utak talaga nila hindi maintindihan.

"Ako dapat ang maghahatid sa kaniya dahil ako ang boyfriend niya," sagot naman ni gago.

Ano bang ipapalusot ko rito? Sinabi ng sinabihan ako ng nanay eh, bobo talaga.

"P're, hinabilin kasi siya sa'kin ng nanay niya," mahinahon ko sagot kahit na nangangati na ang kamao kong suntukin ang matigas niyang mukha.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now