Epilogo

851 38 6
                                    

Jennifer Santos

***

16 years ago...

June 4, 2013

First day of school, at grade seven na ako ngayon. Excited na ako dahil new classmates ang makakasama ko.

Grade 7- Section Daisy

Pumasok ako sa room nang may malawak na ngiti pero bigla na lang may lumanding na mabahong basahan sa mukha ko.

Tumigil ang ingay at lahat ay napatigil sa ginagawa nila. Maya-maya ay hindi na sila magkamayaw sa pagtawa habang nakatingin sa'kin.

Imbis na umiyak ay binato ko sa lalaking tawa ng tawa ang basahan. Sapul sa mukha.

Tumawa ako ng malakas pero, ako lang ang tumawa. Lahat sila ay nakatitig sa'kin kaya unti-unting nawala ang paghalakhak ko.

Pagkatigil ng tawa ko ay saka sila nagsitawanan. Napangiwi ako habang nasa pintuan pa rin.

"Hi! Ako si Sofia Villa. Ikaw anong pangalan mo?"  lumapit sa'kin ang isang magandang bata na may suot na pink na hairband.

"Ako si Jennifer Santos. Jenny na lang for short," masaya kong sabi at nakipagkamay sa kaniya.

Niyaya niya akong tumabi sa kaniya at nakipagkilala rin ako sa ibang batang babae.

"Ako si Eyan Perez, ang pinakamaganda,"

"Ako si Klea Beven, pwede mo akong tawagin na Klea pero huwag Lea dahil ayuko. Pinanganak ako sa hospital at 11 years old na ako at naniniwala sa kasabihang, kung kaya ng iba, edi wow. And I thank you!"

"Haba ng sinabi mo!"

"Wala kang paki!"

"Helloo, ako naman si Hale Suarez, Jenny."

Ngumiti ako ng ngumiti.

"Ako naman si Dianne Chemg, half chinese  at half pinoy."

"Elise Fernando is my name,"

"Vicca Diaz ang pinakamaganda sa school!"

"Ako naman si Jia Lendell, hehe"

"Ako si Nena Zios,"

Pagkatapos ng pagpapakilala nila ay may bigla na lang tumamang binilog na papel sa ulo ni Eyan. Lahat kami ay napalingon sa mga mayayabang na kaklase naminng boys.

Nakangisi sila habang nakatingin sa'min. Parang naghahamon sila ng away. Papatol ba talaga sila sa babae? Mga bakla.

Gumanti si Eyan pero hindi binilog na papel kundi isang bato. Kung saan niya nakuha ay hindi ko rin alam.

Hanggang sa nagpalitan ng batuhan at naging makalat ang buong room nang dumating ang adviser namin.

Nanlalaki ang mata ni Ma'am habang nililibot ang paningin sa classroom. Napahawak siya sa batok at pabagsak na umupo sa upuan.

Dumudugo ang noo nung isa kong kaklase na ang pangalan daw ay Josrael Likan dahil siya ang tinamaan nung batong ibinato ni Eyan.

Biglang tumayo si Ma'am at tumingin sa aming lahat.

"Everyone! Kumuha ng mga panlinis at linisin niyo ang kalat niyo!" sigaw niya.

Nagkaniya-kaniya kami ng kuha at nagkaagawan pa.

Pagkatapos namin maglinis ay isang oras kaming sinermonan ang adviser namin. Yung iba ay nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook, may iba naman na nakatulog na habang nagsersermon sa unahan si Ma'am.

Habang ako,

nakikipagkwentuhan ako kay Dianne at Vicca habang si Eyan naman ay inaayos ang buhok ni Sofia.

"HINDI BA KAYO MAKIKINIG SA SINASABI KO!"

---

Ganoon nagsimula ang lahat sa amin. Nagsimula sa walang katapusang pag-aaway hanggang sa mauwi sa pagkakaibigan.

Hindi ko naisip na sila, sila pala ang magiging kaibigan ko sa hirap man o ginhawa. Walang iwanan.

At ngayon na may kaniya-kaniya na kaming pamilya. May kaniya-kaniya na kaming buhay na kailangang pagtuonan.

Sa Henyeon Park. Marami kaming nagawang memories do'n.

Sa Sanginamue National High School kung saan magsimula ang lahat.

Hanggang dito na lang siguro ang Section Z pero ang pagkakaibigan namin ay hanggang dulo.

Sana, hanggang dulo.

***

The End.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now