Henry Oson
***
Tumakbo ako papunta sa kanang bahagi ng court at mabilis akong hinabol ng nagbabantay sa akin. Hindi tuloy makakuha ng magandang tiyempo si Zenon na ipasa ang bola.
Ipinasa niya na lang kay Kian na mabilis tumakbo papunta sa ring. Akmang isho-shoot na sana kaso biglang naagaw ni Yuan ang bola.
Naging maingay sina Jenny at binelatan pa kami nung tumingin kami sa kanila. Samantalang, sa kabilang dako naman ay patuloy sa pagchi-cheer nina Nena kasama si President at iba pa.
Mabilis na hinagis ni Yuan ang bola papunta kay Paul na agad itinakbo papunta sa kabilang ring ang bola. Umakto pa siyang isho-shoot ang bola pero bigla niya itong ipinasa sa isa sa mga ka-team niya.
Dalawang puntos ang nadagdag sa kanila. Lamang sila ngayon ng apat na puntos. 2nd quarter pa lang kaya may oras pa kami para humabol.
Itinakbo ni Adam ang bolabat mabilis na tumira.
Naghiyawan sina Nena at halos mahulog sila sa bleachers nang magthree points si Adam. Isang puntos na lang ang lamang nila. Nag-apir kami nang magkalapit kami. Nagyabang pa si gago nung makalapit si Paul sa amin dahil bantay siya kay Adam.
"Yabang mo gago," bulong niya kaya mas natawa kami.
Naging seryoso muli ang laban. Parang biglang naging hayop sa loob ng laban si Josrael at Zenon. Halos silang dalawa lang ang palaging nakakapuntos.
Hanggang sa mag-4th quarter na. Fifty-nine seconds left.
67-67 ang score.
Kailangan lang naming makapuntos ng isa para manalo.
Pero hindi ata sang-ayon ang panahon ngayon dahil mabilis na natapos ang laban. Nakapuntos ang kalaban kaya naging lamang sila kasabay ng pagtatapos ng oras.
Nagtapikan kami sa balikat habang umiinom ng tubig at nagpupunas ng pawis. Humihingal akong umupo sa bleachers at pinagmasdan ang kabilang grupo na nagyayakapan.
Saktong lumingon sa amin si Yuan at nagdirty finger. Pinakitaan ko rin siya g gitnang daliri.
---
Isang linggo na ang lumipas mula nung intramurals.
Bumalik sa pagpasok si Eyan at naging laman siya ng usapan sa buong school. Wala kaming magagawa dahil hindi naman pwedeng tahiin ang bibig nila.
Totoo naman na buntis si Eyan. Hindi iyon chismis na Fake News. May katotohanan at alam din ni Eyan na mangyayare ang bagay na ganito.
Bumalik ang lahat pagkatapos ng intrams. Lecture roon, lecture rito. Quiz doon, quiz dito. Nakakaumay pero ayos lang.
Nagkekwentuhan kami nina Dino dahil wala pa ang kasunod na subject teacher. Pinag-uusapan namin ang gagawing pag-oovernight kina Vincent mamayang gabi.
"Kaniya-kaniyang dala ng unan at kumot, wala kaming maraming stock sa bahay, gunggong," Bwesit na sabi ni Vincent dahil hanggang ngayon ay tutol pa rin na sa kanila mag-overnight.
"Gusto mo magdala pa kami ng kama eh," Tumawa si Leo sa sarili niyang sinabi.
"Nandoon ba sina ate Vanessa at ate Venice?" Tanong ni Sean.
Tumango si Vincent habang nakabusangot ang mukha. Mukhang pato, amputa.
"Iyong girls ay mag-oovernight din kina Sofia," Pagbibigay impormasyon ni Iguel na nakatutok ang mata sa cellphone. Mukhang kausap niya ang mga girls sa group chat.
"Kina Sofia na lang ako sasama, maraming pagkain doon!" Nagtaas ng kamay si Dino at kumindat sa amin.
