Jennifer Santos
***
"Ma! Pahingeng 500!" halos umiyak na ako habang sumusunod kay Mama papuntang kusina. Kanina pa akong humihingi pero hindi niya man lang ako pinapansin.
Nakakasama ng loob 'to ah. Parang 'di ako anak.
"At ano naman naman ang gagawin mo sa 500, aber?!" tingnan niyo, galit agad. Nilalakihan pa ako ng butas ng ilong. Hmp.
"Pupunta nga ako ospital eh," sagot ko sabay padyak ng kanang paa.
"Anong gagawin mo sa ospital?"
"Mamamasyal lang ," pilosopo kong sagot kaya mabilis niya 'kong hinampas ng sandok.
Napatili ako dahil sa sakit. Gagi 'to si Mama, 'di na mabiro.
"Dadalawin lang namin si Eyan!" pahabol kong sagot habang sapo-sapo ang ulo na pinukpok niya.
Inismiran niya muna ako bago hinarap ang niluluto niya.
"Bakit? Anong nangyare sa batang 'yun?" tanong niya habang naghahalo.
Sumandal ako sa dingding at nakinuod sa ginagawa niya.
"Nanganak na siya kahapon. Lalaki raw ang baby," sagot ko.
"At bakit kailangang 500 ang hingin mo sa'kin? Kasya na ang 100 sa pamasahe mo," ingos niyang komento kaya napasimangot ka-agad ako.
"S'yempre kailangan kong magdala ng masusustansiyang pagkain para kay Eyan, 'di naman pwede na puro kagandahan lang ang dala ko do'n," ani ko dahilan para umismir sa'kin ang sarili kong ina.
Hindi supportive. Dugo't laman niya 'ko, haler?
Makalipas ang ilang taon na pang-uuto ay binigyan niya rin ako ng 300 pesos. Wala sa usapan pero ayos na rin kaysa sa hindi niya 'ko binigyan.
:(
May ipon pa naman akong pera, humingi lang ako para 'di mabawasan ang inipon ko. 'Kala ko kasi mailulusot ko ang 500, hays, 300 lang ang kinaya ng powers ko.
"Tanga, where are you na?" tanong ko sa kabilang linya kay Elise na kasabay ko papunta sa ospital.
"Sandali ah, traffic kasi ditong hinayupak ka," sagot niya at sa malamang ay kunot na kunot na ang noo niya ngayon.
Natatawa ako habang naghihintay sa kaniya sa Henyeon Park. Malapit lang kasi rito yung ospital kaya rito na ako maghihintay sa kaniya.
Sina Sofia kasi, bukas pa raw sila makakabisita kasi may pupuntahan sila ngayon. Hindi lang alam ang dahilan nung ibang hindi makaksipot.
"Shuta, na-stress ang kagandahan ko sa heavy traffic," napalingon ako sa kararating lang na si—Vicca.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko.
"Pupunta rin ako sa ospital," hinihingal niyang sagot. Magsasalita pa sana ako nang saktong dumating na rin si Elise na katulad ko ay nagtatakang tumingin kay Vicca.
"Mga gaga, bawal ba akong makisabay sa pagdalaw niyo?" ani ni Vicca na may halong hinanakit. Hinanakit sa kaniyang talampakan.
"'Di naman. 'Di mo kasi kami in-informed na sasama ka pala," sagot ni Elise habang inaayos ang nagulo niyang buhok.
---
"Hala! Pakarga ako!" nakanguso kong sabi habang nakatingin sa cute na cute na anak ni Eyan.
Ang taba ng pisnge ni Baby Ethan Mist Cuevas. Grabe, ang sarap itakas nito rito.
"Hindi ka naman marunong humawak ng baby eh!" sita ni Eyan na nakahiga at nanghihina pa rin sa hospital bed.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)