•Kaguluhan 9•

453 29 16
                                    

Hale Suarez

***

"Dalhin na natin sa clinic!"

"Buhatin mo na kasi Yuan!"

"Teka, nagpapanic ako!"

"Tangina, huwag kayong sumigaw!"

"Guys, si Eyan namumutla na!"

Nagkakagulo sila. I mean, kami pa lang lahat. Hindi namin malaman kung anong gagawin. Lahat kami ay napapanic dahil first time namin na maka-encounter ng ganito.

Sa huli ay binuhat ni Yuan si Eyan papunta sa clinic. Habang kami namang girls ay agad na sumunod sa kaniya. Bitbit ko ang bag ni Eyan habang bitbit naman ni Jenny ang gamit ni Yuan.

Tumatakbo kami at halos lahat ng mga natitirang estudyante ay napapatingin. May nakasalubong din kaming teacher pero 'di na kami tumigil dahil sa pagpapanic na rin. Nag-aalala kaming lahat.

Pagkarating namin sa clinic ay agad kaming sinalubibg ni nurse Jane. Maganda siya at NBSB. No boyfriend since Birth.

"Anong nangyare?" tanong niya pagkapahiga kay Eyan.

"Hindi namin alam ate Nurse. Nahihilo siya kanina tapos bigla na lang siyang nagblack-out." pagkekwento ni Sofia.

"Ah sige sige, titingnan ko muna ang lagay niya ah. Kung pwede ay doon muna kayo sa labas." ani ng nurse kaya sunod sunod kaming lumabas sa clinic. Sinaraduhan ni Sofia ang pinto at bumuntong hininga siya pagkatapos.

Ilang minuto kaming naghintay sa labas bago lumabas si ate nurse. Pumasok ulit kami sa loob at nakita namin na nakahiga at walang malay pa rin si Eyan.

"Ano pong dahilan bakit siya hinimatay kanina, ate nurse?" tanong kaagad ni Jia habang naka-cross ang braso sa dibdib.

"Normal lang naman yun sa katulad niyang may ganung kondisyon." ani ni nurse at bahagyang napabuntong hininga.

Napaikot ang tingin ko sa buong loob ng clinic at halos lahat ng dingding ay may kung ano-anung nakasabit na may kinalaman sa kalusugan ng isang tao. Meron ding mga gamot na nakalagay sa isang malaking cabinet kung sakaling may magkasakit na estudyante. Tapos meron ding tatlong higaan na nakalaan para sa mga estudyanteng sumasakit ang ulo.

"Ano pong kondisyon?" magalang na tanong ni Vicca.

Bumuntong hininga muli si ate Nurse kaya napatitig ako sa kaniya. Maganda rin kasi si ate nurse. Siguradong akong nasa 30's na siya pero ang ganda pa rin niya. Ang alam ko wala siyang asawa o boyfriend. No boyfriend since birth si ate. Ma-ireto kaya siya sa tambay sa kanto?

"Hmm, sa kaniya ko na lang mismo sasabihin ang kondisyon niya tapos siya na lang ang magdedesisyon kung sasabihin niya sa inyo. Masyado kasing personal."

"Paanong personal po? May cancer ba si Eyan?" takhang tanong ni Jenny na hanggang ngayon ay bitbit pa rin ang bag ni Yuan.

Bahagyang napailing si ate Nurse sa tanong ni Jenny habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri niya.

"Wala naman. Siya na lang ang tanungin niyo kapag nagising na siya." sabi ni ate nurse at saka kami iniwan sa pwesto namin para bumalik sa table niya.

"Ano kayang sakit ni Eyan?" kunot noo na tanong ni Yuan.

"Sakit sa utak. Tanga 'yan eh," pa-ismir na sagot ni Jenny kaya bahagyang napatawa kaming mga nasa loob.

"Hoy, 'yang bunganga mo lalagyan ko ng anesthesia eh," pagsasaway ni Sofia sa katabi niya na inirapan lang siya.

Hayyyy buhay kay ganda mo talaga...

---

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa paradahan ng jeep sa kanto namin. Medyo na-late na ako ng gising kanina dahil halos matapos ko ang isang buong drama kagabi. Mabuti na lang napilit ko ang sarili ko na tumulog naman.

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now