Nena Zios
***
"Pesteng yawa naman, nasaan na yung notebook ko?!" gigil kong tanong sa mga tukmol na hindi magkandaugaga sa pagkopya ng assignment. Akala ko ba magbabagong buhay na sila ngayong senior high?
Umangat ang tingin ni Kian papunta sa'kin bago nagkibit balikat. Samantalang, iyong iba ay parang walang narinig.
"Hoy!" binatukan ko si Vincent dahil nakita kong nasa kaniya ang hinahanap kong notebook.
"Naknamputa!" bulalas niya at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa napahaba niyang sulat sa kwaderno.
Taena. Buti nga sa kaniya. Masungit pa man din yung teacher namin sa subject na 'to. Ayaw niya ng maruming notebook o kaya ng puro bura.
Nilahad ko ang kamay ko. "Akin na yung notebook ko," ani ko. Bahagya niyang nilayo ang notebook sa'kin at sinimangutan ako.
"'Di pa 'ko tapos magsulat eh!" maktol niya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong pake ko?" mataray kong tanong.
"Pakopya muna ako, parang others ka naman Nena eh!" hirit pa niya. Napaikot na lang ang mata ko at saka hinablot ang notebook na balak pa niya sanang ilayo.
"Hindi pa rin ako tapos sa assignment dito," bulyaw ko.
"Mga bwesit na 'to, ayaw gagawa ng kanila, tse!" inirapan ko sila at padabog na bumalik sa seat ko na katabi ni Sean.
Lumipas ang isang oras nang walang dumadating na teacher. Sobrang ingay ng mga tukmol sa unahan ko, ang lalakas ng boses nila kahit na ang lapit-lapit lang naman nila sa isa't isa. Nakakabwesit, rinding-rindi na ako sa tawanan ang kantyawan nila.
Sasawayin ko na sana sila nang biglang lumapit iyong president ng room namin. Si Bela Porch—charot. Si Bela Domingo, maganda, morena, hangang balikat lang ang maiitim niyang buhok at matangkad din. Section B siya nung grade 10 pa kami kaya matalino 'yan.
"Hinaan niyo lang ang mga boses niyo, boys." panimula niya dahilan para biglang tumigil at mapatingin sa kaniya ang mga tukmol.
"President!" feeling close na bati ni Dino na akma sanang lalapit kay President pero hindi niya nagawa dahil bigla siyang hinila ni Zenon sa kwelyo ng polo.
"Wala tayo sa palengke kaya minimized your voice." ani pa ni President at nakita kong napasulyap ito kay Zenon na nakikipagtalo kay Dino.
Oh, I smell something malansa. HAHAHAHAHA.
"Yes, President, tatahimik na kami." pabibong sabi ni Iguel saka sumasudo kay Pres.
Tumango lang si Pres. bago bumalik sa upuan niya. Pagkaalis na pagkaalis pa lang niya ay nagsalita na agad si Dino.
"Ganda ng President natin, diba Zenon?" pang-aasar ni Dino.
"Okay lang." tamad na sagot ni Zenon habang naglalaro ng tong-its sa cellphone niya.
"Zenon, ramdam mo ba?"
"Ang alin?"
"Feel ko, crush ka nung President natin."
"Tanga ka ba? Pa'nong magiging crush ako no'n?" sabi ni Zenon habang ang paningin ay nasa laro pa rin.
"Hindi ko nga rin alam, ano bang magugustuhan niya sa'yo? Ang pagiging sugarol?"
Doon napatigil si Zenon at mabilis na binato ng ballpen si Dino kasabay ng mahina niyang pagmumura. Samantalang, napatawa naman kaming mga nakarinig sa sinabi ni Dino. Gago talaga.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)