•Kaguluhan 17•

380 26 9
                                    

Dianne Cheng

***

Mabilis kong ininom ang tubig na ini-abot ni Jenny sa'kin. Kakatapos ko lang kasi maglinis ng room dahil isa ako sa mga cleaners, pati rin pala si Jenny.

"Nakakaumay," reklamo niya habang nakasalampak sa upuan.

Pasado alas-kwatro na ng hapon at yung iba naming ka-group ay umuwi na. Hindi rin kami hinintay ni Jia dahil mga fake friends sila. Samantalang kapag sila ang cleaners ay naghihintay kami ni Jenny.

"Mare, umuwi na tayo," pagyayaya ko dahil nakita kong pumikit siya ng mata. Balak pa ata dito matulog sa room. Mamaya, magpakita pa sa'min ang white lady dito. Shems, kakatakot!

Tamad na tumayo si Jenny at sabay kaming naglakad papunta sa gate. Magkaiba ang sasakyan naming jeep dahil magkaiba naman kami ng barangay.

Pero bago pa kami makalampas sa jeepnay ay natanaw na namin ang dalawang lalaking magkaparehas ang uniforn na tila nag-uusap. Ni hindi nga nila napansin na nakalapit na kami.

Nang makita ko kung sino ang isa sa mga ito ay biglang nagningning ang mata ko. Binilisan ko ang lakad ko at mabilis na humawak sa braso niya.

"Kanina ka pa?" nakangiti kong tanong. Akala ko kasi hindi niya 'ko masusundo dahil busy sila sa research nila.

"Kakarating lang namin," Aniya at tumingin sa kasama niya. Saka ko lang napagtuonan ng pansin ang kasama niya. Napaawang ang bibig ko dahil tumambad sa'kin ang seryosong mukha ni Ian Montenegro.

Wala sa sarili akong napatingin kay Jenny na humalukipkip sa isang tabi habang matalim ang tingin kay Ian.

Bumuntong hininga si Ian at lumapit sa nag-iinarteng si Jenny. Sus, pakipot muna bago rumupok.

"Shall we go?" napapitlag ako ng biglang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.

Alam kong namula ang pisnge ko kaya mabilis akong yumuko.

"Tara na." Yes. Makakalibre ako ng pamasahe! Bwahaha.

"Hoy! Iiwan mo 'ko?! Traydor!" sigaw ni Jenny pero 'di na ako nag-abala pang lumingon.

"I'll take you home," rinig kong sabi ni Ian. Napatawa dahil narinig ko ang pag-tsk ni Jenny. Paglingon ko ay naglalakad na rin sila paalis.

"Hindi kita masusundo next week," sabi niya pagkasakay sa driver seat.

Tumango ako. "Okay lang. Makikisabay na lang ako kina Jenny," sagot ko.

Tumango rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Habang nasa byahe, naisipan kong magbukas ng facebook at magtingin-tingin ng mga post.

Napatawa ako nang makita si Dino na nakasimangot habang sina Zenon ay tumatawa sa harap ng mukha niya.

Upload ni Iguel ang story kaya nag-HAHA ako. Sunod niyang story ay ang view sa Henyeon park. Mukhang napapadalas ang pagtambay nila sa park ah?

Medyo nakakamiss din ang mga tukmol pero ang sarap ihampas sa pader kapag nakasama mo na.

"Sino ang ka-chat mo?" napatingin ako kay Jaye at nakita ko ang nakakunot niyang noo.

"Wala akong ka-chat, pogi," sagot ko.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya ulit.

"Masama bang tumawa ang isang magandang ako?" Eksaherada kong tinuro ang mukha ko. Nakita ko kung paanong ngumiti ang labi niya kahit hindi labas ang mga mapuputi niyang ngipin.

Hay, kailan ko kaya makikita na tumawa ang isang 'to? Lagi kasing seryoso sa buhay.

"Jaye, tumawa ka." Seryoso kong sabi at baka sakaling mauto ko siya.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now