📌📌📌
Pagpasensyahan niyo na ang mabagal na ud ko mga bhi3. Thanks for reading, voting and for the comment mga bhi3.Anyway highway, enjoy reading mga ka-tukmol. Lol!
***
Sean Sarmiento
***
Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nagsimula ang school year pero halos isang linggo na pala ang nakalipas. Masyado ata kaming natuwa sa bago naming mga kaklase at mga teacher at 'di na namin namalayan ang isang linggong lumipas.
"Kamusta, tol?" tanong Adam kay Gavin. Kausap namin si Gago este Gavin via video call sa messenger.
Nang biglang batukan ni Vincent si Adam.
Kinuha niya iyong cellphone at tinapat ang mukha sa screen."Mali kasi tanong mo, pre. Dapat english kasi taga-Canada 'tong kausap mo." sabi pa ni Vincent.
Napatango si Adam at hinayaan si Vincent sa pagkausap kay Gavin.
"So, how are you there in Canada?" pag-e-english ni gago.
"Tanga. Isang linggo pa lang ako dito, marunong pa ako magtagalog. Kitang kita ko dito ang pamimilipit ng dila mo, bobo." rinig kong sabi ni Gavin.
Nagtawanan kami at padabog na binigay ni Vincent ang cellphone kay Dino. Sinuklay naman ni Dino ang buhok gamit ang kamay niya bago hinarap si Gavin sa screen ng cellphone.
"Kamusta d'yan, Gavin?" kinaway niya pa ang kamay.
"Ayos lang. Nakakapanibago, puro english ang mga salita dito." rinig namin na sagot ni Gavin.
"Malamang, alangan naman na puro tagalog marinig mo d'yan." sabat ni Kian na nasa tabi ko. Siniko ko siya at siniko niya 'ko pabalik. Gago.
"Bobo mo, Kian." sagot ni Gavin sa kaniya kaya nagtawanan kami.
Kasalukuyan kaming nandito sa Henyeon park dahil kakatapos lang din naman ng klase. Mamaya pupunta kaming court para magbasketball. Medyo matagal-tagal na rin nung huli kaming naglaro. Gusto ko ng pagpawisan at maipakita ang galing sa basketball.
"Wala ka bang chix diyan?" sumiksik si Leo sa tabi ni Dino.
"Wala. Pero nandito yung mataray kong fiance." nakasimangot na ani ni Gavim sa kabilang linya.
"Akala ko next month pa 'yan susunod?" takhang tanong ko. Iyon naman talaga ang sinabi niya, diba?
"Akala ko nga rin eh. Pero paggising ko kanina, nandito na sila sa bahay. Tsk." naiinis na sabi niya.
"Titira kayo sa iisang bahay?" tanong naman ni Henry .
"Hindi pero magkapitbahay kami."
"Bantay sarado ka pala. Pero hayaan mo na, maganda naman yung taga-bantay mo eh." pang-aasar ni Iguel dahilan para magtawanan kami.
"Bobo m-ay tangina!" mula dito sa kinauupuan ko ay nakita ko ang pagbukas ng pinto sa likuran ni Gavin. Hinarap kasi sa'min ni Dino ang cellphone. Mula sa pinto ay sumilip si Alicia. Nakasuot ng blue dress at meron pa siyang suot na blue hairband.
"Don't shout, you little jerk." ani ni Alicia. Napatingin siya sa amin at bahagyang ngumiti at kumaway pagkatapos ay lumapit siya kay Gavin.
"Are you deaf, jerk?," mataray na bungad ni Alicia.
"I knocked on your door several times but you didn't answer-and by the way Tita said she want to talk to you." nakataas kilay niyang sabi. Para kaming nanunuod ng away ng mag-asawa.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)