•Kaguluhan 28•

369 26 7
                                    

Eyan Perez

***

Seven months ago, pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng buong mundo. Ang kasalanan na nagawa ko pero sa kabilang banda ay unti-unti ko na rin natatanggap.

Seven months ago, gusto kong kunin ang hiram na buhay ko mula sa Kaniya. Pero, malaki ang pasasalamat ko sa magulang at sa mga kaibigan ko dahil sa gabay at kamay na nakalahad sa akin.

Natutunan kong mabuhay katulad ng dati ngunit may kaunting pagbabago. Ang munting buhay na nandito sa tiyan ko na kahit hindi ko pa siya nahahawakan ay mahal na mahal ko na siya.

Pinapangako ko, kapag lumabas siya sa mundong ito ay ibubuhos ko sa kaniya ang lahat ng pagmamahal at kalinga sa kaniya.

"Nagsesenti si Buntis," rinig kong sabi ni Sofia na bumulong kay Jenny. Bumulong pa ang gaga.

"H'wag mong pansinin, malapit na 'yang manganak kaya ganyan," bulong naman pabalik ni Jenny at sabay silang umangat ng tingin para itake note ang nakasulat sa board.

Parang nga baliw.

Pero...

Naisip ko lang, ang layo ng pinagbago ng bawat ugali nila. Mula sa walang pakialam na estudyante ay naging isa na sila sa mga matitinong eskuwela rito.

Napansin ko rin na mas lalong naging attach ang bawat isa sa amin.

"Girl, susunduin ka ba ng jowabels mo?" napabaling ako kay Hale nang hawakan niya ako mula sa baywang.

"Oo, ikaw ba?" ngumisi ako. Umirap siya.

"Parang tanga, wala akong jowabels," aniya. Napatawa ako at humawak sa malaki kong tiyan.

Sa bawat araw, palagi akong nakakarinig na samu't saring salita mula sa estudyante sa tuwing makikita ang malaki kong tiyan. Pero ayos lang naman, nagagawa kong ikalma ang puso ko kaya tahimik ang buhay ko. Kung hindi ako kalmado baka may peklat na ang bawat mukha nila.

Para kasing mga tanga, hindi lang naman ako ang buntis dito pero ako lagi ang pinupuntirya nila. Sarap nilang ibalik sa tiyan ng nanay nila.

"Oh pa'no? Nandito na sundo ko, kitakits bukas," tinapik ko ang balikat niya bago lumapit sa kakaparadang motor ni Anton.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya habang nilalagay ang helmet sa ulo ko.

Kinikilig ako, depota. Ang gwapo niya kasi, haysst.

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yun. Ang araw kung saan nagkita si Anton at ang magulang ko.

"Tangina mo!" Galit na ani ni Papa at mabilis na sinuntok sa panga si Anton. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang nakahiga sa hospital bed.

Samantalang, hindi malaman ni Mama ang gagawin na pag-awat kay Papa. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi ni Anton kaya mas lalo akong kinabahan.

"Pananagutan ko po siya," mahina ngunit sapat na marinig nilang lahat ang inusal ni Anton.

Dahil do'n ay mas lalong nagalit si Papa at muling sinugod si Anton. Kinwelyuhan niya uto at isinandal sa pader.

"Matapos mong iwanan ang anak ko ng halos dalawang buwan? Magpapakita ka at sasabihing  pananagutan ang anak ko?! Eh tarantado ka pala eh!" galit na ani ni Papa.

"Inayos ko lang po ang gusot sa pangalan ko, Sir. Kaya nawala ako sandali," sagot ni Anton habang hawak-hawak pa rin ni Papa ang kwelyo niya.

Umismir si Papa at padabog na binitawan ang kwelyo niya. Nakahinga akk ng maluwag at iniwas ang tingin sa kanilang tatlong biglang nanahimik.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now