Binatukan siya ni Kian.
"Traydor ka na nga, patay gutom ka pa," Ismir nitong sabi habang napakamot na lang sa ulo si Dino.
Pagkarating ng uwian ay nagkaniya-kaniya ng kaming uwian dahil una sa lahat, kailangan ko pang magpaalam sa Nanay kong mahirap lambingin.
Nadatnan ko si Mama na nanunuod sa sala ng inaabangan niyang telenovela sa TV. Nagbihis muna ako ng damit bago tumabi sa kaniya.
Minasahe ko ang kamay niya habang nanunuod sa tv. Maya-maya ay ang kaniyang binti naman.
"Anong kailangan mo?" tanong niya. Matamis akong ngumiti sa kaniya at malambibg na niyakap ang braso niya.
"Nagyaya kasi sina Vincent, Ma," panimula ko.
"Ng ano?"
"Mag-oovernight kami sa bahay nila,"
"Kasama niyo ba ang kaklase niyong babae?" tinaasan niya ako ng kilay kaya mabilis akong umiling.
"Kina Sofia sila mag-oovernight. For boys lang ang pwede kina Vincent,"
"Sigurado?"
"100 percent sure!"
---
Kinabukasan, lahat kami ay puyat nang pumasok sa school. Pasado alas-tres na kami nakatulog kagabi dahil ang gugulo ng mga tarantado. Tapos, maaga pa kaming ginising ni ate Vanessa.
Ang sakit-sakit sa ulo dahil ibinagsakbkang naman niya ang kaldero sa sahig dahilan para biglaan kaming napaupo ng mga katabi ko.
Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko, pvta.
"Tara, bibili ng kape sa canteen," Pagyayaya ni Kian. Tumango ako at sabay kaming pumunta sa canteen.
Mabuti na lang talaga at nagtitinda ng kapeng barako dito. Siguradong magigising ang diwa ko pagkatapos nito.
Humihigop ako ng kape nang makita namin si Eyan na na-corner sa gilid. Hindi masyadong kita ang pwesto nila dahil papunta yung banyo.
Kumunot ang noo ko dahil sigurado akong taga-section M 'to dati.
Napansin din ni Kian kaya lumapit agad kami pero mabilis din nilang natulak si Eyan dahilan para mapaupo ito sa sahig.
Napatakbo na kami ni Kian at mabilis na hinila ang kwelyo nung babae na tumulak.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Sinamaan ko siya ng tingin pero, ang walanghiya nagawa pang ngumisi.
"Gusto lang naman namin malaman kung sino ang tatay ng baby niya. Mukha kasi 'di siya sure kung sino sa inyo," Humalakhak ito kasama ng mga kasama niya.
Kumunot ang noo ko at sinandal siya sa pader. Nanlaki ang mata niya at mukhang nasaktan sa ginawa ko.
"Hoy Henry, dahan-dahan lang. Babae pa rin 'yan," saway ni Kian na inaalalayan so Eyan tumayo.
"Hindi naman siya mukhang babae kaya okay lang," tamad kong sabi kaya hindi makapaniwalang tumingin ang babae sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya.
"Matagal na," umingos ako. Ang sakit sa tainga, amputs.
"Tangina, may dugo!" Mabilis akong napabaling kina Kian at agad kong nakita ang dumudugong hita ni Eyan.
"Pvta!" Mabilis naming sinalo si Eyan dahil bigla siyang nawalan ng malay.
Binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang babaeng tulala sa nangyare.
"Sumunod kayo," Tumingin ako sa kanilang tatlo bago lumanding ang tingin ko sa lider nila.
"Hindi ko naman sinasadya," bulong niya.
"Kapag nawala ang baby ni Eyan, papalitan mo,"
"Ano?"
"Bingi,"
***
(End of Kaguluhan 20)
Don't forget to vote and comment👉👈
Thank you for reading Section Z, hihi.
Anyway highway, stay safe everyone. Godbless.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)